6 : Letter

750 32 5
                                    

DEDICATED to NikkeshaNatividad143, natagalan ang update. Sorry. Anyways, congratulations sa pagka-panalo sa game. Sali ka ulit next time. Godbless. :)

Neo Kryzyl Park on the multimedia.

~*~

Keira's POV

"Anong mayroon dito at gusto mong dito tayo pumunta ngayon?" Nakakapagtaka kasi. "Hindi ba dapat namimili na tayo ng pasalubong dahil sa susunod na araw ay babalik na tayo ng bansa?" I added.

Marahan siyang humarap sa 'kin at inilagay ang dalawang kamay sa pocket ng jacket niya. "Bakit?" kumunot ang noo nito. "May problema ba?"

Nakakapagtaka ang kinikilos niya. Ang weird.

"Huh? Ano bang sinasabi mo? Wala ah." Sa hindi malamang dahilan, bigla akong nailang dahil sa mga titig niya.

Naging matunog ang pag-ngisi niya. "Eh bakit namumula ka?"

"Sinungaling," I muttered as I roll my eyes. "I'm not blushing, you idiot."

Hindi ko inaasahan ang biglaang pagnakaw niya ng halik sa mga labi ko. "Namumula ka," he grinned.

"Paanong hindi mamumula, eh nanghahalik ka bigla?!" Dang. Bakit naman kasi ayaw makisama ng mga pisngi ko. Ang bilis mamula dahil lang sa mga simpleng gesture ng lalaking abnormal na 'to.

"Basta namumula ka pa rin. End of story," he smiled saka ako inakbayan.

"Bakit ang clingy mo?" Hindi ko naiwasan na maging matunog ang pagsusungit.

"Because I want you to be capable of stopping me once I got pissed," he said in a sarcastic tone. "Kapag naka-akbay ako, eh di mahahawakan mo agad ako bago ko pa mabasag ang pagmumukha ng mga gago dito." His jaw clenched.

"Pinagbabawalan mo akong magmura," sabi ko saka siya dinuro sa dibdib. "Pero ako, may parusa once na magmura. Ang unfair mo, ah?" Niyakap ko sa bewang niya ang kanang braso ko, since nasa kanan ko siya. Takot ko lang na biglang manapak si Neo. Ayoko pumasok sa gulo lalo na't wala naman kami sa Pilipinas. "And one more thing," I added with a glare.

"What?"

"I won't let you fight with anyone, arraseo?"

He smiled. "Masusunod, wife."

Umiwas na lang ako ng tingin dahil baka bigla na namang mamula yung pisngi ko. Bwisit. There's something with his smile na pag ngumiti siya sa harap mo, pakiramdam mo dapat mo nang itreasure yung moment kasi napaka-once in a blue moon niya ngumiti.

Nandito kami ngayon sa Namsan Tower. Hindi ko nga alam na seryoso pala siya sa sinabi niyang gusto niyang pumunta rito. Humanap na kami ng table para sa aming dalawa. Hindi na kami nag-abalang mag-dinner habang nag-iikot kami kanina dahil gusto daw niyang dito kami kumain.

"Sa susunod nga wag ka nang magsusuot ng ganyan. Tsk." Nakatingin man siya sa menu, alam kong nakakunot na naman ang noo niya. "Don't you dare disobey me," he added. I just crossed my arms at ngayon ay tumingin na siya sa 'kin. "What?" he gave me a disgusted look.

"Wala kang alam sa fashion," I simply answered while raising an eyebrow.

"Wala akong pakialam sa fashion mo, basta mag-pants ka. End of discussion," he crossed his arms.

"How dare you," I gave him a glare.

"Yeah, I just dared," he smirked. "And wife, don't use that glare to me. It won't change my mind, anyways."

His Man Hater Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon