REMEMBER: I ACCEPT SUGGESTIONS AND CRITISISM. PWEDE PO KAYO MAG-SUGGEST NG CAST AND/OR STORY, I-MESSAGE NIYO NALANG PO OR PM. LIKE KO PO ANG CHALLENGING. :)
----------------------------------------
Chapter 22: Hard Decisions
Ella's PoV
"HUWHAAAT?!" ang nasigaw ni Tammy nung sinabi ko ang pinapagawa ni Spencer.
Nasa tabi kami ng pool ngayon, kanina pa tumigil ang ulan. Maaraw nanaman, kasi mga 2:00 na ng hapon. Nasa taas na ang araw, tapos na ang practice. Maaga? 7am kamo nagsimula, 1pm kami natapos. Hindi kami nakapag-lunch. Konti lang nakain namin. O, ngayon may satsat ka pa? Haha. Joke ^_^v
"Pero gagawin niyo ba?"
Humarap ako kay Tammy. Lumiit ang maya niya sa init at liwanag ng araw.
"Hindi ko alam." ang sinagot ko. "Pero para sa kapatid niya 'yun, e."
"Paano pag nalaman 'to ng media, girl? Not that I'm thinking negative, pero nagme-make sure lang ako..."
"Baka pati sa camera, kailangan namin gawin." huminga ako ng malalim.
"Ewan ko nga, girl!"
Patrick's PoV
-Flashback-
Pagkapasok ko sa kwarto ni Tammy, nakita ko si Ella at si Spencer na magkaharap sa dalawang upuan.
"Anong meron?" tanong ko sa kanila pagkasara ko ng pinto.
Umupo ako sa tabi ni Ella.
"Come on, I really need you to do this." sabi ni Spencer kay Ella. Desperado?
"Para sa kaligayahan ni Jade. At bonus pa, baka sumaya pa ang fans ng ElRick. "
"Hindi. Hindi talaga pwede." ang sagot ni Ella habang umiiling.
"Ano ba 'yan?" tanong ko ng humaharap kay Ella. "Bakit naman parang ayaw na ayaw mo at--" na cut off ako.
"Gusto niyang magkunwari sa harap ni Mut... Jade na tayo na."
Humarap ako kay Spencer. "Tama. Hindi pwede. Hindi PWEDE."
"Sige na, baka dumagdag pa ang fans niyo at lumaki ang tiyansa na manalo kayo sa contest.."
Tumayo kami ni Ella. "HINDI. HINDI PWEDE!!" sabay paH. (With a capital H.)
"Sige na." tumayo rin siya.
"BAKIT KAMI?!" sabay ulit.
Lumuhod siya. "Kasi kayo lang ang gusto niyang loveteam dito sa probinsya. Kahit bago lang kayo, pinangarap ni Jade na talagang maging kayo. I've never seen her this happy before. PLEASE, ngayon lang ako nagmakaawa sa buong buhay ko. PLEASE."
Nagtinginan kami ni Ella. Ayoko talagang gawin 'to, paano kung mahulog na ako ng tuluyan kay Ella..?
-End of Flashback-
Inuntog ko sarili ko sa mesa ni Tammy sa kainan nila sa tabi ng kusina. Gagawin ko pa kaya 'to..?
"Huy!" may biglang kumiliti sa 'kin.
Umupo ako ng tuwid at tumalikod.
"Bwiset kang Tikoy ka. Sipain kita diyan, e."
Tumawa siya ng konti at umupo sa isang upuan sa kabilang gilid ng mesa. "Lalim naman ng iniisip mo, a."
Nag buntong-hininga ako. "Tikoy, pag may pinagawa sa 'yo ang isang tao na nakilala mo 10 minutes ago, gagawin mo ba ang pinapagawa niya?"
Tinaas niya isang kilay niya. "Dipende kung anong pinapagawa niya."
Tumingin ako sa malayo. "Paano kung pinagpapanggap ka kayo ng taong imposibleng magkagusto sa 'yo na kayo na sa harap ng kapatid ng nagpapagawa?"
"Pinagpapanggap kayo ni Ella na kayo na sa harap ng kapatid ni Spencer?"
Inuntog ko ulit ulo ko sa mesa. "Oo."
"Bakit nga ba?"
"Ngayon lang daw kasi naging ganito kasaya si Jade. Kami lang daw kasi ang loveteam dito."
Tumawa siya ng konti. "E di gawin mo."
Humarap ako sa kanya. "Ayokong matamaan."
Tumawa siya ulit at sumandal. "Pare, tinamaan ka na."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Ito clue ko.."
"Nakakainis yung babae kanina. Maganda na sana, masungit lang. Akala mo kung sino. Kamukha banaman si Batgirl. Tsk. Tapos kinailangan pang--"
"Ganun ba talaga ako nung first day ko?"
Tumawa siya ng konti ulit at tumango. "Oo."
Kinamot ko likod ng ulo ko.
Ella's PoV
Nakahiga kami ngayon ni Tammy sa isang picnic mat sa damo-damo sa tabi ng swimming pool. Sa sobrang init ng araw, tuyong tuyo na ang lupa. Parang El Niño.
"Alam mo, girl.." huminga ng malalim si Tammy. "Kung ako sa 'yo, gagawin ko ang pinapagawa ni Spencer."
"Bakit naman?" tanong ko.
"Kasi may mapapasaya kayong ibang tao."
Nag buntong-hininga ako. "Ayokong malaglag, girl."
Tumawa siya ng konti. "Kinaladkad ka na sa lupa, girl."
Napatawa rin ako. "Sira ka. Kay Batman parin ako, no. Mahal ko siya, mahal niya ako. Wala nang magbabago."
"E bakit ka pa natatakot na gawin 'to? Mahal mo naman pala si Batman, e."
Umupo ako bigla. "Oo nga, no?"
Humiga ako ulit. "Pero, paano kung bigla akong mahulog kay Patrick tapos makalimutan ko si Batman?"
"Walang kinakalimutan ang pag-ibig. Kung mahal mo talaga si Batman, hindi mo na siya makakalimutan."
Ngumiti ako. "Sabagay."
Tumayo ako at pumunta sa loob, papunta sa kusina.
Patrick's PoV
"Mahal mo ba si Batgirl?" tanong ni Tikoy.
"Siyempre." ang sagot ko. "Kaya nga 8 years ko na siya hinahanap, 'di ba?"
"Pero natatakot ka na mahalin si Ella?"
Yumuko ako. Wala akong masagot 'dun a.
Sssss.... (A/N: SOUND NG SLIDING DOOR YAN WALANG AANGAL XD)
"Gagawin ko."
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Dedicated to: batgirl_lubbsDJ!!
ATEEEEEEEE~~~! MAY PRIZE PO KAYO SA 'KIN! Let's taaaaaaaaalk sometime. Sabihin niyo po ang gusto niyong prize sa 'kin! Love you 'te buti ka pa nanghuhula! WAHAHA.
Next chapter:
Chapter 23: First day, first.. What?
Bukas po ang next chapter. Depende po sa VOTES, LIKES and COMMENTS!!!!
BINABASA MO ANG
Love by Strings FINISHED
FanfictionPaano kung ang taong katagal-tagal mo nang hinahanap... Ang taong gusto mong makasama habang buhay... Ang taong nakita mo ng isang beses lamang pero nagkagusto ka sa kanya.... Ay andiyan na lamang sa iyong harapan? At kaaway mo pa siya? Ang weird di...
