Chapter 42: Interview. :P

23.6K 191 14
                                        

Chapter 42: Interview. :P

Ella's PoV

Pauwi na sana ako galing school pagkatapos ng ilang picture dito, autograph diyan ng may nakita akong dalawang babae na simisilip sa gate ng bahay namin.

"Wala yata si ate e!" sabi ng girl 1 na may salamin.

"Sayang naman! Ang layo ng nilakbay natin! Nakaabot na yata tayo ng tuktok ng Mount Everest at bawat dulo ng Wall of China hindi naman pala natin siya maaabutan!" Cassie mode naman si girl 2, siya yung may dalang camera na SLR. Si Girl 1 may dala kasi siyang papel, tapos may nakaipit sa tenga niyang pencil tapos may nakasabit sa kamay niya na recorder.

"It's worth it naman 'di ba? Para sa project naman natin 'to ee."



"Ah, mga miss? May kailangan ba kayo?"

Tumalikod silang dalawa at nginitian ako.

"Ayan! Andiyan na siya Gab!" girl 2.

"Thank you po at nakarating kayo!" wagas ang ngiti ni girl 1.

"Gab!" siniko ni girl 2 si girl 1.

Humarap sa 'kin si girl 2 at nginitian ako. "Ate Ella, pagpasensyahan niyo na po 'tong kaibigan ko. Napaka-weird niya lang kasi minsan ee."

Nag pout lang si girl 1 at nag cross ng braso. "Yabang mo."

"Ako nga po pala si Diana Guiam, at ito po ang friend kong si Gabrielle Manalansan. Gabynette po tawag niyo sa kanya." tapos tumawa ng konti si girl 2 na nagdadala ng camera. So Diana pala name niya.

"Hoy Lelay! Tigilan mo na nga pangalan ko! Hindi ako Cabinet!" humarap sa 'kin si Gabrielle. "Ate Gaby po nickname ko. G-A-B-Y. Hindi po G-A-B-B-Y, hindi G-A-B-B-I-E hindi rin po G-A-B-B-B-I-E-Y. G-A-BY-!! Nagtatampo po ako sa mga nags-spell ng mali ng pangalan ko. >n<"

"Haba naman speech mo Gabynette."

"LELAY!! TIGILAN MO 'KO KUN 'DI AALIS AKO DITO!!"

"Ah ganyanan ah? Sige tandaan mo 'yan. Tandaan mo 'yan!" tinuro niya si Gab at nagsimulang mag-walk out pero hinila ulit ni Gab.

"Hui Lelay! May project pa tayo."

Ang kukulit lang nitong mga batang 'to. Hangkyut mang-away.

"Bakit niyo nga pala ako hinahanap?" ako.

Humarap sa 'kin si Diana. "Ate, kailangan po kasi naming mag-interview ng sikat po na babae dito sa 'tin. Pwede po ba kaming mag-interview ng private sa bahay niyo or sa labas man lang?"

"Oo nga po!" tumango si Gab. "Sayang naman po kung hindi kasi po galing pa po kaming kabilang barangay."

"Sige. Doorbell lang kayo, andiyan na ata kuya ko ee."

"Sige po!" wagas ngiti ni Gab.

Tumalikod sila at pumunta sa gate at nag doorbell. Mamayang konti binuksan na ni kuya ang gate ng ako ang nasa harapan.

"Hi kuya." bati ko. "Si mommy?"

"Wala pa siya ee. Overtime daw sa trabaho. Buti na lang may susi ako kundi na kayna Patrick pa rin tayo ngayon."

Nag-aaway na naman kami ni Patrick ngayon… Nakakainis na nga ee. :(

"Pwede ba akong mag-pasok ng bisita?"

Tumango siya. "Sige. Sino ba 'yan?"

"Mga first year ata ee." tumalikod ako at humarap kayna Gab. "Ilang taon na kayo?"

"Ako po 12! Siya 13." Gab. "First year palang po.^______^"

Humarap ako kay kuya. "First year nga. "

"O sige. Pasok na." inimbita kami lahat sa loob.





"Pwede po bang personal info po muna? Pang-profile lang po."

Tumango ako. "Sige."
(a/n: Italic=Gab [ako! ^___^])

"Full name?"

"Elizabeth Juliet Delilah Dimalanta."

Nagsulat siya sa papel niya.

"Age?"

"15."

"Year?"

"Third year."

"Birthday?"

"March 26, 1995."

"Hobbies?"

"Facebook, Dancing, minsan Singing."

"Favorite color?"

"Yellow! ^___^"

"Favorite food?"

