Chapter 24: Meeting HIM.
Ella's PoV
"Andito na tayo!" sigaw ni Jade pagdating namin sa park.
Ang ganda. Promise, kung nandito ka lang, aakalain mong nasa ibang bansa ka. Maraming malalaking puno ng mangga, tapos every other tree may bench. Berdeng-berde ang damo, ang ganda tignan. Sa gilid may mga black na lamp post, yung mga individual na sa baba galing ang
kuryente. Parang yung mga makukulay na ilaw sa Maynila. Tapos yung ibang side may mga picnic table na kahoy. Ang ganda talaga!
"Ang ganda pala dito." sabi ko, tapos pumikit at huminga ng malalim.
Grabe, ang sarap ng amoy ng fresh air.
"Oo nga." sabi ni Patrick galing sa tabi ko. "Ang sarap mag picnic."
Patrick's PoV
"Ang ganda pala dito." sabi ni Ella galing sa tabi ko, tapos pumikit at huminga ng malalim.
Tumingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit, pero napangiti ako sa mukha niya. Ang ganda tignan.
Lumingon ako ulit sa harapan ko at pinag-masdan ang park. "Oo nga."
sabi ko. "Ang sarap mag-picnic."
Hinigpitan ni Ella ang pag-hawak niya sa kamay ko, which made me pretty surprised. Pero napangiti ako na ewan.
"Ate, buhat!" tumalon-talon si Jade.
Humarap si Ella kay Jade at tumawa ng konti. "Ang bigat mo kaya!"
Nag cross lang siya ng braso at nag pout. "Buhat o ice cream ako?"
"None of the above. Pasyal tayo dito."
Ngumiti si Jade. "Pasyal nalang."
"Pasyal? Pagod na ako." nagreklamo ako.
Humarap si Ella sa 'kin. "Kami nalang, gusto mo? Diyan ka muna sa bench." tapos ginamit niya yung labi niya para maturo ang bench na malapit sa amin.
"Sige."
Tumango siya at binitawan ang kamay ko.
Asan puso ko? Wala. Nahulog na sa damu-damo. Nakalimutan ko, kahawak ko pala si Ella.
Batgirl.. Magparamdam ka! Wag mong hayaan na mahulog ako sa iba. T^T
Umupo ako sa bench na tinuro ni Ella kanina.
"Uy, si Patrick Rivero o!" may narinig aking babaeng tumawag sa 'kin.
"Oo nga," meron pang kasama. "Asan na kaya yung girlfriend niya?"
"Ano ka ba, hindi pa kaya confirmed na sila na. Malay mo friends palang, 'di ba?"
"Tara, pa-picture tayo."
Tapos may pumuntang dalawang babae sa pwesto ko. "Hello po!" sabi ng isa. "Pwede po bang magpa-picture?"
Tumango ako, tumayo at inayos ang damit ko. "Sige."
Ngumiti ang isa at kinuha ang camera niya. Nagpa-picture ang isa tapos nagpalit sila.
"Thank you po!" duet nilang sabi pagkatapos
Nginitian ko lang sila. "You're both welcome."
Tapos tumawa sila ng konti at umalis.
Masarap pala maging sikat, ano?
"Uyy, si Patrick Rivero!"
~Kyyaaaaaaaaaaa!!!!
Tumingin ako sa likod ko. Hala, ang daming babae!
STAMPEEEEEEEDE!!
Hala, takbo na!!
Tumayo ako at tumakbo papunta sa bahay ni Tammy. Habang tumatakbo, tinawagan ko si Tammy.
~Phone conversation (P=Patrick T=Tammy)
BINABASA MO ANG
Love by Strings FINISHED
FanfictionPaano kung ang taong katagal-tagal mo nang hinahanap... Ang taong gusto mong makasama habang buhay... Ang taong nakita mo ng isang beses lamang pero nagkagusto ka sa kanya.... Ay andiyan na lamang sa iyong harapan? At kaaway mo pa siya? Ang weird di...
