Chapter 44: Car Talk

23.2K 194 23
                                    

Chapter 44: Car Talk

Patrick's PoV


Simula nung away namin ni Ella kahapon tungkol sa text, patuloy-tuloy nang nangyayari yun. Yung away. Hindi ko alam kung bakit, pero ganun ee. Nangyari na. Magka-away na naman yata kami. May pag-asa pa ba ako sa kanya? Bwiset naman oo. Nakakabanas lang.

Nagising ako ng 4:30 at nagmadali sa routine ko para mahatid ko si Ella papuntang school. Kumain ako, konti lang. Naligo ako, at sa sobrang pagmamadali ko nakalimutan kong mag-shampoo. De joke.

Pagdating ko naman sa labas ng gate, bigla kong nakitang pumara ang kotse ni Lawrence sa harapan ng bahay ni Ella.

Nag-usap sila ng konti, at nakita kong wagas ang ngiti ni Ella.

"Ang saya nila." bulong ko sa sarili.

~Tok tok tok.

Huh? Sino 'tong babaeng 'to? Bigla ba namang kumatok sa bintana ko.

Binuksan ko ang bintana at tinaasan n kilay ang babae.

"Bakit miss? May kailangan ka?" mukhang 12 palang siya kaya hindi na ako nagpo-po.

"Ako nga po pala si Gabrielle, Gaby, G-A-B-Y for short. Kaibigan po ako ni ate Ella."

"Ah, hello.... May kailangan ka ba?"

"Kuya, pwede bang sumakay muna? Don't worry I don't bite.^_______^" Gaby.

"Ah, sige?" tapos binuksan ko ang pinto sa shotgun seat.

Sumakay siya at tinuro sina Ella.

"Kuya, siya po si kuya Lawrence. Kababata po ni Ate Ella." paano niya naman nalaman 'yun?

"Actually nag-iinterview po ako, at siya po ang lagi niyang kinukwento."

"Kuya, alam ko pong may gusto kayo kay Ate Ella at alam ko pong nag-aaway po kayo. Wag niyo na pong tanungin kung paano ko nalaman."

"Napano naman kung nag-away kami?" kunwari wala akong paki sa sinasabi niya pero sa totoo lang interesado ako sa sinasabi niya.

"Kuya lahat alam ko na. Pwede po bang wala muna ang lihim? Isipin niyo na lang po ako po ang pinsan niyong si Bugoy pero girl version. Hindi pala. Si ate Tammy na lang."

"Ha? Ah... Sige." tumango na lang ako. ang weird naman nitong babaeng 'to. Tss.

"Kuya! May gusto po kayo kay ate Ella at alam ko po 'yon. Sana naman po sa lahat ng oras patunayan niyo po sa kanya 'yon. Kahit sa simpleng pag-sundo sa kanya. Makipag-bati po kayo sa kanya at sabihin niyo po na ikaw si Batman. Bago po kayo takpan at unahan ng iba. Ayoko pong mag simula ng gulo, pero kung may nararamdaman po kayo dapat ilabas niyo at ipag-laban ito. Before it's too late."

"Paano naman kung hindi ako handa?"

"Kuya, hindi kita minamadali. Take your time pero make sure na hindi ka uunahan ng iba. Hintayin niyo po ang magandang pagkakataon, pero wag po masyadong maghintay kasi baka mamaya sa kakahintay niyo lumipas na ang pagkakataong 'yon. Kailangan niyo rin po maging handa na tanggapin ang kung ano mang magiging reaksyon niya."

Napayuko ako dun, a. Speechless lang. Ilang taon na ba 'tong batang 'to at bakit ang dami niyang alam?

"Ilang taon ka na Gab?"

"12 po! Wag nalang po kayong magtanong pwede? Iniiba niyo na po ang usapan ee."

~Rrrringg...

Kay Gab pala 'yun.

"Oh? Lelay? Bakit na naman?"

"Hinde. Nakayna... Pshh. Ewan ko sa yo Lelay. Basta okay na yung sa tin. Ang ganda kaya. Lelay manahimik ka. Sinong mukhang bata ngayon?"

"Tss. Ewan ko sa 'yo Lelay. Babye na. Sige papunta na ako diyan. See you."

Binaba na niya ang cellphone.

"Sige kuya," humarap siya sa 'kin. "Pag-isipan niyo po sinabi ko ha? Thanks po for your time. ^_______^"

"Sige." tumango na lang ako at bumaba na siya ng kotse.


"Makipag-bati po kayo sa kanya at sabihin niyo po na ikaw si Batman. Bago po kayo takpan at unahan ng iba."

Pwede nga naman mangyari 'yun pero hindi pa ako handa. Hindi ko pa kayang sabihin sa kanya na ako si Batman.

"Hintayin niyo po ang magandang pagkakataon, pero wag po masyadong maghintay kasi baka mamaya sa kakahintay niyo lumipas na ang pagkakataong 'yon."


Hintay? Sana nga makakahanap ako ng tiempo na sabihin sa kanyang mahal ko siya.

"Kailangan niyo rin po maging handa na tanggapin ang kung ano mang magiging reaksyon niya."


Maging handa. On progress. Maging handa sa reaksyon niya. Not responding.


Paano kung hindi na niya ako mahal? Paano kung kay Lawrence na siya ngayon? Paano kung bigla lang akong iwan dahil sa kanya? Paano kung hindi na siya si Batgirl na mahal ako na hinahanap rin ako ng matagal? Aiish!!

So tatlo ang ibinilin sa 'kin ni Gaby.

Makipag-bati muna.

Tapos mag-hintay ng pagkakataon.

Tapos maging handa sa magiging reaksyon ni Ella.


Haii.

Nag buntong-hihinga ako at inuntog ang sarili sa manubela ng kotse ko. Naiinis ako 'dun sa babaeng 'yun aa. Ang daming alam, yan tuloy napa-tatak sa utak ko ang pinag-sasabi niya. Mas lalo akong nag-alala.

AAAARRRRRRRRRRRRGGGGGHHHHHH!!!

------------------------------------------------------------------------------------------------------

Next:

"Step One."

Love by Strings FINISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon