Chapter 5: Sinong BJ?
Ella's POV
Pinalitan ko nalang ang pangalan ni Mr. Pi--- Batman. ;)
Ano kaya ang surprise niya?
-Ding dong-
"AKO KUKUHA!" biglang sigaw ni Kuya galing sa baba.
"PATID! PARA SA 'YO TOH!!"
Nagmadali ako papunta sa baba.
"Ano yan?" tanong ko kay kuya.
Humarap siya sa 'kin. "Ewan ko. Naka-box, eh."
Binuka ko ang pinto at kinuha ang box na sinasabi ni kuya galing sa
naka-uniform na driver. "Salamat."
"Salamat." inulit ni Kuya.
Umupo ako sa sofa at kumuha ng gunting. Ginupit ko ang naka-tape sa
box at binuksan. "Ayy, ang cute!"
Isa siyang malaki na brown na teddy bear na may t-shirt ni Batman.
Umupo si Kuya Tikoy sa tabi ko. "Galing kanino 'yan?"
Niyakap ko ang teddy bear. Ang lambot.
"Huy." tinapik ako ni Kuya.
"Galing kay Batman." bulong ko sa sarili ko.
"Ano sabi mo?"
Humarap ako sa kanya. "Sabi ko, wag mo akong paki-alaman."
Tumingin ulit ako sa loob ng box. May note?
= • = • = • = • = • = • = • = • = • = • = • = • = • = • = •
Hi Batgirl!
Nagustuhan mo surprise ko? Haha.
Ito nga pala si Batman Jr., tawag mo sa kanya, BJ. ;)
Text mo ako minsan, ha? Usap tayo. :)
-Batman
• = • = • = • = • = • = • = • = • = • = • = • = • = • = • =
Niyakap ko ng mahigpit ang teddy bear. Ang bango naman, nilagyan ata ng perfume.
Tumingin ako ulit sa box. Aba! May laman pa.
May nalalagay na isang box na mahaba.
Kinuha ko ang maliit na box at binuksan. Uyy, ito yung perfume na nilagay kay BJ.
Tapos may biglang nahulog. Anak ng.. Ang dami ata?
Tumingin ako sa box. May tatlong red na rose, tapos may naka-ipit na note.
• = • = • = • = • = • = • = • = • = • = • = • = • = • = •
To Batgirl.
Tatlong flowers para sa 'yo. Meaning 143. Plastic yan, wag mong
ilalagay sa putik. :))
Yung perfume para sa inyo ni BJ. Sana magamit mo yan araw araw. :)
-Batman
• = • = • = • = • = • = • = • = • = • = • = • = • = • = • =
"ANAK NG TOKWS." sigaw ni kuya. Talaga bang Tokws? "MAY MANLILIGAW NA
KAY ELLA!"
"Ha?!" sigaw ni mommy galing sa kusina.
Bang! Boom! Ssssssss!
"Liligpitin kita mamaya."
Tapos tumakbo sa 'kin si mommy. "Anak, sino yan? Kailangan kong malaman. Yung bago ba 'yan? Si Jason? Gusto ko siyang makita. 'Di man lang nagpaalam sa 'kin!" pasunod-sunod niya pang sinasabi.
Napatawa ako sa reaction ni mommy. "Ma, regalo lang to galing sa
kaibigan ko."
Ang likot ni mommy, galaw ng galaw!
"Anak, regalo lang ba ang tawag diyan? Tignan mo, may tatlong rose, may teddy bear." kinuha niya ang perfume. "Anak, ang mahal nito. Bakit naman basta-basta ibibigay sa 'yo?"
Kinuha ni mommy ang dalawang note. "Batman? Sino 'to?"
BINABASA MO ANG
Love by Strings FINISHED
FanfictionPaano kung ang taong katagal-tagal mo nang hinahanap... Ang taong gusto mong makasama habang buhay... Ang taong nakita mo ng isang beses lamang pero nagkagusto ka sa kanya.... Ay andiyan na lamang sa iyong harapan? At kaaway mo pa siya? Ang weird di...
