Chapter 28: Jealousy and Glares

24.6K 214 24
                                        

  Chapter 28: Jealousy and Glares

Patrick's PoV

"Tumayo ka nga." sabi niya sa 'kin.
Sinundan ko siya. "Please, Ella. Please. Please lang. Sisiguraduhin kong hindi--"

Nabigla ako sa ginawa niya. Wala na akong nagawa kung hindi mapalaki ang mata.

"WOOOOOO!!"
"YIIIEEEE!"
"ELRICK! ELRICK! ELRICK!"

"Elrick..elri..el.." everything faded away.

Niyakap lang naman ako ng mahigpit.

----------------------------------------

"Salamat." sabi niya tapos bumitaw.

"Salamat? Para saan?"

"For making me feel special for you today." tapos niyakap niya ako ulit.

Kill me now.

Man, she's just so pretty. Bakit ngayon ko lang napansin?

Binalik ko ang yakap.

--------------------------
Ella's PoV

"So," wagas ang ngiti ni Tammy nung palabas kami ng campus. "MU na ba?"

Napatawa kami ni Patrick.

"Hindi pa." sabi ni Patrick tapos nag kibit-balikat.

"Hindi PA." inulit ni kuya ang sinabi ni Patrick ng nakangiti, ng ine-emphasize niya pa ang "PA".

"Labas tayo." ngumiti si Patrick. "My treat."

"Ako game diyan." sabi ko tapos ngumiti sa kanya. Pero may na-alala ko. "Kaso paano ang media?"

"Baka habulin pa kayo niyan." biglang nagsalita si Cassie out of nowhere.

"Magpractice na nga lang tayo." nag buntong-hininga si Jason. "Yung  
talent portion niyo hindi niyo pa pala napa-practice."

"Oo nga pala, ano?"

------------------------
Sa bahay ni Tammy...

"Tawagan ko lang si Spencer." sabi sa 'min ni Tammy pagkapasok.

"Ako na tatawag kay Fretzie." sabi naman ni Jason.

"Patawag si kuya sa taas." inutusan si kuya Tikoy? Haha.
Pero tumango lang siya at umakyat.


Umupo ako sa isang upuan sa kusina at pinatong ang baba ko sa palad.  
Ipinatong ko ang siko ko sa mesa at nag buntong-hininga.

Haii, kadami-daming drama. Drama, drama, drama. *sigh*

"Huy." may tumawag sa 'kin galing sa sala.

Tumingun ako sa kung sinong tumawag. "Ah, Patrick."

"Drama mo diyan." umupo siya sa isang side ng mesa.

"Yun nga, e. Puro drama lang nagaganap."

"Ano ba naman 'yan? Ganyan talaga 'yan, no? Hindi mo talaga maiiwasan 'yan."

"Sabagay. Kakaiba nga lang naman ang buhay, no?"

"Oo nga. Magulo."

Napatawa ako. "Tama."

"Ito na ang pinakamatagal nating oras na hindi nag-aaway." nagkasabay kami.

Love by Strings FINISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon