Chapter 23: First day, first.. What?
Ella's PoV
Ito na. Confident. Gagawin ko na. Gagawin ko na TALAGA. Mahal ko si Batman, wala na akong kailangan alalahanin. Corny? Paki ko sa 'yo. Totoo 'yon, wala ka nang magagawa 'doooooooonnnn....
Tumayo si Patrick at humarap sa 'kin. "Anong gagawin?"
I raised my chin. "Gagawin ko ang favor ni Spencer."
He leaned back. "Aba! Confident pa. Siguro may gusto ka sa 'kin kaya mo ginagawa 'to, no?"
Umiling ako. "Hindi. Siguro ikaw. Kaya naguguluhan ka ngayon, 'di ba?"
"Aba, kapal mo rin, a! Sige. Gagawin ko!"
"Ate Ellaaaa..." may tumawag sa pangalan ko galing sa sala.
"Hi Jade!" ngumiti ako at umupo para maibuhat ko si Jade. Tumawa siya at niyakap ako. Kinuha ko siya at binuhat ko.
"Ate, alis tayo." sabi niya.
"San tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.
"Sa park! Sama natin yung boyfriend mo." tapos tinuro niya si Kumag.
(simula ngayon pag galit ako sa kanya tatawagan ko siyang Kumag. Pag hindi, simply Patrick lang. K?)
"Ha?"
"Si kuya Patrick, sama mo!" sabi niya tapos tumawa ng konti.
"Hindi ko kasi alam kung saan ang park dito, e. Hindi ako dito nakatira."
"Ako alam ko!" tumawa ulit.
"Nakapag-paalam ka na ba kay Kuya Spencer mo?"
Tumango siya. "Opo! Basta raw kasama kayo."
Ano ba 'yan, wala na akong lusot dito. T^T
Nag buntong-hininga ako. "Sige, pero dapat payag si Ku--Patrick."
Humarap si Jade kay Kumag. "Kuya, alis tayo! Kasama na si ate Ella, o."
Nakalagay ang kamay ni Kumag sa bulsa. Nakatayo parin, pero nakatingin sa malayo.
"Kuya!" tumawag ulit si Jade.
Inalog-alog ni Patrick ang ulo niya. (Mabilis ako mawalan ng galit, e. ^^)
"Ha?" sabi niya. Dumbfounded?
Tumawa lang si Jade. "Alis tayo!" sabi niya. "Punta tayo ng park kasama ni ate Ella."
Patrick's PoV
"Punta tayo ng park kasama ni ate Ella."
Napatawa ako na ewan. Inisip ko kasi yung mangyayari pag andun kami sa park. Parang magmumukha kaming mag-asawa ni Ella na pinapasyal ang anak namin.
Teka, bakit 'yun iniisip ko? As if naman magiging totoo. Eh, basta. BATGIRL. BATGIRL. BATGIRL. PERIOD. DONE. LOCK. NO ERASE. PADLOCK, SUSI. OK. BATGIRL LANG. OK.
"Sige."
****
"Wala bang holding hands?"
Bigla kaming tumigil ni Ella sa paglalakad. Ano banaman 'yan? Ilang
taon na ba 'to at ganyang mag-isip?
"Ano? Wala ba?"
Nagtinginan kami ni Ella.
"Sige, magtatampo ako sa inyo pag hindi kayo nag-holding hands."
*sigh* No choice. Nagkununwari nga kami na on kami 'di ba?
Inilahad ko ang kamay ko sa kanya at nginitian siya.
And to my surprise, ngumiti rin siya sa 'kin.
Kinuha ni Ella ang kamay ko, tapos nagsimula na kami sa paglalakad.
Bakit parang nakuryente ang kamay ko? Pero yun rin ang naging dahilan ng paghihigpit ng kamay ko sa kanya.
Parang nahulog na yung puso ko sa sahig.
Hindi 'to pwede. HINDI 'TO PWEDE!! Dapat kay Batgirl ako ngayon. BATGIRL!!
Pero bakit... Ganito ang nararamdaman ko pag kasama ko si Ella?
Ang saya-saya ko...
Pag kasama ko siya parang ayoko nang pumunta pa sa iba...
Enebenemenyen. Ano ba 'tong nararamdaman ko? :(
Ella's PoV
"Sige, magtatampo ako sa inyo pag hindi kayo nag-holding hands."
Nag buntong-hininga si Patrick at inilahad ang kamay sa akin. Aba, Dèjá vu?
Tinignan ko ang kamay ni Patrick at tumingin ulit sa kanya.
Naka-half smile siya sa 'kin. Yung ngiting ikinababaliwan ng mga babae sa school.
Ewan ko kung bakit, pero napangiti rin ako. Nag buntong hininga ako at kinuha ko kamay niya, tapos nagsimula na kami sa paglalakad.
Ouch. Parang may kumuryente sa kamay ko!
Tinignan ko kamay ko. Nakataas lahat ng balahibo ko. Goosebumps? Siguro effect lang ng kuryente.
15% of my body wants to let go. Pero... 85% percent wants me to stay this way.
Bakit ganito nararamdaman ko? Am I...
No, Ella. Batman lang ang one and only mo. Hindi ka pwedeng ma-inlove kay Patrick. Ella, Patrick and Love definitely do NOT fit. So atleast kay Batman alam kong hindi ako aasa. Kasi alam ko nang mahal niya ako.
Ang in-expect ko, si Batman ang first ka-HHWW (Holding Hands While Walking) ko. Pero, si Patrick pala.
Si Patrick din ang first simple ka-holding hands ko. Remember noong nahulog ako at tinulungan niya ako sa pagbaba ng microwave? (An: Chapter 13, Back to Normal)
Si Patrick ang unang lalaking nakaaway ko the first time na nagkita kami. Pero ewan ko, naging frenemies kami.
Siya rin ang unang lalaking tinignan ko sa mata. As in totally sa mata. Ewan ko kung bakit...
Okay, so tatlo na ang first ko kay Patrick. Pero kahit papano si Batman ang first love ko at hindi magiging pangalawa si Patrick. Never talaga akong mafa-fall sa kanya. Please lang, Lord. Help me with this.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
An: Chanan... Tapos na ang chapter 23! Mihihi :3
BINABASA MO ANG
Love by Strings FINISHED
FanfictionPaano kung ang taong katagal-tagal mo nang hinahanap... Ang taong gusto mong makasama habang buhay... Ang taong nakita mo ng isang beses lamang pero nagkagusto ka sa kanya.... Ay andiyan na lamang sa iyong harapan? At kaaway mo pa siya? Ang weird di...
