Chapter 40: Lovers' Quarrel
Lawrence's PoV
Siguro nagtataka kayo kung bakit alam namin ni Cassie ang isa't isa?
Ganito kasi 'yon...
Meron kasi kaming barkada doon sa Cebu. Si Diane Santiago, si Ann Li, si Cassie, at ang tatlo pa naming kaibigan na si Patrick Sugui, Bret Jackson at Ivan Dorschner. Sa amin, kaming dalawa lang ni Cassie ang nag-aaway simula noong nakabunggo ko siya sa Airport.
Eh basta! Masyado akong naiinis para mag-kwento. Basta ayoko siyang nandito! Nakainis na 'tong si Cassie na 'to! Urgh!!
Dapat sa tabi ako ni Tammy kasi pinalitan yung pwesto dahil umalis ang katabi niya kaso nakipag-palit si Ella. Nagmaka-awa siya, so pinag-bigyan ko. Hindi ko alam katabi ko pala si Cassie. Sinubukan kong makipag-palit ulit kaso ayaw naman ni Ella. So I was stuck with Cassie and her huge mouth.
So nasa recess kami ngayon, ito ang pwesto..
Ako---Ella.---Tammy.
Patrick
Cassie---Tikoy---Jason.Nakalagay ang kamay ko sa balikat ni Ella. Wala lang, trip. Magkaibigan naman kami ee.
Pero nung tinignan ko si Patrick, parang may balak na patayin ako. Ano ba 'yan? Naiilang ako. 'Di ko naman matanggal ang kamay ko sa balikat ni Ella kasi baka mahalata pa ako. Wrong move Lawrence.
Lesson learned; wag aakbay kay Ella pag nandiyan si Patrick.
Nung nag-aaway kami ng away ni Cassie, si Tikoy naman ang gustong patayin ako.
Nung kinausap ko si Tammy, si Jason naman. Ano ba naman kayo?! Meron ba akong makakausap na walang may balak na katayin ako?
"So what's new?" iyon nalang ang natanong ko sa kanila.
"You being here." satsat naman 'tong si Cassie ano? "Ano bang ginagawa mo dito Lawrence?"
"Para sa mga kababata ko. Baket? Inggit ka ba na hindi ikaw ang pinunta ko rito?"
"Swerte mo naman yata? Feeling mo magkakagusto ako sa 'yo? May gusto ako at hindi ikaw 'yon!"
"Sino naman? Siguro si Ivan no? O kaya si Patrick?"
"Ako?" napatingin ako kay Patrick.
"Hindi! Si Patrick Sugui. Kabarkada namin sa Cebu. Hehe."
"Si Sugui? Okay yon, pero ikaw? MANGARAP KA NA LANG, Lawrence. As if naman! Tiyaka naging girlfriend mo bestie ko."
(an: Malalaman niyo rin kung anong ibig sabihin ng sinabi ni Cassie, wag kayong mag-alala.)
"Wala na kami."
"O yun naman pala! Buti naman at natuto siya at na-realize niya na SALOT ang boyfriend niya!" tumayo siya at umalis.
"Hoy wag mo 'kong ma-wa-walk out, aa. 'Yang ugali mo!" tumayo ako at sinundan siya.
Ella's PoV
"Hindi talaga mapapagbati ang dalawa no?" Tammy.
"Oo nga. Ang ewan lang." Ako.
"Tss. Tama naman si Cassie ee." naka-yuko si Patrick at binulong niya 'to pero obviously narinig ko.
"Ano sabi mo?"
Tumingin siya sa 'kin. "Wala. Sabi ko ang ganda mo. =______="
"Patrick okay ka lang ba? Sungit mo ngayon aa."
"Tss. Wala 'to." yumuko na naman siya at bumulong ng kung ano.
"Ano?"
Humarap siya sa 'kin na naiinis. "WALA!! Alis na nga ako!? Tss." tapos nag-walk out siya.
"Hoy Patrick Romeo Samson Rivero. Bumalik ka nga rito!" sinundan ko siya hanggang makarating kami ng gate ng campus.
Tammy's PoV
"Uso ba ngayon ang LQ?" humarap ako kayna Jason.
"Oo." sungit mo naman Jason! Tss.
"Ikaw rin ba J? Napano ka ba? Ang lakas rin ng loob mong manligaw--"
"Kasalanan ko ba kung selos ako? Kasalanan ko ba kung kayo lang ang sweet ngayon?"
"Selos? Bakit ka naman magseselos? Kanino ba?"
"Tanungin mo kababata mo. Tss." walk out! USO RIN NGAYON ANG WALK OUT AA!!
"Jason! Ano ka ba? Kausapin mo nga ako ng maayos!" hinabol ko siya.
------------------------------
Wew. Haha. LQ lahat! BWAHAHA!!
Pangit ba? Sorry po aa!
BINABASA MO ANG
Love by Strings FINISHED
FanfictionPaano kung ang taong katagal-tagal mo nang hinahanap... Ang taong gusto mong makasama habang buhay... Ang taong nakita mo ng isang beses lamang pero nagkagusto ka sa kanya.... Ay andiyan na lamang sa iyong harapan? At kaaway mo pa siya? Ang weird di...