32 : His Reason

274 15 15
                                    

Keira's POV

"Talagang kinalimutan mo, siszy?" Naguguluhang tanong ni Sofie. "Hindi ba nakalimutan mo lang? Or nawala sa mind? You know, you're medyo busy kasi kaya it's not impossible that you make kalimot nang di sadya yung birthday ni Neobabes."

"Baka marinig ka ng fiancé mo. Tingnan ko lang kung hindi magalit sa 'yo yun." Nakairap kong sagot at saka nagtalukbong ng kumot.

"Siszy naman! Neo will make tampo talaga." gumalaw ang kama ko na hindi malabong si Sofie ang dahilan no'n dahil mukhang tinabihan niya ako.

"Eh di magtampo siya. Pakialam ko naman?" Hinila ko lalo papunta sa 'kin ang kumot. "Bakit parang sa kaniya ka pa kampi, ha?"

Mukhang pagkakamali pa yatang ikwento sa kaniya ang nangyari. May dalawang linggo na rin ang nakakalipas mula no'ng araw ng birthday ni Neo. Oo, ang tagal kong kinimkim 'yon pero ngayon, hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko dapat mayroon akong mapagsabihan. At napili ko nga na si Sofie ang sabihan, since siya ang best friend ko. Pero parang gusto ko nang pagsisihan dahil mukhang kay Neo pa siya kampi.

"Hindi ba ako yung best friend mo?" Napabangon ako at inalis ang kumot na nakataklob sa 'kin. "Saka duh? At the first place, ako yung na-take for granted dito. Ako yung iniwan. Ako yung nasaktan. Ako yung binalewala dito."

Bumangon rin si Sofie at saka nag-indian sit sa harap ko. "'Nag-explain na ba siya?"

Kumalma ako dahil sa seryosong tanong niyang 'yon. "Hindi pa."

"Alam mo, siszy. Matagal din akong nag-stick sa side mo." she smiled. "Pero ngayon lang, naisip ko na hindi ko pa naman naririnig yung side niya."

"Anong gusto mong iparating kung gano'n?" I crossed my arms.

"Can't we hear his side first before judging him? Para naman we can be finally be fair."

Agad kong tinaboy ang kamay niya. "Lumipat ka na. Matutulog na 'ko. Shupi!"

"Bahay 'to ng asawa mo." she laid beside me and hugged me from my back.

"Don't say bad words. Hindi ko siya asawa."

"You say na hindi mo siya asawa pero sa bahay ka niya nakatira. You're magulo din naman, siszy."

I faced her, quite pissed. "Alam mo, kung hindi lang dahil sa lolo at lola ni Neo, matagal na kaming umalis sa bahay na 'to."

"Ang akala pa rin ba nila eh okay kayo?" She asked while pouting.

Dahan-dahan akong napatango. "Ayokong sumama pa ang loob nila. Baka tumaas lang ang dugo ng lolo."

May tatlong katok kaming narinig bago bahagyang bumukas ang pinto ng kwarto. "Mahal, leave Keira alone. We know she's tired from all day work."

Humiwalay sa pagkakayakap sa 'kin si Sofie at saka tumayo. "Basta siszy, bukas ka susukatan ng gown, ha?"

I only nodded with a smile. Nakita ko pang inakbayan siya ni Young bago isara ang pinto ng kwarto ko.

It's true na masaya ako para sa magandang kinalabasan ng relasyon ng dalawang 'yon. Minsan hindi ko maiwasang mainggit. Tinatanong ko yung sarili ko kung saang parte ba kami nagkamali. Mukhang wala nang pag-asa kaya para saan pa ang panghihinayang? Maybe what happened is only meant as a lesson to us.

Is it time for acceptance?

That night, I slept peacefully. And the next morning, I woke up early. Two weeks na akong nagtatrabaho sa bahay. Inuwi ko lahat ng trabaho ko para iwasan ang pagkikita namin. I just can't face him after that incident. Kung bakit naman kasi nagpauto ako at pumayag na isuot ulit ang singsing.

His Man Hater Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon