Keira's POV
Dumaan at natapos ang pasko't bagong taon nang walang kahit anino ni Neo ang nagpakita sa 'kin. Kahit simpleng paramdam ay walang nangyari. Sa mga okasiyong 'yon ay nakakulong lang ako sa kwarto. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses akong umiyak dahil sa pangungulila. Hindi naman ako masagot ni mommy at daddy dahil halata naman sa mga mukha nilang wala rin silang balita. At nang tawagan ko naman ang lolo at lola ni Neo ay sinabi nilang paminsan-minsan daw ay tumatawag sa kanila si Neo para sabihing okay lang sila doon. Busy daw ito sa pagpapatakbo ng kumpanya kaya't minsan lang nilang makausap.
"Ano bang sabi sa 'yo ng asawa mo, hija?" Iyon ang tanong ng lola niya na talagang nakapagpasikip ng dibdib ko. Gusto kong sabihin na mabuti pa siya ay paminsan-minsang nacocontact ng asawa ko, samantalang ako'y mukhang kinalimutan na niya.
My friends didn't leave me, and that's something I should thank for. They are always trying to cheer me up. Lalong-lalo na si Sofie. Kahit na may boyfriend siya ay hindi pwedeng mawalan siya ng panahon para makipag-bonding sa 'kin. Sabay kaming pumupunta sa mga spa at salon. Sa pags-shopping naman ay si Yasumi ang maaasahan. Sumasama siya sa 'min ni Sofie, na dahilan para maging close friend na namin siya si Sofie.
"Siszy, hinahanap ka sa 'kin ni bebe Paris." Pupusta akong kakagising lang niya dahil sa boses nito.
"Sabihin mo nasa bahay pa 'ko. Kumakain." Sagot ko habang nagpapahid ng peanut butter sa loaf bread na hawak ko. Ang phone ko naman ay nakaipit lang sa pagitan ng balikat at tainga ko.
"Bakit ba he cannot reach you?"
Binitiwan ko ang sandwich ko at maayos na tinapat ang phone sa tainga ko. "I don't know?"
Sa ngayon kasi ay nanliligaw na sa 'kin si Paris. I just don't know when will I be able to reciprocate his affection. Siguro kapag tanggap ko na nang buo na hindi na babalik pa sa 'kin si Neo.
Ilang taon na ba ang lumipas? It's already more than 4 years since he left. At hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita sa kaniya. Who cares? Wala na akong pakialam. Mag-asawa siya ulit, go on. Hindi ko siya pipigilan. Bagaman kasal pa rin kami sa papel, sa isip ko'y matagal na kaming walang relasiyon. Matagal na kaming hiwalay. Wala na siyang responsibilidad sa 'kin. Wala na siyang karapatan sa 'kin. At wala na siyang babalikan.
Last month, I met Yuri Kang while I'm in a meeting with my clients. Well now, I'm already successful. Many businessman trusted so much projects to me. Gumagawa na ako ng sariling pangalan sa field ng engineering. I passed the licensure exam because of my determination. Gusto kong patunayan na may ibubuga ako, na may magagawa pa rin ako kahit iniwan ako ng taong mahal ko. Na kahit ang sakit-sakit ng ginawa niya sa 'kin, hindi ako magpapalamon sa sakit na dinulot niya.
Sekretarya pa rin si Yuri, pero hindi na ni Neo. She wanted us to talk and so I granted her request. She told me that Neo did fire him the day when I found out that she kissed him. Nakukunsensiya daw siya at palagay niya'y dapat daw na malaman kong walang kasalanan si Neo sa nangyari. She was really sorry and so I forgave her. Ano pang use kung magagalit at iiwasan ko siya? Wala naman na dito si Neo.
Casual lang ang turingan namin ni Yuri. Sakto lang. Si Van naman ay mukhang umiiwas sa kaniya. Kung ano namang pag-ilag niya kay Yuri ay 'yon namang pagdikit-dikit niya sa 'kin. Konti na nga lang ay iisipin ko nang playboy din 'yon. Magkasundong-magkasundo nga sila ni Rinnel. Kahit ang kapal ng mukha ni Rinnel na inis-inisin ako ay hindi ko makuhang magalit sa kaniya dahil pinsan niya si Neo tapos wala man lang din siyang balita sa pinsan niya. Peste.
"Good morning!" Napalingon ako sa living room kung saan naroon si Van na handa na naman akong bulabugin.
"Maghanap ka kaya ng trabaho kaysa ganiyang tambay ka?" Pang-iinis ko sa kaniya. "Duh, we're not getting younger anymore." dagdag ko pa.
BINABASA MO ANG
His Man Hater Wife
RomanceNOTE : You can actually understand the flow of the story even without reading the book 1. Thank you. ~*~ The story of Neo Kryzyl and Keira Deanne continues as husband and wife. They will encounter problems, but how would they face those? Sila pa rin...