Chapter 4: Katext

33.3K 313 24
                                        

Chapter 4: Katext

Ella's POV

Jason,” hinawakan ko ang balikat niya.“Inlove ka ba?”

Wala lang. Nakatunganga lang sa 'kin. Gulat na ewan.

Inalog ko ang balikat niya.“Jason..”

Wala parin. Pinikit niya ng mahigpit ang mata niya at ibinukas ulit.“Ah, eh... Ano?”

Inlove ka ba, sabi ko.” His face went from surprised to grumpy, making him look unusual.“Komplikado, OK?”

Humarap siya sa baba as soon as binitawan ko ang balikat niya.“Kung alam mo lang..”bulong niya.

Ano sabi mo?”

Ngumiti lang siya sa 'kin, simply and casually, na parang walang nangyari.

Tumingin sa watch niya.“Tuloy mo na pag-kain mo. 5:30 na.” Sabay kuha siya ng nuggets niya at uminom ng coke.

Ang weird naman nito, maka-kain na nga.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Salamat sa pagsasama sa 'kin pauwi.”sabi ko kay Jason pagkarating ko sa harap ng bahay namin ng 6pm. Akalain mo, siya pala yung bago naming kapitbahay? Siya pala yung matangkad na maitim kaninang umaga?

Sorry kailangan na kitang iyaya sa McDo.”sabi niya sa 'kin. “Baka magalit pa mommy mo sa 'kin.”

Ngumiti lang ako sa kanya.“'Di bale na yun. Sabi niya pa nga sa 'kin dapat 6:30 ako uuwi, kasi daw 'dalaga' na raw ako.”sabay gawa ng handsign ng nakaharap kay Jason nung sinabi ko ang word na“dalaga”.

Tumawa siya.

Sige, pasok na ako.”sabi ko sa kanya.

Tumango siya, kumaway at nag-half smile. Yung smile na nakakapagpatunaw ng mga babae. Pero not that na parang kinikilig ako or anything, dini-describe ko lang ang paano ang ngiti niya sa mga ibang babae. As in, yung pag ngumiti siya sa public, feeling mo auto-hearthrob na ng school.

Pumasok ako sa bahay ng medyo pagod. Grabe, naglakad kami ni Jason mula McDo papunta sa village namin ng 1.5 kilometers. Nag-challenge kami pagkatapos kumain. Kung may mapapagod na raw talaga, bubuhatin ang bag ng kasama. Buti nalang walang masyadong napagod. :))

Hi mommy! Hi patid!”bati ko pag-pasok.

Hi anak! Halika, nandito ako sa kusina. Kasama ko si kuya Tikoy mo.”

Ibinaba ko ang yellow ko na malaking shoulder bag sa couch namin sa silid at pumunta sa kusina. Nakipag-beso ako kay mommy habang nagluluto siya at iniyakap ko si kuya Tikoy na nagpapainit ng ibang pagkain namin.

Pagod ka ata?” tanong ni mommy pagka-beso ko sa kanya.

 “Medyo po.”sabi ko.

“ Malayo po nilakad ko.” Humarap sa 'kin si mommy.

“Nilakad?”

Tumango ako.“May kasama naman po ako, eh. Yung bago ko pong kaklase, si Jason.”

Ang bilis niyo yata maging close, ah?” tanong ni Kuya Tikoy ng bigla-bigla, ng nakikinig pa sa headphones niya.

Love by Strings FINISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon