Chapter 6: Nalaglag! o.O

32K 270 22
                                        

Chapter 6: Nalaglag?

Ella's POV

Kung nandito ka.....
Pwede ka bang magparamdam man lang?

~Third Person

It'sTuesday morning. 11th of October.Isa nanaman itong ORDINARY day sa buhay ni Ella at ng barkada. Just more... Special in some way.

Nagising si Ella sa pagtunog ng telepono niya.

-Bahala nalang si BATMAN!-

Ini-record niya ang phrase na ito para malaman niya na si Batman ang makakusap.

Binuksan ni Ella ang isangmataat tumingin sa cellphone niya.

-Message received-
Batman <3

At ano namang masasabi ni Batman kay Ella ng ganito ka-aga?

----------------------
From: Batman <3

Good Morning Batgirl! Antok pa? Bahala nalang si BATMAN!

Musta na? Ready ka na for school? Ako nagre-ready na!
-----------------------
Nagre-ready? Anong ibig sabihin ni Batman dito?

Dumilat ang parehong mata ni Ella. Ano kaya ang sinasabi ni Batman? Napareho sila ng eskwelahang pinasukan?

--------------------
To: Batman <3

Good Mowning sa 'yo...

OK lang ako. Starting to get ready na. Ikaw ba? San ka nag-aaral?
--------------------
From: Batman <3

Alam mo hindi mo na kailangang magmadali. Magkikita tayo, pero hindiako magpapakilala bilang si Batman.
--------------------
To: Batman <3

Oh? Ganun?


Naman. Sabagay, hindi mo naman alam kung sino talaga ako, 'di ba? :))
--------------------
From: Batman <3

Sabagay.... Haha!

O SHA! Mag-ready ka na. Para incase na magkita tayo, maganda ka. :)

Wag ka na magreply! See you sometime. Sana magkakasundo tayo. :)
------------------
Umupo lang si Ella sa kama. Magkakasundo nga ba sila pag nagkita?

Iniyakap ni Ella ng mahigpit si BJ at huminga ng malalim. Ayun,mabango parin. Parang kakabigay lang 2 minutes ago.

"Sana nga magkasundo kami no, BJ?" bulong niya.

------------------
Patrick's POV

Sana nga magkasundo kami ni Batgirl. Ayoko kasing masyadon mabilis,kaya mas maganda kung magpakilala kami sa isa't isa bilang kami, hindibilang Batman at Batgirl. Kung hindi... Bilang kami. As in ako, by Patrick. Siya, kung sino man siya.

Iba ang pakiramdam ko ngayon. Masaya ako na baka magkita kami niBatgirl. Pero bakit parang kinakabahan ako? Parang unusual angnararamdaman ko. Hindi naman sa parang "butterflies" ang nasa tiyan ko, pero parang na-nerbyos ako ng in a some sort of bad way.

Bumangon ako galing sa kama pagkatapos ko mai-send ang huli kong message kay Batgirl at dumeretso sa banyo.

-------------------------
50 minutes later, Ella's POV

Ito na. Ready na ako. Tapos na maligo, mag ayos, kumain, toothbrush,etc.. Naligpit ko na kaya lahat ng gamit ko?

Siyempre ginamit ko ang perfume na binigay sa 'kin ni Batman. Angbango kasi, eh.

Tinignan ko ang relo ko. Ang bagal naman ni Kuya. Ang late kasinagising, eh.

Inayos ko ang uniform ko at lumabas sa tapat ng bahay. Ang ganda ng umaga. Di gaanong malamig, di gaanong mainit. Hindi pa masyadong sumisikat ang araw. Tahimik ang umaga pag nandito sa amin. Nakakapag-relax ka sa labas.

Napalingon ako sa bahay nina Jason. May tatlong lalaking lumalabas. Ang isa, papunta sa kotse na may driver. Ang isa, papunta sa motor.Hindi ba masyado pa silang bata para mag-ganun?

Isinara ng isang lalaki ang pinto ng kotse at nagsimula ito sa pagba-biyahe. Ito namang motor, medyo natagalan dahil marami siyang idinadala na gamit.

Nakakainis naman kasi, ang kuripot naman ng school. Konti-konti lang kasi ang shelves namin kada classroom. >.<

"Patid." tawag ni kuya pagkasara niya ng pinto.
Tumalikod ako at nag buntog-hininga.Ayan, pare-pareho naman suot namin araw-araw. Akonakasimpleng dilaw lang na head band, naka-harapang curls ng buhok ko. Laging naka-suot ng maayos ang uniform. Si kuya naman, laging may naka-sabit na kulay pula na headphone sa leeg niya.Minsan lukot-lukot ang uniform, pero ngayon ang ayos.

Tumango ako kay Kuya at nagsimula na kami sa paglalakad.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Nakarating kami ng school ng6:15. Siyempre nakipag-kita ako sa barkada sa harap ng gate. Nakakapag-taka. Bakit wala si Christian?

"Hi!" sabay-bati namin ni Kuya Tikoy sa barkada.
Nag-uusap sila. Parang may private conversation, ba.
"Hui." tanapik ko ang likod ni Tammy.
Tumalikod naman siya sa 'kin. "Girl!"
Sabay yakap naman ako sa kanya.
"Sorry ah." sabi niya sa 'kin. "'Di kita narinig. Haha."

Naka purple na headband si Tammy, revealing her purple shiny little earings. Straight ang buhok niya, deretso ang bagsak. Parang kaka-rebond lang.

Niyakap ko naman na susunod si Cassie. Siya naman, pink na headband, halos buong buhok ang kulot, pero sa harap mo lang makikita ang curls.

Susunod ko na niyakap si Jason. Wala lang naman masyado. Nakasuot siyang simpleng Baby-G na kulay blue ang watch. Nasabi ko na na blue ang backpack niya, 'di ba?

"Musta na morning niyo?" tanong ko sa barkada pagka-bitaw ko kay Jason.
"OK naman." sagot ni Tammy, sabay ngiti sa barkada.

Napangiti ako. "Anong meron? Ako na lang ba ang nao-OP dito?"
"Wala 'to." sabi ni Cassie. "Alam mo? Ang mas maganda, pumunta na tayo
ng classroom."
Sabay interlock naman ng kamay si Tammy at Cassie. "Tara." sabi ko.

----------------
-Bahala nalang si BATMAN!-

Bigla-biglang nag-ring ang cellphone ko. Buti nalang pinayagan kamingmag-cellphone, pero dapat before and after school hours lang naminpwedeng gamitin. Meaning7:30 to 4:30 hindi namin pwedeng gamitin ang cellphone.

Itinanggal ko ang kamay ko sa mga kamay nina Cassie at Tammy at binasaang text.
------------------
From: Batman <3

Good morning, Batgirl! Nasaan ka na? Nakapasok ka na ba ng school
mo? :)
-----------------
Ngumiti ako sa sarili ko. Malakas ang kutob ko, alam kong malapit si Batman.
-----------------
To: Batman <3

Good Morning din, batman! Nakapasok na ako ng school namin. Musta na
ba morning mo so far? :)
-----------------
Tinapik ako ni Tammy. "Girl, sinong ka-text mo?"

Love by Strings FINISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon