Chapter 16: Unexpected visitors part 2
Patrick's POV
"O, Patrick! Anong ginagawa mo dito?"
Tumalikod ako. Si Tikoy at kuya.
"Ah, hi."
Nilapitan ako ni Tikoy. "Ba, paporma ka ngayon, a. Anong meron?"
Sumunod si kuya. "Kanina pa ako nagtext sa 'yo. Natanggap mo ba yung message?"
"Ah, sinendan mo ba ako ng message?" tanong ko, sabay kunwari ng pagtingin sa phone. "Hindi ko natanggap, e. Baka nasa outbox mo lang hindi mo napansin?"
"Teka, bakit ka nga pala nandito?" nilagay ni Tikoy ang kamay niya sa
bulsa at nagtaas ng isang kilay.
Ok, Patrick. Mag-handa ka nalang ng first aid kit bukas. Sorry, Ella.
"May date ako, e."
Nag half-smile si Tikoy. "Pinagpalit mo na si Ella't Batgirl?"
"Tsk. Konti pa nga lang yung feelings ko kay Ella." aray, sarili ko tinamaan ko 'dun, a. "Dahil lang hindi ako tine-text ni Batgirl. Tiyaka friendly date lang naman to, e. Tinulungan kasi niya ako sa... Schoolwork."
"Sino ba kasama mo?" tanong ni kuya.
Kinamot ko nalang ulo ko. Wala akong maisip na palusot, e. Sige, ganito nalang...
"Ang dami niyong tanong. The Buzz ba 'to? Nasa hot seat ako?"
"Sabihin mo na kasi!" sabi ni Tikoy.
"Tsk. Hindi niyo pwedeng malaman. Malalaman niyo balang araw. Pwede ba? Kanina niya pa ako hinihintay sa labas. Ba-bye na."
Tumalikod ako para lumabas pero pinigilan ako ni kuya. "O, sabay ka na sa 'min pauwi. Kung gusto mo isama mo na rin yung date mo."
Humarap ako sa kanila. "Kuya, I know what you're trying to do. Alis na nga ako."
Tumalikod ako at binuksan ang pinto at lumabas ng resto. This time wala nang pumipigil sa 'kin.
Meanwhile, Ella's POV
Tsk. Ang tagal naman.
Ipinatong ko ang siko ko sa railing sa tapat ng resto at tumingin sa baba. Ang layo pala ng tinakbo namin.
May Sbarro, may DQ. May Pizza Hut? Tsk. Kung anu-ano nalang.
Ang ganda naman pagmasdan ang mall. Makulay. Maganda. Maliwanag.
Di nagtagal ay nag puno na ng tao sa harap ng resto. Ano kaya nangyari dun sa mokong na 'yun?
Pabayaan mo na nga, Ella. Just enjoy your moment sa loob ng mall ng
hindi inaaalala ang problema. *Inhale, exhale.* *inhale, exhale*
Pumikit ako at huminga ng malalim. *sigh*. Naghalo-halo ang amoy ng mga resto. Which is kind of great kasi pa iba-iba naamoy mo. May Italian, Chinese, Japanese, Korean...
May bigla akong naramdaman na pressure sa balikat ko.
"Wag mong tatanggalin 'yan. Andiyan sina Tikoy at kuya, mahalata pa tayo."
Sino pa ba? Eh di si mokong. Inakbayan ako bigla. :/
"Paano ka nila nakita?" tanong ko, nakaharap sa opposite side ng mall.
"Ewan ko. Palabas na sana ako ng bigla nila akong tinawag."
BINABASA MO ANG
Love by Strings FINISHED
फैनफिक्शनPaano kung ang taong katagal-tagal mo nang hinahanap... Ang taong gusto mong makasama habang buhay... Ang taong nakita mo ng isang beses lamang pero nagkagusto ka sa kanya.... Ay andiyan na lamang sa iyong harapan? At kaaway mo pa siya? Ang weird di...