"Err... Ewan. Kahit ano? Haha."

"First love?" humarap siya sa 'kin at ngumiti.

"He hides under the name of Batman." nginitian ko siya.

"So ate," Gab habang tinatapat sa sarili ang recorder. "despite of all this autographs and busy schedules, paano niyo po naba-balance ang pagiging sikat at pagiging estudyante?" tapos tinapat niya sa 'kin ang recorder. Nakuu parang hindi bata 'tong babaeng 'to. May future. Haha.

*Click* Kanina pa nagpi-picture si Diana sa bahay namin. Kailangan raw kasi ng proof para malaman na nag-interview talaga sila sa 'kin.

"Ah, naba-balance ko naman ng maayos ang schedule ko ngayon. We're actually working on our charity campaigne na magaganap next month. Halos iyon lang ang inaasikaso ko ngayon, and all the sudden autographs and pictures." tapos tumawa ako ng konti. "Buti na lang na nagpaalam kayo na mag-interview sa 'kin kasi mamayang konti baka ma-surround tayo dito ng mga tao."

*Click*

"Sabi po nila top 5 ka daw last year. Are you still catching up despite of your fame?"

*Click*

"Yes, nakakapag-catch up ako. Medyo napagod lang dahil sa contest pero it's worth it."

*Click*

"Hmm... Pwede po ba tayong mag-change topic and move about your life about being a teenager?"

*Click*

Tumango ako. "Yeah, sure."

*Click*

Binaba niya ang recorder niya."So, ang sabi po nila ee meron po kayong textmate na tinatawagan ang sarili na Batman. Iyon po ba ang sinasabi niyong first love mo?"

*Click*

*Click*

"Honestly, oo. Siya ang first love ko."

"Paano po ba nakapasok si Kuya Patrick sa buhay niyo?"

"Nakikipag-text noon ako kay Batman noong nabangga niya ako, nahulog ang iPhone ko at nag-away kami. Naging magka-away kami, tapos yun."

"Paano po kayo naka-abot sa Trinoma?"

"Ginawa niyang kapalit."

"Oh, so hindi siya exactly date?"

"Well, I think it was. Pero malling daw ang sabi niya. Maybe it is naman, 'di ba? Ayoko namang mag-assume."

"Kayo na po hindi ba? Sabi po ng kaibigan niyong si Jade?"

 Ano ba 'yan Jade? Bakit mo kasi sinabi 'yun ee. >____<

Tumango ako. "Yes."

"Since kailan po?"

"Since... Nung nag-practice kami sa bahay ni Tammy."

"Kailan po 'yon?"

"Mga August 30, I guess?"

"Hindi po kayo sigurado? Bakit parang unsure po kayo sa sinasabi niyo?"

"Ah... Sure ako! Ah... August 30 naging kami. Hehe."

Tumango siya. "Ah, okay."

After 30 minutes of questions, pictures and long answers...

Binulsa niya ang recorder niya at humarap sa akin. "Sige po. Thanks po for the info. Sana po magkita tayo ulit!"

Tumango ako. "Sige."


*


"EJ?" tumawag kasi si Jason, EJ nga ang tawagan namin 'di ba? Ella and Jason. ^___^

["Hi EJ. Pwede ban mag-tanong?"]

"Sige ba. Ano yun?"

["May pumunta ba sa inyong dalawang babae na first year?"]

"Oo. Nag-interview sila sa 'kin para raw sa project nila. Pano mo nalaman?"

["Pumunta kasi sila dito, nag-interview rin sila. Sabi nila yung tungkol sa mga sikat sa probinsya. Nagtaka nga ako kasi ako ang tinatanong, kasi nasa bahay naman si Patrick. Ay, lumabas pala."]

"Oh? Ano ngayon?"

[Taray mo aa. Narinig mo lang pangalan ni Patrick. Nag-aaway na naman ba kayo?]

"Oo ee. Tss. Ewan ko dun. Nang-aaway ng walang dahilan."

[Hindi ba... Probably... Probably lang... Na nagseselos siya sa 'yo. Alam ko 'yang kapatid ko ee. Pag nagse-selos nang-aaway ng ibang tao.]

"Psshh. As if. Bakit? Siya ba si Batman? Siya ba ang ka-isa isang lalaking minahal ako? Tss."

[Uhh... Ahh... Sige see you tomorrow. Bye.]

*Toot*

Call ended.

"Huh? Napano 'to?"

--------------------------------------- (pag wala pong na-edit pasensya na po. Nagloloko po ata wattpad >_________<) next chapter: "Badtrip"

Love by Strings FINISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon