Keira's POV
"Bakit mo ginawa 'yon?" Nafufrustrate ako. Kung kanina nananahimik ako, ngayon ay hindi na ako matigil sa kakasermon kay Sky. "Ano na lang ang gagawin mo kung kasuhan ka no'n?!"
Tinawanan lang ako ni Sky at patuloy na nagfocus sa pagmamaneho. "I'm sure he won't do that." At talagang ang taas ng confidence niya. Minsan talaga hindi ko magets ang mabilis na pagbabago ng mood ni Sky. Napaka-moody niya. Kanina lang ay galit na galit siya, ngayon naman ay akala mong walang nangyari at masaya pa siya.
"Saan ka nakakuha ng lakas ng loob na manapak, ha?" Sinamaan ko siya ng tingin. It's not that kinakampihan ko si Neo. Nag-aalala lang ako para sa best friend ko. Ayokong madungisan ang image niya, lalo na't sikat na sikat pa naman siya.
"Ang cool ko, 'no?" He even had the guts to wink at me.
Baliw talaga. Tch.
Ngayon ko lang napansin kung anong ayos niya. Halatang kakababa pa lang niya ng eroplano. Naka-cap siya na kulay maroon, at ang mouth mask ay nasa kaniyang chin. He's wearing a light blue sweater na nakatupi hanggang siko at ripped jeans.
Binalewala ko ang kayabangan niya. "Nasaan si Soul? Bakit di mo siya kasama?"
"Nasa inyo na. Excited makita yung inaanak niyang si Liam." Nagkibit balikat siya.
"Bakit nga pala kayo biglaang umuwi?" Imposibleng wala na siyang tapings. Ang alam ko nga nasa kalagitnaan ang pag-air ng korean drama na pinagbibidahan niya.
"Para sapakin si Neo." Ramdam na ramdam ang kayabangan sa boses niya. Simula no'ng naka-move on na si Sky, naging makulit at kwela na ulit siya. Kung paano kami magturingan no'ng bata pa kami ay bumalik.
"Crazy." Yun lang ang naisagot ko.
"Kung ako sayo sasagutin ko na si Paris." Bumusina siya para pagbuksan kami ng gate ng mga guard.
"I don't like him enough." Sagot ko bago bumaba ng kaniyang dalang sasakyan.
"Minsan kasi, dapat pinagseselos mo ng kahit konti yung asawa mo!" Sinabi niya ito pagkababa ng sasakyan. Pinapaikot niya sa kaniyang daliri ang susi ng kotse.
"Makapagturo ka, akala mo ang dami mong alam ah?" Natawa na lang ako. "And stop the asawa ko thingy." I sounded disgusted.
"Just do it and thank me afterwards." Inakbayan niya ako at sabay kaming pumasok ng mansyon.
Pagpasok namin, ang inaasahan ko ay nagkakagulo sila dahil sa pagdating nila Sky. But it turned out to be the other way around. Sobrang tahimik.
"Oh, nasaan sila?" I turned to him to meet his gaze.
"Packing their things." Ipinasok niya ang pareho niyang kamay sa kaniyang bulsa.
"For what?" Oh geez, may nakalimutan ba akong okasiyon?
"Trip to Boracay." Simpleng sagot ni Sky na nakapagpakunot ng noo ko. "Iunat mo 'yang kilay mo, bespren." Biro niya pa kaya sinapak ko siya. "Aw!" Reklamo niya.
"Iiwan niyo 'kong mag-isa?" God, I hate it. How could they do this to me? I'm in the middle of a crisis, then there they are planning for some trip? Tch.
Pinitik ni Sky ang noo ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Of course not! That's ridiculous."
"Oh no, Sky. Not now." Naiisip ko nang sasabihin niyang kasama ako kaya tumutol na ako agad. "I have a presentation on Monday and it's already freaking Thursday today!" I exclaimed.
"Then move it." Utos niya na akala mo ang simple lang ng hinihingi niya. "Or else ipapasok kita sa maleta para lang sumama ka." He let out a devilish laugh.
BINABASA MO ANG
His Man Hater Wife
RomanceNOTE : You can actually understand the flow of the story even without reading the book 1. Thank you. ~*~ The story of Neo Kryzyl and Keira Deanne continues as husband and wife. They will encounter problems, but how would they face those? Sila pa rin...