Chapter 20: Tammy ^___^

25.9K 243 15
                                    

 Chapter 20: Tammy ^_____^

Tammy's POV

Ako po muna ang may story ngayon. Bida ako today. Haha. LOL.

Okaaayyyy... So balik na tayo sa story.

Hindi talaga ako mapaniwala sa mga nalaman ko kahapon. Si Patrick, at si Batman? Nag-iisa?

Kaya pala ipinag-tagpo ang dalawa, kasi baka tinutulungan silang mag-meet ng tadhana! Kasi si Batman si Patrick, at si Ella si Batgirl! Siguro challenge lang 'to ng love story nila. ElRick na talaga akooo...

CHOS. Ok, so I may be matured and all pag kasama ko si Ella, pero sa bahay I'm really childish at medyo die-hard romantic. Haha.

So ngayon, WALA NANAMANG PASOK. Ang lakas kasi ng ulan! 

Si mommy, wala. Nasa office. Working hours? 5am to 11pm. Si Daddy nasa Saudi. OFW. Si Yaya Monchang nalang ang nag-aalaga sa 'min pag wala pa si mommy.

Pupunta ngayon ang buong barkada. Si Ella at Patrick, dito sila sa bahay magpa-practice para sa contest.

Ang contest kasi namin, parang Mr. and Ms. lang 'yan, e. May fashion show, talent portion, question and answer and all that.

Si Cassie ang magtutulong kay Ella sa paglalakad niya sa fashion show. May experience na raw siya sa dati niyang school, e.

Si Jason ang tutulong kay Patrick sa question and answer. Ako naman ang tutulong kay Ella.

Si kuya Tikoy sa sports. Tuturuan niya sina Ella kung paano mag pose na ipapakita na aakalain niya na talagang marunong sina Ella.

Ang kuya ko nga pala. Si kuya Troy. Siya ang tutulong kay Patrick sa paglalakad. Si kuya kasi ang representative ng school nila, Mr. DBU siya. Familiar? School rin ni Christian 'yon. Kaso si kuya 4th year na, si Christian 3rd palang.

Kapitbahay ko at bestfriend and classmate ni kuya. Si Spencer Smith. Isang taon ang agwat niya sa 'kin, pero close kami nun. Kilala na rin siya nina Ella at Kuya Tikoy, kaso minsan-minsan lang nagkikita ang tatlo. Bakit ko nga pala nai-tukoy si Spencer? Kasi baka siya ang mag tuturo kayna Ella sa talent portion.

Si Fretzie Bercede. Naa-alala niyo pa ba siya? Oo! Siya yung may crush kay Patrick. Pero di na raw...
Kaibigan namin si Fretzie. Tuturuan niya nga pala si Ella sa talent portion.

Si Vanessa Dela Vega, ang kumuha ng mga pictures nina Ella na nilagay sa school website, ang tutulong sa amin sa mga pictures na ipre-present para sa video.

Si Justin, siya kasi ang mag-eedit ng gagawin naming video. Dapat makita namin ang pag-edit niya, kasi dapat lahat kami naka-agree sa isa.

Dami naming tulong, no? Siyempre naman. Para manalo talaga kami.

Andito lang naman ako sa kwarto ko. Hinihintay ko pa ang barkada.

-Ding dong-

Well, speaking of...

"KUYA!" sigaw ko. "YUNG GATE IPABUKAS MO NA KAY YAYA MONCHANG!!" (a/n: di ko alam spelling :P)

Inayos ko muna ang gamit ko bago ako lumabas ng kwarto.

Tumakbo ako papunta sa baba at pumunta agad sa sofa. Kinuha ko iPod Touch ko at nagkunwari na naglalaro. HAHA. Lakas ng trip ko ngayon, e. :))


Pagkatapos ng isang game sa Angry Birds, nakapasok na rin ang barkada.

"Tagal niyo naman." sabi ko sa kanila pagkapasok.

"Ito kasi." tinuro ni Patrick si Ella. "Ang tagal maligo."

Binatukan naman ni Ella si Patrick. "Sira. Ikaw kayang matagal. Pa hanap-hanap pa kasi ng PSP, lo bat naman pala."

"E malay ko ba na lo bat 'yun?"

Tumayo ako at pinatay iTouch ko. "O, kakapasok niyo palang, e nag e-LQ na kayo."

"Hello?" nilagay ni Ella ang kamay niya sa bewang. "Walang L. Q lang. Hindi magiging kami nito, no?"

Kinamot ni Patrick ang likod ng ulo niya. "Kung makapag salita ka naman parang hindi ako karapat-dapat sa 'yo."

Love by Strings FINISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon