35 : Eyes on me

443 19 10
                                    

Keira's POV

“You have to come with me.” mariing sambit ni Neo habang nananatili ang paningin kay Paris.

“I’ll date her.” Kinagat ni Paris ang ibabang labi na para bang nagpipigil ng tawa na mukhang lalo lang nakapagsilab sa apoy ng galit na animo lulukob na kay Neo. “You can’t take her away from me.”

“Please…” saway ko habang hinihilot ang aking sintido.

“She will not stay away from you, of course.” blangko ang mukhang sagot ni Neo. “Kasi sisiguraduhin kong ikaw ang kusang lalayo.” mapagbanta ang tinig na dagdag pa niya.

“And if I wouldn’t?” bumalik na naman sa pagiging seryoso si Paris.

God! Hindi ba talaga nila ako papansinin?!

“Hindi ba talaga kayo titigil?” gigil na tanong ko habang pinanlalakihan sila ng mata.

Sabay silang bumaling sa 'kin.

“Leave this to me, wife.”

“Let him say nonsense, babe.”

Just what the fudging hell.

Nang marinig nila ang isa't isa ay agad ulit silang nagbatuhan ng masasamang tingin.

"You stop calling her with stupid endearment, dickhead."

"I am just expressing my sweetness to my girlfriend."

"Oh, yeah? You proclaim someone else's wife your girlfriend? Shame on you."

"Ang lakas naman ng loob mong sabihing asawa mo siya pagkatapos mo siyang iwan."

“That’s none of your fucking business, dipshit.”

"Bwisit." Hindi ko na napigilan at nilayasan ko na silang dalawa. Come on! Ayaw nilang magtigil? Pwes, magsama sila.

Naiintindihan kong may kasalanan din ako dahil sinagot ko agad si Paris kahit na alam kong nandito na si Neo. At hindi ko man lang naisip na magiging lalong kumplikado ang mga bagay-bagay, pero hindi ko pa rin mapigilang mainis. Siguro kung maayos ang pakiramdam ko ay nai-settle ko na ang sitwasyon. Should I blame it to my sudden pregnancy? Ofcourse, not.

“You’re not going anywhere without me.”

Gulat akong napalingon sa kamay na biglang humila sa kamay ko pabalik. It’s Neo. Hindi ko tuloy naiwasang lumingon sa pinanggalingan niya para hanapin si Paris.

“Let me go.” may diin kong utos.

“You didn’t hear me, did you?”

“Hindi ako sasama sayo.”

“For once,” pagod siyang bumuga ng hangin. “ako muna ang piliin mo.”

Hindi ko maintindihan pero parang may mainit na bumalot sa dibdib ko nang nakiusap siya ng ganoon.

“Fine.” I finally said in defeat. Muli pa muna akong sumulyap sa pwesto kanina ni Paris. I’m worried na baka pagkaguluhan siya doon kapag namukhaan nila na ito ang sikat na vocal ng bandang Steel.

Saan na nagpunta ‘yon?

Hindi ko na nahanap pa si Paris dahil agad kong naramdaman ang mainit na palad ni Neo na nakaalalay sa likod ko pasakay sa nakaparada niyang convertible sa harap ng condo. At nang masigurado niyang maayos na akong nakaupo sa passenger side, agad naman siyang umikot para abutin ang kaniyang car keys mula sa akala mo butler, na mukhang kanina pa nakaabang, para i-start ang sasakyan.

Nanahimik na lang ako at isinandal ang pisngi ko sa bintana. I can see him taking some glimpse of me in my peripherals.

“I’ll buy you clothes, first.” he mentioned as he cleared his throat.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 12, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Man Hater Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon