Keira's POV
"Sorry for what?" Bigla akong natauhan at nakaramdam ng inis. "Kasi sa sobrang dami ng kasalanan mo, hindi ko na alam kung alin doon ang ikinaka-sorry mo." I smiled sarcastically.
"How about me?" Pagod nang tanong niya. Hindi ko makitaan ng kahit anong galit ang mata niya. Pagod at lungkot lang ang naroon. "Do you ever tried to ask me if I'm okay all this time?"
Malakas ko siyang tinulak nang muling maging blangko ang expression ng mga mata niya. Nag-igting ang panga niya at pumikit ng mariin.
"I don't understand you." Nanginig ang labi ko. "So you're telling me that I'm the one at fault?" Pagkaiwas ko ng tingin ay hindi ko na napigilan ang mahinang pagmura.
"Stop cursing, Keira." His eyes are now hooded. It almost sent me shivers.
Biglang may humablot na kamay sa braso ko. "Keira..." Pilit niya akong itinago sa likuran niya. Nang tingnan ko ang mukha nito ay noon ko lang napagtanto na si Van pala 'yon. Hindi na ako nabigla sa presensiya siya nang maalala ko ang sinabi ni Paris na nasa paligid lang itong si Van.
"We're talking." He stated sternly. Nang ibalik ko naman ang paningin ko kay Neo, nakita ko kung gaano katalim ang tingin niya sa kamay ni Van na nakahawak sa kamay ko. And that's my cue to hold Van's hand tighter. Umangat ang paningin sa 'kin ni Neo at bahagyang kumurba ang sulok ng kaniyang labi.
"We're not. Let's go." Hindi ko na hinintay pang sumagot ang dalawa at basta ko na lang na hinila palayo si Van. Mabuti na lang at nagpatangay lang si Van sa akin.
"Di ba iyon yung asawa mo?" Nag-umpisa lang na magtanong si Van nang makalayo na kami kay Neo. Bago ibaling ang tingin kay Van ay sinulyapan ko pa muna si Neo na ngayon ay nakatanaw na sa madilim na langit at mukhang seryosong nag-iisip.
"He was my husband." I stressed the word was. Because that's the truth!
"Who are you kidding? He is still your husband." Tinaasan niya ako ng kilay.
Humanap kami ng magandang pwesto na malapit sa stage na pagpeperform-an ni Paris. "Sa papel na lang." Nakairap kong sagot kay Van.
"And you two still kiss." Mapanukso na ang parehong tinig at tingin niya.
My mouth hanged open. "Nakita mo?"
"Not really, hinulaan ko lang. Umamin ka naman." Tumawa siya na para bang nakarinig siya ng nakakatawang joke. Kinurot ko siya sa tagiliran na lalo lang niyang ikinatawa.
Nahinto lang kami sa pag-iinisan nang mag-umpisa nang tumugtog sila Paris. And as usual, nakuha niya ang atensiyon nang lahat. Mukhang lalo lang dumami ang babaeng nahuhumaling sa kaniya. Bukod kasi sa fact na gwapo siya, ay talaga namang ang sarap sa pandinig ng boses niya.
Hindi naman tinapos ni Van ang panonood at nagdesisyong umalis para daw mag-bar. Kaya nang matapos sila Paris ay ako na lang ang naging kasabay niya pabalik ng hotel.
"Did I do well?" Nakangiting tanong ni Paris habang nasa loob kami ng elevator.
"Is that even a question?" I shook my head in disbelief. "Hindi mo ba nakita kung gaano kalagkit ang tingin sayo ng mga babaeng audience?"
"Hindi. Sayo lang naman ako nakatingin." Seryosong sagot niya na nakapagpapawi ng ngiti sa labi ko. "That's why I asked you."
Naiilang akong napakamot ng sariling batok. I just don't know how to behave when he's bringing up this kind of topic. "You sure did well." Tatango-tango kong sagot.
He smiled because of my answer. Mabuti na lang at tumunog na ang elevator, senyales na nakarating na kami sa aming palapag. Tahimik kaming naglakad papunta sa harap ng pinto ng kani-kaniyang kwarto.
BINABASA MO ANG
His Man Hater Wife
RomanceNOTE : You can actually understand the flow of the story even without reading the book 1. Thank you. ~*~ The story of Neo Kryzyl and Keira Deanne continues as husband and wife. They will encounter problems, but how would they face those? Sila pa rin...