Chapter 19: Tammy knows
Ella's PoV
It's just a regular Tuesday morning. Kasama ko ngayon si kuya. Maaga na kami nagising, hindi ko alam kung bakit.
So nasa harap kami ng bahay ngayon. Wala lang, malamig parin, maganda ang pagkasikat ng araw. Wala lang. Normal. Pero...
Walang tao kung hindi teen media.
"Miss Dimalanta, sino po ang kasama niyo kahapon?"
"Ano po ang masasabi ninyo sa paghamon ng fans ng JoshBie?"
"Are you confident na mananalo kayo ni Patrick sa contest?"
Bwiset. Ang hirap palang maging sikat. Tsk :/
"Balikbayan friend ko ang kasama ko kahapon."
"I think it's fine na hinamon niya kami. If that's the way fans show their love for their idols, I think it's better if I'll just go with the flow."
"Sa contest? Ah, medyo mahirap kasi may mga mahihirap na bata na involved dito. Pero I hope it's going to be a fair and honest contest lang."
"OK, so tapos na. Pwede na po ba akong umalis?"
Tapos bigla silang nag-ingay. Anak ng.. Ano ba 'yan? Ito na ngang.. Tsk!
"Sa inyo nalang ito pag iniwanan niyo ako." kumuha ako ng random ballpen galing sa bag ko at itinaas. "My favorite ballpen."
Ihinagis ko ang ballpen sa kung saan at tumakbo sila lahat papunta doon.
"Kuya, dali na! Sabay na tayo kayna Patrick, may kotse sila!" hinila ko siya papunta sa bahay ni Patrick.
"E mas lalo tayong pupuntahan ng media. Tignan mo, mga 18 palang ata mga 'yan, e. Malalakas pa kaya mga 'yan. Tiyaka bakit ka naman papayagang sumakay sa kotse niya?"
"Basta! Ako ba bahala. Tara na." nagpatuloy ako sa pagtakbo.
Nagdoorbell ako at hinintay silang magbukas ng pinto.
Patrick's PoV
-Ding dong-
Ala! May bisita kami. Eh 6:00 palang, a?
Kakatapos ko lang kumain. Nagtu-toothbrush ako ngayon.
"Yaya! Yung gate!" sigaw ko.
Sabay takbo naman si Yaya papunta sa gate.
Sino ba 'yan? Tsk. Ang aga naman kung makapag-bisita.
"Sir, si Ella daw po."
An-ANO? Eh naka boxers palang ako, e!
"Shandali!" nagtu-toothbrush nga pala ako. "Kuya, dishtract mo muna! Naka-bokshersh pa ako!"
Tumawa naman ng malakas si kuya. "Sige! Bilisan mo nalang, a!"
"Kuya naman, e!" nag-spit ako at nag gargle. Nagmadali na ako sa pagpasok ng kwarto.
Nagmadali ako sa pagsuot ng polo at pants. Ano ba 'yan, napaka wrong timing naman ni Ella!
Hinanap ko pa ang suklay ko, pero hindi ko makita. Kaya ginamit ko nalang kamay ko. Hindi pa ako nakapag chek sa salamin kasi nga NAGMAMADALI AKO!
Bumaba ako habang nag-bobotones.
"Hi Patrick." may nagbati sa 'kin pagdating ko sa huling hakbang ko sa hagdan.
"Bakit ka ba napunta rito?" tanong ko. Yep, si Ella kausap ko. Nakakainis naman kasi, e. Wrong timing.
"Ang gulo ng buhok mo." sabi niya, sabay tayo.
Yumuko naman ako at inayos niya buhok ko.
"O, yan." umatras siya at humarap ako sa kanya.
"Hindi, pangit parin, e. May mukha pa kasi." Aba! Nanlait pa?
Sabay tawa naman ang iba. Lang 'ya naman 'tong mga hayop na 'to. Kaibigan ko ba mga 'to?
"Ano ba ginagawa mo dito?"
BINABASA MO ANG
Love by Strings FINISHED
FanfictionPaano kung ang taong katagal-tagal mo nang hinahanap... Ang taong gusto mong makasama habang buhay... Ang taong nakita mo ng isang beses lamang pero nagkagusto ka sa kanya.... Ay andiyan na lamang sa iyong harapan? At kaaway mo pa siya? Ang weird di...
