Chapter 15: Unexpected Visitors (Part 1) [edited]

28.7K 289 25
                                    

Chapter 15: Unexpected Visitors Part 1

Ella's POV

So far OK pa naman ang barkada. Naka tatlong alis na kami sa park dun sa amin. Enjoy naman siyempre.

Malamig-lamig sa amin ngayon. Parang Baguio at summer. Alam mo yun?

So anyway, Thursday ngayon at andito ako sa school namin. Uwian na kaya mostly takbuhan ang mga tao kung saan-saan. Ako? Magisa nanaman. :/

Si Tammy sumama kay Cassie pauwi, pareho kasi sila ng village. 

Si kuya, nagbantay sa bakery. 

Si Jason, may pinuntahan pa. 

Si mokong? Ba, malay ko! Paki ko dun. >.<

OK. WAG KANG MAGKAKAMALI NG INIISIP DIYAN. HINDI KO SIYA CRUSH. HINDI KO SIYA CRUUUUUSHHH... Hindi ko siyaaaaaaa.... Okay kung nagiging crush ko siya anong paki mo? Tsk. Malay ko kung baket. Hindi mo naman mapipigilan ang nangyari na, di ba? Maki-ride ka nalang! Pinapahirapan mo pa ako, e.

So ngayon konti nalang kailangan ko para sa kapalit ng iPhone ko. Mga about 7,000 nalang. Mga ilang buwan nalang yun. Baka ilang linggo nalang ata. Marami kasing benta.

Ok. So andito ako ngayon sa harap ng school, naglalakad pauwi. Lagi akong naglalakad, kasi nga may asthma ako, kailangan kong ipalakas ang lungs ko. I need excercise pa. :>

Ano kaya pinag-gagawa ni mokong ngayon? Siguro pinagti-tripan niya yung mga cheerleaders na bulag na inakalang gwapo ang loko. Tsk...

"Psst.." may biglang tumapik sa 'kin. 

Tumalikod ako. OO. YUNG MOKONG. Ang kulit nito :| 

Tumalikod ako. "Baket?"

Nakangiti siya. Yung half-smile na binigay niya sa 'kin nung pumunta siya nung Sunday. "Alis tayo?"

Alis? Ano siya? Sinuswerte?

I leaned back. "Anong alis ka diyan?"

"Alis tayo." nag kibit-balikat siya. "Trinoma?"

Hinawakan ko ulo niya. "Wala ka namang lagnat. Ok ka lang?"

"Ok lang ako. Sasama ka o hindi?"

"Bat ba?" binaba ko ulit kamay ko.

"Sasama ka ba, O hindi?" inulit niya.

"Bakit nga?" kulit naman nito. Parang bingi lang.

"Sige na. Treat ko."

Nanlaki mata ko. "Ang yaman mo naman pala, hindi mo pa mabayaran yung iPhone ko."

"Tsk." sabay pout naman siya. "Sige, ito nalang pambawi ko sa pag-sira ng iPhone mo. Tara na." kinuha niya ang kamay ko at sinimulan niya akong ihila papuntang parking lot, pero tinanggal ko kamay niya.

Love by Strings FINISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon