Chapter 34: The day!
Ella's PoVOhmygulay. This is the day.
The day ng fashion show. The day ng contest.
Talk about being pressured, nervous and EXCITED at the same time!OH MY GOOOOOOOOOSSSSSSHHHHHHH!!!
WAAAAAAAAAAAAAAHHHHH!!!
"Baka mahimatay ka girl." hinimas-himas ni Tammy ang likod ko nang pumupunta kami sa venue ng fashion show. Hindi pa ako nakabihis, baka malukot pa e.
Nasa kotse nga pala kami ni Tammy ngayon. Di na kami nagsabay ni Patrick kasi para surprise raw ang susuotin namin. Teka, hindi ba parang ikakasal kami?! O.o
"Girl! Kinakabahan talaga ako. Paano kung hindi tayo manalo ? Paano kung hindi natin makuha ang pera? Paano kung... Paano kung.... WAAAHHH!!"
"Calm down, girl! Easy ka lang. Baka magka-asthma ka pa, hindi ka pa umabot sa venue."
"Sorry! Kinakabahan talaga ako, e! Sila kasi may experience, e ako two weeks lang! Sila mga ilang years na yata sila nagkakaganito!?! Girl naman, kung ikaw nasa sitwasyon ko e hindi ka ba manenerbyos..?!"
"Nahawa ka na sa mga dakdak ni Cassie. Calm down lang girl. Atleast naka-abot tayo ng ganito. Maayos na. Patapos na ang pag-hihirap mo sa kakapractice. Sige ka, papangit ka pag masyadong stress."
"Oo nga. Tama ka. Baka ma-take over ako ng stress. Dapat kalma lang." pinikit ko ang mata ko ng mahigpit at huminga ng malalim.
"Ma'am, andito na po tayo."
"TAMMY TAMMY TAMMY TAMMY TAMMY TAMMYYYYYYYYYY!! Ayoko na uwi na ako! T----------T""Kalma lang, girl! Matatapos rin 'to. Kung hindi mo gagawin 'to e wala na tayong funds sa charity campaigne."
"Oo na, oo na!" binuksan ko ang pinto at kinuha ang damit ko.
*
"Ang ganda mo girl!"Aisshh!! Kung anu-ano pinag-gagawa sa 'kin ni Tammy. Buti na lang dumating ang kaibigan naming si Kiray Celis para ayusin.
"Thank you, Kiray a. Kung hindi dahil sa 'yo 'di ako naging ganito."
"Ano ka ba? It's the least I can do sa mga ginagawa mo para sa 'min. Sana manalo ka! I'll be watching, ha?"
Niyakap ko siya. "Sige. Thank you ulit!"
Bumitaw siya at nakipag-beso sa 'kin. "Muah! A simple kiss for good luck. See you whenever!" tapos hinawakan niya ang dalawang balikat ko.
"Chos naman ako, teh. Dudugo na ilong ko rito. Haha. Kung anu-ano pang chorva-chorva na pinag-sasabi ko. Alam ko namang mananalo ka, e. Sige na, ha? Alis na ako. See you whenever. Muah!" tapos tumalikod siya at umalis.
Humarap ako sa salamin ng make-up table sa backstage at ngumiti. "Sana manalo tayo."
"Ano ka ba? Siyempre mananalo ka, girl! Narinig mo ba ang sinabi ni Kiray..? Siyempre sa itsura mong 'yan e talagang mananalo tayo!"
![](https://img.wattpad.com/cover/620037-288-k881909.jpg)
BINABASA MO ANG
Love by Strings FINISHED
FanfictionPaano kung ang taong katagal-tagal mo nang hinahanap... Ang taong gusto mong makasama habang buhay... Ang taong nakita mo ng isang beses lamang pero nagkagusto ka sa kanya.... Ay andiyan na lamang sa iyong harapan? At kaaway mo pa siya? Ang weird di...