Chapter 21: Favors
Tammy's PoV
Ngumiti ng malaki si Jade at niyakap si Ella. "Ate Ella!"
"Kilala mo siya?" sabay-sabay kaming nagtanong ng barkada, pati na rin si Spencer.
Binuhat ni Ella si Jade. "Oo." tapos tumawa siya ng konti. "Naghingi pa nga ng autograph, e."
Tapos tumawa si Spencer at nilagay ang kamay sa bewang. "So that's where you went?"
Tumango si Jade. "Hihi." ang cute!
"Bakit Jade?" tanong ni Ella. "Xyriel ang sabi niya sa 'kin.""Nah, she just calls herself that. Xyriel Jade Smith ang totoo niyang pangalan."
Binaba ni Ella si Jade at kinurot sa pisngi. "Ang cute mo talaga."
"Asan po boyfriend niyo?" tanong ni Jade bigla kay Ella.Ito namang si Ella, obviously nagulat. "Ha?"
Tumawa naman ng konti si Jade "Si kuya Patrick po!"
Awkward smile si Ella. "Ah.. Hindi ko siya--" na cut off.
"May tumawag sa pangalan ko." may biglang nagsalita sa likod ni Ella.
Siyempre si Patrick.
"Eeeeeeee! Kuya Patrick!" tumalon-talon si Jade tapos tumakbo kay Patrick at niyakap. "Alam mo kuya maraming nagkaka-crush sa 'yo sa min! Inggit pa nga sila kasi nakakasama mo si ate Ella!""Ah... Ha. Ha. Haa..."nag awkard smile rin si Patrick.
Tapos tumingin si Jade kay Jason. "Ikaw yung kuya ni Kuya Patrick no? Hihi. Nagka crush sa 'yo best friend ko!"
Tumawa ako ng konti. Ang cute naman niyang batang 'yan. Hindi ba naman kinuwento sa 'kin ni Spencer kahit minsan 'yan? At 4 years na kaming magkasama. Grabe! Tagal nun, a?
Humarap si Jade kay kuya Tikoy. "Kuya Tikoy! Magaling ka daw sa volleyball... Paturo naman ako! Wait, asan si ate Cassie?"Tumalon-talon siya tapos tinignan si Cassie. "Ate, lagi ka namin nakikita sa labas. Ang ganda lagi ng suot mo! Pwede pahinge ng damit?"
Tumawa ng konti si Cassie. "Sige, pagsho-shopping kita."
Tumalon-talon ulit si Jade. "Yehey! Hihi."
"Naunahan na yata ako ni Issa sa pagiging sociable." narinig kong sabi ni Spencer galing sa tabi ko.
"Halata nga." sabi ko sa kanya at tumawa ng konti.
Tapos humarap si Jade sa 'kin. Tumakbo siya sa harap ko at niyakap bewang ko. "Magaling ka rin daw sa volleyball. Nakita kitang naglaro, ate! Ang galing mo pala!"
Umupo ako para ma-abot niya ako. "Talaga?"
Tumango siya. "Oo, ate! At..."
Lumapit siya sa tenga ko. "Crush ka ni kuya." bulong niya.
Napatawa ako ng konti. Ang cute naman ng batang 'to. Sarap ubusin. Haha.
Tumalon-talon ulit si Jade at pumunta kay Spencer. "Kuya, kuya! Sikat pala mga kaibigan mo."
Lumuhod naman si Spencer at nilagay ang kamay niya sa balikat ni Jade. "Did you take candies from the shelves again?"Pout naman si Jade. "Yes, kuya. Pero not much."
Inilahad ni Spencer ang kamay niya kay Jade. "Give me now."
BINABASA MO ANG
Love by Strings FINISHED
أدب الهواةPaano kung ang taong katagal-tagal mo nang hinahanap... Ang taong gusto mong makasama habang buhay... Ang taong nakita mo ng isang beses lamang pero nagkagusto ka sa kanya.... Ay andiyan na lamang sa iyong harapan? At kaaway mo pa siya? Ang weird di...