5 : Who's jealous?

720 36 7
                                    

Jace' POV

My girlfriend and I have a lunch date today. Napagkasunduan namin na dito na lang sa canteen sa harap ng department ng nursing mag-lunch. 30 minutes lang kasi ang lunch break ko ngayong araw kaya hindi ko siya masundo man lang.

"Mahal, I'm on my way na."

Napangiti na ako agad dahil sa text niya. Medyo hirap din yata siya ngayon dahil nag-shift siya sa course na Mass Communication.

Kung bakit kasi ang lakas ng loob mag-engineering.

Hindi naman sa wala akong bilib sa girlfriend ko, pero kasi ilang failures na ang natanggap niya dahil sa pag-ulit-ulit ng major subjects nila na first year pa lang ay hindi na niya maipasa. Naiisip ko lang, sawa na ba siyang mag-summer class at mag-retake? Puro minor subjects lang tuloy ang napapasukan niya. At sa pagkakaalam ko, sa mga subject na 'yon, kaklase niya yung may period na Kei na 'yon.

Bagay talaga sila ng maangas niyang asawa.

"Mahal!" She's here already, pero sino yung kasama niya? "Mahal, okay lang ba na maki-table sa atin si Paris?"

Ito pala yung bukang-bibig ng girlfriend ko. Tsk.

"I hope you don't mind." he casually said with a small smile.

"Mahal, please pumayag ka na."

Does she really need to beg me just so she could be with that asshole?

"Why are you together?" I seriously asked instead of answering her question.

"Nakasalubong ko siya." she smiled widely.

"Hands off." I commanded in gritted teeth.

"Sorry, but really it's just nothing." Halatang naging awkward ang sitwasyon para sa kanya.

Tangina, bakit kasi ang manhid ng taong 'to?

"You can go now." I uttered coldly.

"Huh? Pero maha---"

"No buts." Agad kong hinila si Sofie palayo sa kanya. "Go."

"Okay," he shrugged and went off.

"Bakit?" Hindi pa rin yata makapaniwala si Sofie sa ginawa ko. Oh well, I don't care.

"Anong bakit?"

"Bakit mo siya pinaalis?"

"Kasi gusto ko?" Ano bang nakakapagtaka sa ayokong may epal sa lunch date namin?

"You're unbelievable." Kataka-taka ang pagiging seryoso niya.

"Damn, Sofie." inis kong hinubad ang lab gown na suot ko. "Ano? Ieexplain ko pa dapat ulit na nagseselos ako?"

"Hindi ka naman dapat magselos." halos hindi ko na siya marinig dahil sa pahina nang pahinang boses niya.

"Anong magagawa ko? Sofie, kusa." itinukod ko ang kamay ko sa lamesa. "Yung selos..." napapikit ako ng mariin. "Yell the hell out of me, but you can't stop it from being jealous everytime I see you with someone else."

"Pero ikaw yung boyfriend ko." kita ko sa mga mata niyang naguguluhan siya.

"Alam mo palang may boyfriend ka pero lumalapit ka pa rin sa iba." I said those in a sarcastic tone. Without a word, I left her alone.

Masyado nang mainit ang ulo ko. Ayoko nang kumain. Makabalik na lang sa laboratory. Tss.

Neo's POV

So this feels like this?

"N-Neo.." agad akong napalingon sa kanya.

Tss. Tulog pa rin naman. But it's amusing that even in her dreams, she's still thinking about me.

His Man Hater Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon