Chapter 11: Konti

28.7K 303 18
                                    

ANG HINDI MAGBASA NITO INAAMIN NA PANGIT SIYA... :P

PWEDE PO KAYO MAG-SUGGEST NG MGA GUEST STARS AT MGA GUSTO NIYONG MANGYARI. BASTA PM LANG PO, HINDI PO SA WALL. PARA SECRET SA IBANG USER ^_^v

IDE-DEDICATE KO PO SA INYO ANG CHAPTER PAG SA INYO PO GALING. PRAAAAAAAAMMMMIS. :)

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 11: Konti

Ella's POV

Haii... Kaasar. Monday nanaman. Andito ako sa school, siyempre kasama  ni Jason, Tammy, Cassie at ang mokong. Feeling ko lahat kami hindi nakikinig sa discussion ni Ms. Fernandez (Music teacher). Wala namang dinidiscuss kung hindi ang notes and rests. -.-

Nakayuko ako ngayon, nakapatong ang ulo ko sa kanang kamay ko.

Music ang subject namin bago mag snacks. Siyempre CLE muna. Pero ngayon HRG (Home Room Guidance, yung nililinis at ino-organize ang mga classroom) kami sa time ng CLE kaya free.


"Hui." kalbit ng kalbit sa 'kin ang mokong. Ano ba yan. Nakakabwisit na tong lokong 'to. Asungot talaga.

"Hui."

Tsk. Ano ba kailangan nito?!

Humarap ako sa kanya. "Ano kailangan mo?!" bulong ko sa kanya.

"Papahiram lang ng ballpen. Nawawala yung sa 'kin, eh."

Tsk. E yun lang naman pala, e.

Kinuha ko ang blue na ballpen ko galing sa bulsa ko at binigay sa kanya. "Ano bang gagawin mo?"

"Wala. Naiinip ako, e. Mag-drawing sana."
Napatawa ako dun ah. Bakit nga naman siya magsusulat ng notes?

Half smile naman si Patrick. "Stop starring. Matutunaw ako."

Siete. Isip ka ng palusot Ella. Magaling ka diyan!

"Natawa lang ako sa mukha mo. Kamukha ng nakita kong unggoy nung bata pa ako."

"Sus. Palusot ka pa. Gwapo lang kasi ako, e."

"Hindi ka gwapo. Ayaw mo ba tanggapin? Tsk. Kawawa ka. Mapapahiya ka lang." hahaha. Galing ko talaga.

Yumuko siya. "Tsk. Ganda na sana. Sungit lang." bulong niya. Sandali, tama ba ang narinig ko? Yung unggoy? Tinawagan akong maganda?

"Ano sabi mo?"

Nanlaki mata niya. "Ha?"

"Ano sinabi mo?"

"Sabi ko... Ah.... Pangit ka na nga, masungit pa."

"Ay sus. Feeling mo naman pogi. Akin na nga 'yan." kinuha ko ballpen ko sa kanya. Hihi. Sama ko talaga. >:P

~RRRRRIIINNNGGG....

Snacks na! Wew. Akala ko tutulo na laway ko sa kakanganga habang nakatunganga sa board. Haha!

Nagmeet kaming buong barkada sa tambayan namin, sa harap ng High School building.

"Nakakainip na ang klase." sabi ni kuya Tikoy pagkaupo niya sa unang hakbang sa hagdan.

Love by Strings FINISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon