Chapter 26: Kaibigan?

25.4K 222 40
                                        

  Chapter 26: Kaibigan?

Bryans PoV

Hello po. Siguro hindi na po kailangan sabihin ang pangalan ko?

15 years old po. Nag-aaral po sa DBU, 3rd year na po. Kasama ko po sa DBU sina Joshua Dionisio, Barbie Forteza, Christian Torralba, Troy Del Rosario at Spencer Smith. Matalino, mabait pero mahiyain.

Matagal ko na rin pong alam si Ella, hindi ko lang po sinasabi. Kaibigan ko nga po si Spencer Smith simula nung lumipat ako dito. Pag pumupunta ako sa bahay niya nakikita ko rin minsan si Ella kasi bumibisita siya kayna Kuya Troy. Lagi ko siyang tinitignan tuwing  
bumibisita ako sa bahay ni Spencer. Hindi ko kasi siya malapitan noon, nahihiya pa ako.

Siguro nawi-weirdohan kayo sa 'kin? Sikat ako pero hindi ko malapitan ang isang babaeng hindi naman alam kung hindi ang ka-batch niya? Hindi ko kasi alam kung paano lumapit sa mga babae. Minsan nahihiya akong mag-first move, kailangan pa akong magpa-set up.

Ok, na love at first sight ako kay Ella. Parang nagustuhan ko siya the first time I actually saw her face.

Nakita ko siya kanina sa park ng kasama ang Patrick Rivero ng ka-holding hands niya. That made my heart tear into pieces.

Pero pumunta siya sa isang ice cream stall, I really wanted to go and talk to her. Pero, hindi ko talaga nakayanan, e.

Ng nakita kong may nahulog sa daliri niya, agad akong pumunta sa pwesto niya kanina. Meron siyang singsing na nahulog.

Nung tinitignan ko ang singsing, biglang may sumigaw na mga babae. Nakita ko ng hinahabol niya si Patrick.Naisip ko na iyon na talaga ang chance ng makilala siya.

Tinignan ko ulit ang singsing at may nakita akong "Ella and Patrick" na naka-carve sa loob. Don't mind the other name, kay Ella lang ako naka-focus.

Naisip ko na yun na talaga ang chance na makilala si Ella so I took the opportunity at pinuntahan siya.

Every second na nakasama ko siya noon, mas lalo akong nahuhulog sa kanya. Ang bait bait naman niya kasi, e. Maganda na nga, mabait pa. Sana makilala ko pa siya.

Kaso may tumawag sa kanya noon at na-interrupt ang usapan namin. The next thing I knew e sabay na kaming tumatakbo sa kung saan.

Pagkarating namin sa bahay nina kuya Troy, nakita ni Ella si Patrick ng lumalabas sa gate nila. Dahil medyo naligaw kami, tuwang-tuwa siya ng nakita si Patrick na lumabas at niyakap siya.

Siyempre ito naman ako, medyo nag-selos na ewan. Pero pinigilan ko rin galit ko ng nakita kong yumayakap sila.

Nung tinanong ni Patrick kung nasan ako, I made a move. Nag simpleng Hi lang naman ako sa kanya, pero parang pilit.

Tumalikod siya sa 'kin ng parang gusto niya akong suntukin. Siyempre, napahamak si Ella dahil sa akin, I understood. Pero hindi ko talaga mapigilang tignan siya ng masama. Dahil andiyan si Ella, naisipan kong mag-cool off muna at subukang makipag-bati kay Patrick.

Kaso nung nakipag-kamay ako, parang ang angas ng tingin niya sa 'kin.  
Ngayon pati ako.

"Ako si Bryan. Bryan David." tapos in-extend ko kamay ko para makipag-kamay.

Kinuha niya ang kamay ko at nakipag-kamay. "Patrick Rivero."

Yung kamay namin, ok lang. Yung mata namin, nahahanda para sa World  
War III.

 - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -  - - - - - - - - -- - - - - - - - - 
 
Inimbita ako ni Ella sa loob ng bahay, at buti naman friendly ang mga kaibigan niya. Ipinakilala na niya sa akin si Tammy, Jason, Cassie, at ang kuya niyang si Tikoy. Si Jade halos hindi man lang namin napansin kanina, nasa likod ko lang nun siya nung nakipag-kamay ako kay Patrick. Ngayon binigay ko na siya kay Spencer at naka-uwi na sila.

"Meryenda tayo?" tanong ni Tammy pagkalabas ng pinto nina Spencer at Jade. Nag-agree naman ang buong barkada nina Ella. Ako tumango lang.

Pumunta sa kusina si Tammy at tinawag ang yaya niyang si Yaya Monchang. Nagpaluto siya ng fries at kung ano. Hindi kasi ako maka-focus dun kay Tammy ng tinitignan ko ang bawat galaw ng ElRick. Tawa sila ng tawa kasama ng barkada nila.

"Psst." may bumulong sa likuran ko.

Siyempre napalingon ako. "Oh, Tammy."

Love by Strings FINISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon