Chapter 27: Sincerety

24.9K 259 63
                                        

 Chapter 27: Sincerety

Patrick's PoV

Haii, pasok nanaman. Autographs, pictures, reporters at kung anu-ano pa ang naabutan namin sa school.

"Mr. Rivero, mukhang hindi kayo magkasama ni Ms. Dimalanta ngayon. Meron po bang tampuhan na naganap?"

"Wala pong tampuhan. Hindi lang po kami nagkasabay ni Ella sa pagpunta ng school."

"Patrick Rivero, mukhang may bagong kasama si Ella ngayon. What do you say about that?"

"May barkada po kami. Hindi lang kami ang magkaibigan. Tiyaka friendly naman si Ella, siyempre magkakaroon po siya ng bagong kaibigan."

Nakisingit ako sa mga teen media at mga fans ko papunta sa campus. Ang hirap pala nito. T^T

Pagdating ko sa loob, nakita ko si Ella ng kinakausap ang barkada. Tawa sila ng tawa.

Napangiti ako sa sarili ko. Ang ganda niya ngayon...

BATGIRL, Patrick. BATGIRL.

Speaking of, text ko kaya siya?
---------------------------------------------------
To: Batgirl :)

Good Morning Batgirl! Musta ka na?
-----------------------------------------------
*Ting!

Agad nag-reply?
--------------------------------
From: Batgirl :)
(Received: 6:03am)

Good Morning! Ok naman ako, medyo nape-pressure lang kasi meron kaming contest ngayon.
----------------------------------
To: Batgirl :)

O? Ako rin. Dalawang linggo nalang yung sa 'min.
-----------------------------------
From: Batgirl :)
(Recieved: 6:07am)

Haii, kakaasar. Yung kasama ko iniiwasan ko ngayon, parang may nasabi  
siya ng hindi ko gusto. :/
----------------------------------
To: Batgirl :)

Oh? Asan siya? Suntukin ko, gusto mo?
--------------------------------
From: Batgirl :)
(Recieved: 6:10am)

Wala na 'yun! Ok lang.

Teka, kailan ka pa magpalakilala sa 'kin? Nakakainis ka na. Nagtatampo  
na 'ko!
---------------------------------
To: Batgirl :)

Ewan ko nga, e. Sa totoo nga, hindi ko rin alam kung sino ka rin. Yung  
kuya ko kasi, ayaw niyang sabihin. :/
--------------------------------
From: Batgirl :)
(Recieved: 6:14am)

O, sige. Alis na ako! Mamaya ulit tayo mag-text. Mamayang, break  
namin. Ok lang ba sa 'yo?
---------------------------------
To: Batgirl :)

Sige. Pwede ako. Ano oras break niyo?
--------------------------------
From: Batgirl :)
(Recieved: 6:17am)

Mga 9:30. Kayo?
-------------------------------
To: Batgirl :)

9:30 rin. Silent mo phone mo, baka ma-text kita ng hindi oras.

Wag ka nang magreply. Chat Ü l8r. ;)
-------------------------------------
Binulsa ko ang cellphone ko at pumunta sa barkada. Pero pagka-hi ko, umalis si Ella.

"Napano si Ella?" tanong ko sa barkada.

Nag kibit-balikat si Tikoy. "Ewan. Nagtatawanan lang kami, tapos sabi niya akyat na raw siya."

Galit kaya sa 'kin si Ella?

Ella's PoV

Na-aasar talaga ako sa sinabi ni Patrick kahapon. Kinukulit na ako ng konsensya ko. Nakakainis talaga!

Hindi ko na maintindihan 'to. Nakakainis na!!

Lumayo ako sa barkada at dumeretso sa classroom para mag isip-isip. Mawawalan na rin lang naman ako ng oras.

Alangan naman sasabihin ko kay Batman ang problema ko? Na feeling ko nahuhulog na ako kay Patrick? Ano ako, hilo?

Ayoko rin naman sabihin kay Tammy ngayon, masyado na yata siyang busy dahil sa pag-aayos ng mga kailangan namin sa contest. Baka madagdagan ko pa stress niya.

Si kuya hindi ko pa alam kung pwede ko pagsabihan, kasi kuya ko siya. Baka inisin pa ako sa bahay. T^T

Si Jason hindi ko rin masabihan, kasi kapatid niya si Patrick.

Si Cassie, nadaldal. Baka mamaya madulas pa.

Si Justin kaya? Hindi, lalaki 'yun. Magkasama parin sila kahit sino mang kabarkada. Baka madulas rin.

Love by Strings FINISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon