Chapter 8: Concern?

32.2K 322 47
                                        

Chapter 8: Concern

Ella's POV

Lumabas ako ng classroom at snacks ng napansin ko ang buhok ni Christian.

"Christian!" tawag ko.

Walang sagot. Napano kaya 'to?

"Christian!" tawag ko ulit.

Lumingon siya, at naglakad ulit paalis. Ngayon mas mabilis. Iniiwasan ako nito?

Hinabol ko siya hanggang makarating kami sa tabi ng gym.

"Christian!" tawag ko ulit. Bigla kasing nawala.

"Christian?" tumingin ako sa gilid-gilid. Ay? Naging si Flash?

Uupo na sana ako sa isang maliit na upuan, ng may napansin ako na  
maliit na teddy bear, na may "press me" sa kaliwang kamay. Kinuha ko  
ito at ipinindot ang kamay.

"Hi Ella." boses ni Christian ang lumabas galing sa teddy bear.  
"Siguro nagtataka ka kung bakit ganito kita kinakausap. Pasensya ka na  
talaga, hindi ako makaharap sa 'yo sa personal."

Umupo ako at nakinig.

"Napansin mo ba ng tahimik ako? Pasensya na dun. Di ko kasi alam kung  
paano sasabihin. Ahh..... Paano ba 'to?"

"Aalis ako ng Australia. Pupuntahan ko si daddy."

Nagulat ako. Bakit hindi man lang niya sinabi?

"Nakakainis. Ang duwag ko kasi. Sana nakapag-paalam sana ako sa 'yo.  
Kaso mukhang busy ka, kaya hindi ako nagkaroon ng pagkakataon..."

"Dapat next week ako aalis, pero si mommy na-excite at nag book ng  
flight ngayon. Buti nga naibigay ko ito sa 'yo..."

"Siguro nagtataka ka kung bakit agad ako nakapag-tago? Hindi ako yung  
hinabol mo. Kapareho ko lang ang buhok."

"Pasensya ka na talaga. Kailangan ko nang umalis. Sana maitago mo  
itong teddy bear na 'to. Ingatan mo, ha? Bye. "

Biglang tumulo ang luha ko. Bakit naman kasi hindi siya nakapag-paalam  
ng maayos? Ang labo.

Iniyakap ko ng mahigpit ang teddy bear. Have a safe trip,  
Christian... :(

• = • = • = • = • = • = • = • = • = • = • = • = • = • = •

"Ano? So ngayon naka-alis si Christian?" tanong ni Tammy sa canteen, ng nasa paligid niya ang barkada.
Tumango ako at pinakita ko ang teddy bear. "Sabi niya diyan. Pindutin mo ang kamay."

--------------------------------------------------------------------------------------------
 
"Nakakainis naman." sabi ni Tammy ng naka-simangot. "Wrong timing naman ang pag-alis niya. Ang labo."
"Oo nga, eh." sagot ko. "Bakit ngayon?"

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
2 weeks later...

Haii... 2nd week na ng klase, no sign of Christian. Ni message man lang sa Facebook, wala. Nakakamiss na talaga siya... :(

Naging medyo matamlay ako the past few days. Pero buti nalang nandiyan ang barkada to cheer me up.

Well, speaking of barkada, naipasok na yung mokong na si Patrick. Lang 'ya, asungot talaga. Ang hilig mang-inis.

Ito namang si Cassie at Kuya Tikoy, si Jason at si Tammy ay padalas na ng padalas ang pag-uusap. Minsan nga, hindi na ako pinapansin ni Tammy at Cassie.

Naka 7,000 na ako sa pag-ipon si far. Kasama na yung aguinaldo ko at ang naipon ko last school year. Nag-start ako ng mini-bakery na nag bebenta ng cookies at muffins, kaya minsan umuuwi ako sa bahay agad. Si kuya no choice, palit-palit sa pag-benta. Tinulungan na rin ako nina Cassie at Tammy nung isang araw. Buti naman nakakapag tulong din si Jason. Di katulad ng kapatid niyang unggoy. Walang ginawa kung hindi lumamon. Pinagpapakain banaman ni mommy ng libre? Siya na nga naka sira ng phone ko, e.

It's just an ordinary Saturday morning, at nagbe-bake ako ng chocolate chip cookies para sa mini-bakery ko. I made sure they were all fresh from the oven pagka-balot ko.

-Ding dong-

"Ako na po!" tawag ko kay mommy at kuya. Tinutulungan nila ako sa pag-bake.

Binuksan ko ang pinto.

"At anong ginagawa mo dito? Lalamon ka nanaman ba?"

Yes, alam niyo na. Yung unggoy ang "bumisita".

"Masama bang bumisita sa kaibigan?" tanong ng unggoy.

Love by Strings FINISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon