4 : Sadist and the Masochist

748 34 2
                                    

Keira's POV

Wala na bang mas is-sweet pa 'tong Neo na 'to? Tch.

Kung umasta parang hindi araw ng kasal namin ngayon. Nakakainis.

"Kumain ka."

Tapos ngayon naman biglang aasta na parang siya yung boss.

"Kakain ako kapag gusto ko." mabuti pang magmatigas na lang.

"Kailangan mong kumain. Wag matigas ang ulo, Keira." parang nauubusan na agad siya ng pasensiya at hindi man lang nag-abalang tapunan ako ng tingin. Busy siya sa pagkain at parang 'yon ang mas dapat niyang pansinin kaysa sa 'kin.

Yung mga bisita tuloy, hindi kami makuhang kausapin dahil sa inaasta nitong Neo na 'to. Napaka-suplado talaga. Ayun, sila mommy na lang ang nag-eentertain sa kanila imbis na kami.

"Ikaw ba yung magugutom? Wag kang makialam."

"We will have a flight tonight, remember? Kung hindi ka kakain, magugutom ka agad hindi pa man lumilipad ang eroplano." he sighed. "Eat. Now." pinagpilitan niyang isubo sa bibig ko ang kutsarang puno ng kanin at ulam.

"Kakakasal lang LQ na agad?" natatawang tanong ng biglang sumulpot na si Rinnel. Buhat niya pa yung little freak niyang anak. Mukhang tulog na.

"Pake mo?" tinaasan ko pa siya ng kilay.

"Wag kang intruder, gago." asik ni Neo.

"Ang sakit niyong magsalita, alam niyo ba 'yon?"

"Hindi lahat ng bagay dapat alam ko." pambabara ko pa.

"Bakit ba ang sungit mo, Kei? Mayroon ka ba? Kawawa naman si insan, hindi makaka-score niyan." tawang-tawa ang loko.

"Ulol!" binato ni Neo ng tinidor ang pinsan niya.

Grabe. Mas manyak pa siya kay Neo!

"Woah. Easy, insan."

"Dun ka nga kay Yasumi. Wag mo kaming abalahin ni wife."

Kita ko kung paanong nagdilim ang paningin ni Rinnel.

Yasumi? At sino naman 'yon?

"Tsk." yun lang at iniwan na kami ni Rinnel.

"Problema nun?"

"Babae." matipid na sagot ni Neo. "Nguyain mo ng mabuti, wife. Wag kang madaldal."

Tch. Bossy.

"Ayoko nga kasing kumain. Ano ba?!"

"Ako, gusto kong kumain ka." ba't ba hindi 'to makahalatang naiinis na 'ko.

"And..so?" I sarcastically asked.

"I am your husband." tinaasan ko lang siya ng kilay. "And I don't want to agree with what you are saying. Just eat. Ayoko ng asawang payatot."

Aba't!

"Hindi ako payayot! How dare you?! Sexy ako!" I'm sure na namumula na sa inis ang mukha ko.

"Oo, at ako lang ang makakakita ng ka-sexy-han mo." he casually answered with a wink.

Literal na napanganga ako dahil sa inaasal niya.

"Pervert."

"Sa 'yo lang naman." he smirked. "Don't you dare curse me if you don't want me to kiss you." he reminded, then grinned.

Gah. Bakit ba pinakasalan ko 'tong lalaking 'to?

"I hate you." nasabi ko dahil sa inis.

"I love you, too." at ang loko, tinawanan ako.

His Man Hater Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon