Chapter 25: Arrival of a Rival

24.9K 241 32
                                        

 Chapter 25: Arrival of a Rival

Ella's PoV

Humarap ako sa likuran ko. May mga babaeng humahabol kay Bryan ng humihingi ng autograph.

"TAKBOOOOO!!!" sigaw niya.

Buhat niya si Jade. Buti kung ganun, pero tumatakbo siya.

"BILISAN MO! TAKBO!" sumigaw ulit si Bryan.

Sinunod ko siya. Takbo na!

~Tuloy ang phone conversation ko sa barkada. Binalik ko sa handset ang phone ko.

E: Okay, naniniwala na ako. May alam ba kayong pwede naming taguan?

T: Kasama mo pa siya?

E: OBVIOUS BA?

T: Okay, punta ka sa unang right. Tapos left. Tapos right ulit. Tapos dumeretso ka, andun bahay niya yata.

E: Girl, seryoso ka ba? Pupunta ako sa bahay niya? Hiding place ang hinahanap ko!

P: Left, tapos right tapos left tapos right ulit. Pagkatapos nun dumeretso ka. May malaking space sa gitna ng dalawang bahay. Dun kayo pumunta.

E: Sige. Salamat.

*Click*

Tammy's PoV

*Toot*

Call ended.

Tumayo si Patrick galing sa pwesto niya at pumunta ng kusina. Kumuha siya ng tubig at uminom ng konti. Parang nag-aalala siya ng hindi mapakali.

"Huy." pumunta ako sa kanya at umupo sa isang gilid. "Napano ka?"

"Ewan ko." sabi niya ng madalian. "Nag-aalala lang naman ako na baka matapak-tapakan si ELLA dahil sa BRYAN na 'yon." talagang naka-emphasize pa yung ELLA at BRYAN, no?

"Ano ba 'yan?" nagsalita si kuya Tikoy galing sa likod ko. "Nagseselos  ka naman na magkasama sila?"

Napatawa ko. "Oo nga naman."

Naka ganito pa si Patrick >> >:|

"Hindi ako nagseselos. Ang sinasabi ko lang, e nagkakilala palang sila naging pahamak na si Ella dahil sa mga fans ni Bryan. May Asthma nga siya, 'di ba? Baka himatayin pa si Ella on the way."

"So," umupo si kuya Tikoy galing sa tabi ko. "Concern ka kay Ella?"

"Hindi! Hindi ako concerned. Kaya nga halos magwala ako sa galit 'di ba?!"

"Patay na." bulong sa 'kin ni kuya Tikoy. "Napatay sa tama ng kupido."

Napatawa ako.

"Ewan ko nga sa inyo. Hihintayin ko nalang siya sa labas." tapos binaba niya ang baso at nagdabog palabas.

Patrick's PoV

Lumabas ako ng gate ng bahay ni Tammy.

Bwiset. Kung may nangyari kay Ella na masama, talagang uupakan ko yung Bryan na 'yon. Hindi ko na nga sinabay si Ella. Hindi ko na siya tinawag.

Ang OA ko na. Haii, calm down lang. Chill. Ihinga lang ng malalim.

"Patrick!" may biglang sumigaw at yumakap sa 'kin. Si Ella. "Salamat nandito ka sa labas. Buti nalang nakita kita. Kung 'di tinapak-tapakan na ako 'dun!"

Niyakap ko siya pabalik. "Sorry kung singsing lang nabigay ko sa 'yo. Akala ko OK na, nawala pa kasi at kinailangan mo pang makasalubong si Bryan. 'Yan tuloy nahabol ka ng mga fans niya."

Bumitaw siya. "Ano ka ba? So atleast naman nag-warning siya. Kung wala si Bryan, nasa ospital na ako ngayon."

"Asan na nga ba siya?"

"Hi." may narinig akong malalim na boses galing sa likod ko.

Tumalikod ako at may nakita akong lalakinh maitim na matangkad ng mukhang naka-glare sa akin. Hindi ko alam kung 'yun ba talaga o naiinitan siya sa araw.

"Ako si Bryan. Bryan David." tapos in-extend niya kamay niya para makipag-kamay.

Kinuha ko ang kamay niya at nakipag-kamay. "Patrick Rivero."

Ngayon ko lang na realize na hindi siya nasisilaw sa araw. Parang may kuryenteng lumabas galing sa mata niya. Kaya ako, seryoso lang ang mukha at naglabas ng kuryente sa mata.

Akala mo ikaw lang meron ng kuryente? Ako rin, e. Maghanda ka na.

----------------------------------------------------------------------------------------------

An: Maka-vote WAGAS! Wala pang 3 days nakuha na agad?

Chapter 26: Kaibigan?

Manghula kayo, please! Anong mangyayari sa susunod na chapter? Ano sa tingin niyo? :)

Love by Strings FINISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon