28 : Patience No More

246 19 13
                                    

Keira's POV

Sigurado akong nakikita ako ni Neo. I'm very sure na alam niyang nakikita ko ang harap-harapan niyang pakikipaglandian sa babae niya. Tangina niya.

Hindi ko napansing nasa tabi ko na rin si Paris at binabalot na pala ako ng puting towel mula sa balikat ko. "Let's go back." Mahina niyang bulong sa tainga ko. Malambing ang pagkakabigkas niya niyon. Parang gusto niyang wag akong maapektuhan dahil nasa tabi ko naman siya.

Nang umangat ang tingin ko sa banda nila ni Irene, pareho na silang nakalusong sa tubig. Nakasabit pa ang mga braso ni Irene sa batok ni Neo. Mukhang may sinasabi ito sa kaniya sa mapang-akit na paraan. Pero hindi man lang siya matapunan ng tingin ni Neo dahil sa sama ng pakakatitig nito sa kamay ni Paris na nakahawak na ngayon sa bewang ko.

Alam ko namang natatapakan ko ang pride niya kaya siya nagkakaganyan. Eh ano ngayon? Magtapakan lang tayo ng pride Neo, sige lang.

Sila Sky ay mukhang nawalan na rin ng ganang mag-swimming dahil pati sila ay umahon na. Kahit na ganoon ay wala pa ring pakialam ang dalawa. Tuloy lang sila sa pag-swimming. Mukha ngang nag-eenjoy naman siya sa paninitig sa katawan ni Irene. Hindi ko alam pero hindi ako nakakaramdam ng sakit. Siguro ay dahil mas nangingibabaw ang galit at gigil. Gustong-gusto ko nang saktan yung babae niya pero para ano? Para mag-eskandalo? Yuck, wag na lang. Hindi ako bababa sa level na 'yon. Para ko na ring ipinakitang karapat-dapat lang na iwan niya 'ko.

Tinabihan ko si Sky na nakatanaw rin kila Neo. "Bakit kilala mo 'yan?" I'm referring to Irene.

"Simple lang, ex ko siya." Parang wala lang iyon sa kaniya ayon sa tono ng boses niya. Lumingon siya sa 'kin para tingnan ang kabuuan ko. "Aish. Magpalit ka na nga!" Parang mababaliw na siya dahil sa pagpapakita ko ng balat. Nakabalot naman na ako sa puting towel pero bothered pa rin siya.

"Lalangoy pa kami mamaya ni Paris." Nilingon ko si Paris na ngayon ay nakasuot na ng puting t-shirt. Busy siya sa pagsagot ng tawag mula sa manager nila. Sila Yasumi at Rinnel naman ay inaasikaso na ang aming pananghalian. Si Van ay naglakad-lakad para daw maghanap ng chiks. If I know gusto niya lang patunayang straight talaga siya. Sila Jace naman ay umalis din para daw maghanap ng souvenir shop.

"Bakit di mo gayahin si Manager Nam? Mag-dress ka na lang!" Asik niya. Napatingin din tuloy ako kay Soul na naka-mahabang summer dress na nag-aalaga kay baby Liam na mukhang napaiyak na naman niya.

Kumunot ang noo ko. "Ayaw ko ng may kamukha!"

"Hindi ka na lang maghubad eh, 'no?" He sounded sarcastic. Pinagtawanan na naman tuloy kami ni Soul na nasa tabi ko na pala. Mukhang narinig niya ang pangalan niya kaya lumapit na rin siya sa 'min.

"Talaga bang okay na si Rinnel at Yasumi?" Mahinang tanong ni Soul.

"Sa tingin ko." I shrugged. "Ay teka, Soul." Tinalikuran ko muna si Sky para makaharap si Soul. "Alam mo ba kung bakit nag-break si Sky at Irene?"

"Wow. Harap-harapan naman, Kei." Reklamo ni Sky.

"Kailan ka pa naging tanga? Nakatalikod na nga kami sayo, oh." Hindi ko napigilang umirap.

"Habang tumatagal lalong sumasama 'yang mga salitang lumalabas sa bibig mo." Halatang na-offend si Sky pero hindi ko magawang makunsensiya dahil sa itsura niya. Gulat na gulat kasi siya dahil nasabihan ko siyang tanga.

"Hindi ko rin alam. Hindi naman nagsasabi si Sky." Kinagat ni Soul ang kaniyang lower lip bago umiwas ng tingin.

Saglit akong napaisip bago tumayo sa harapan nilang dalawa. "Di ba sabi mo, dati mo pa 'ko gusto? Anong nangyari? Bakit nagka-girlfriend ka?"

His Man Hater Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon