Chapter 12: Video Calls
Tammy's POV
Whaaawwww.... I am so honored to be you're guest today. Minsan lang ako may Point of View na ganito! Hihi.
Ok, so naging mag-close na kami ni Jason the past few days, at niyaya pa niya ako ng date last Saturday! Ang sarap ng food. Ang sipag kasi ng chef, kami pa pinag-luto. Yakimix kasi. HAHA.
Ito namang si Ella, padalas na ng padalas ang problema kay Patrick. Natapilok daw si Patrick at kinailangan niya daw tulungan. Masakit daw likod niya kasi sinundo pa siya. Masakit daw ulo niya kasi nag-untugan sila. At lahat yun, nangyari lang nung isang araw! -.-
Simula nung sinigaw ni Patrick na may gusto siya, ng konting konting konting konti (as he said) kay Ella, naging mas tahimik na ang dalawa. Magtitinginan lang, tapos lilingon lang ulit palayo.
Si Justin naman, kapalit ni Christian sa room 302. May bago na raw siyang kaibigan, pinakilala pa kami. Malalaman niyo rin kung sino. Hihi.
So ito kami on a Saturday morning, sa park na lagi naming pinapasyalan. Wala lang. Naka-upo lang sa isang sapin, enjoying the cool breeze of the morning.
"So, what now?" biglang tanong ni Cassie in the middle of nowhere."Ewan." sagot ni Patrick, sabay kibit-balikat.
"Malay." naman ang sagot ni Ella.
Bakit kaya tuwing may magtatanong, magco-comment ang dalawa ng isang salita lang? Usually mag-aaway pa sila, or mag s-speech. Debate. Haii.
"Pwede ba kayong magusap?" tanong ko, naka-harap kayna Patrick at Ella.
Nagtinginan silang dalawa at lumingon ulit palayo."I guess not..." bulong ko.
"Aalis na ako." tumayo si Ella. "Baka mahirapan pa si mommy sa bakery."
"Ako rin." sabi naman ni Patrick. "Wala rin naman ako gagawin dito."
Nag buntong-hininga ako at tumango. Kailan kaya mag-uusap ang dalawa?"Sama ka, patid?" yaya ni Ella kay kuya Tikoy.
Kinamot ni kuya Tikoy ang likod ng ulo niya at pinuntahan si Ella.
Si Patrick, nauna na, pero lingon parin ng lingon kay Ella. Siguro nahiya lang siya kay Ella sa nangyari.
Si Ella naman, wala lang. Tahimik. Quiet in an unusual way. In a bad way na hindi ko ma-explain.
Minutes past nung naka-alis na ang tatlo."Kailangan talaga nilang magbati." sinabi ko sa barkada. "Or magusap."
"Wala rin naman, e." sabi naman ni Cassie. "Mag-aaway lang sila."
----------------------------------------
Ella's POVAy, ako nanaman? Haha. Sige, tuloy ko nalang...
Parang may mali. Parang masama ang kutob ko na hindi ko alam na ewan. Malungkot pala pag wala kang maka-away. Walang mang-aasar, walang inaasar. Tsk.
Nandito lang naman ako sa kwarto ko, naka-higa sa kama. Walang laman utak ko kung hindi siya. Bakit nga ba ako nagkakaganito? Kay Batman lang ako. First love. Hindi ako titigil ng paghahanap sa kanya. Pero kaysa't naman hahanap-hanapin ko kung anong pangalan niya, 'di ba? Tsk.
Kinuha ko si BJ at niyakap ng mahigpit. "BJ, magkikita pa kaya kami?" bulong ko.
Patrick's POV
Naka-tunganga nanaman ako sa kwarto ko. Nakakainip pag wala kang kausap.
Kumusta na kaya si Batgirl? Hindi ako makapag-send ng message sa kanya kasi bigla lang pumupunta sa drafts o kaya outbox. Lagi naman akong unli?
Nasa akin pa nga bracelet niya. Hindi ko nga lang sinusuot, naka-tago lang sa isang case. Ang tagal ko nang hindi ginagalaw.
Eh si Ella kaya? Kumusta na kaya siya?
Tsk! 'Yan tuloy. Nag-alala ako. Grrrr...
Ano bang meron dun sa babaeng 'yun at naisipan kong ipagpalit si Batgirl? Hindi ko naman siya type. Tsk. Gulo.
-Tok tok tok-
"Pasok."
Binuksan ang pinto ng kwarto ko, at pumasok si kuya Jason.
"Mukhang badtrip ka diyan, a." sabi niya.
BINABASA MO ANG
Love by Strings FINISHED
FanfictionPaano kung ang taong katagal-tagal mo nang hinahanap... Ang taong gusto mong makasama habang buhay... Ang taong nakita mo ng isang beses lamang pero nagkagusto ka sa kanya.... Ay andiyan na lamang sa iyong harapan? At kaaway mo pa siya? Ang weird di...