Keira's POV
"Halata namang may galit sa 'kin yung prof na 'yun. Tch." Hindi ko napigilan ang umirap dahil sa pag-uutos ng magaling naming prof na dalhin 'tong buhat kong makapal na test papers papunta sa table niya na nasa 5th floor lang naman ng College of Engineering.
"I guess you need a hand."
Halos mapatalon ako sa biglaang pagsulpot ni Paris sa harap ko. Kapansin-pansin naman ang pagpipigil niyang ngumiti dahil sa inasal ko.
"Alam mong hindi na dapat kita kausapin." mababasa sa boses ko ang pagiging seryoso.
"I am the one who's talking to you," nagkibit balikat siya. "Not you." tuloy pa niya.
"I don't get it why you're being kind to me."
Imbis na sumagot ay basta na lang niyang kinuha ang buhat kong test papers. "What you need is help, not explanations." he grinned.
Patay talaga ako kay Neo kapag nakita na naman niya kami.
"Where are we bringing this?" he asked.
"COE, Room 506." sagot ko na lang dahil parang wala namang planong makinig sa 'kin si Paris kung hindi ako papayag na tanggapin ang tulong niya.
Nag-umpisa na siyang maglakad habang ako naman ay nasa likod lang niya.
"Did he hurt you?" natigilan ako sa bigla niyang pagtatanong.
Si Neo ba ang tinutukoy niya, o si Van?
"No." sagot ko na lang dahil wala namang kahit sino ang nanakit sa 'kin.
Napahinto ako sa paglalakad dahil sa bigla niyang pagtigil. He sighed and continued to walk without a word.
Hanggang sa makarating kami sa kwartong pinuntahan namin ay walang nagtangkang magsalita. Aalis na nga sana siya pero may tanong na sumagi sa isip ko.
"Hindi ka man lang ba magagalit?"
He slowly turned to me. "And why?"
"Kasi hindi ako nakapanood ng laro mo."
"It's just a mere invitation. It's up to you if you will come or not." he smirked. "Inviting and forcing is different." he added.
Bahagya akong napahiya. "If you say so." I murmured.
"Tell your husband that he shouldn't be jealous because of me." Napatitig ako sa kaniya. "We're not in a competition."
"Al--" hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil basta na lang niya akong pinatahimik gamit ang hintuturo niya.
Hindi na ako nakareklamo dahil sa paghila niya sa 'kin sa ilalim ng lamesa.
"Anong problema?" natataranta kong bulong matapos niyang alisin ang daliri sa labi ko.
"Stop talking and just listen." he mouthed.
Gaya ng sinabi niya ay gano'n nga ang ginawa ko. Ganoon na lang ang kaba ko ng marinig ang mahihinang kaluskos at mahahalay na daing.
"Damn it, be quiet." asik ng isang lalaki.
H-Hindi ba si Rinnel 'yon?
To confirm it, dahan-dahan akong sumilip sa pinanggalingan ng mga boses.
Parang nag-akyatan ang lahat ng dugo ko sa aking mukha ng makita kung paanong sambahin ni Rinnel ang katawan ng isang nursing student. Nalaman kong nursing ang kurso nito dahil sa suot nitong uniporme.
Tatayo na sana ako para kumprontahin ang gagong pinsan ni Neo ng hawakan ni Paris ang kamay ko nang napakahigpit para pigilan ako.
"What are you doing?" I hissed dahil sa inis.
BINABASA MO ANG
His Man Hater Wife
RomanceNOTE : You can actually understand the flow of the story even without reading the book 1. Thank you. ~*~ The story of Neo Kryzyl and Keira Deanne continues as husband and wife. They will encounter problems, but how would they face those? Sila pa rin...