25 : Jerk

223 17 5
                                    

Keira's POV

He swallowed hard and avoided his gaze. Samantalang ako ay nananatiling tulala at nakatitig sa kaniya dahil sa pinaghalo-halong emosyon. Walang naglalakas loob na basagin ang katahimikan. Basta na lang siyang tumalikod at tahimik na binalikan ang kaniyang sasakyan para paandarin ito paalis. Ako naman ay biglang nakaramdam ng matinding pag-aalala dahil sa isiping nagmamaneho siya nang lasing. Iba't ibang klase ng kaniyang imahe na naaksidente ang patuloy na pumasok sa isip ko na lalo lang nagdulot ng matinding kaba sa akin.

Kaya ng gabing 'yon ay hindi ako nakatulog dahil sa pag-aalala. Damn it, I don't even know why I felt like I need to look over him. Kaya't kinabukasan ay nahirapan talaga akong mag-focus dahil sa sobrang antok. Dahilan para lalo akong mainis sa sarili ko.

Wag mong sabihing nadadala ka sa sugar-coated words niya, Keira?

Hindi ko na alam! Nakakabwisit. Kalahati yata ng araw na 'yon ay nakasubsob lang ako sa lamesa ko para matulog. Nangako naman ako sa team na babawi na lang ako pagkagising ko sa pamamagitan ng pag-over time. Ipinagbilin ko sa kanilang gawin ang kanilang trabaho at kung matatapos sila agad ay iwan na lang sa ibabaw ng lamesa ko ang mga natapos nila para sa araw na iyon.

Nang magising ako ay alas kwatro na ng hapon. At tulad ng pinangako ko ay agad kong sinimulan ang mga nakatambak na trabaho habang sumisimsim ng aking mainit na kape. Binasa kong maigi ang mga gawa nila, para sa presentation ay walang makitang butas. Ipinagpapasalamat ko naman na mukhang nakatulong ang pagtulog ko dahil naging focus na muli ang utak ko sa trabaho.

"What are you doing, babe?" Mahinang tanong ni Paris mula sa kabilang linya. Mukhang susunduin na niya sana ako.

Ang phone ko ay nakaipit lang sa pagitan ng aking tainga at balikat habang inaayos ang nagkalat kong mga papel sa lamesa. "I'm working."

"Matatagalan pa 'yan?"

"Siguro. Ngayon pa lang ako mag-uumpisa eh." Inilipat ko sa kabilang tainga ang phone ko dahil may kailangan akong abutin sa kabilang side ng lamesa.

"What? 5:30 na, ah."

"I'll explain it later. Wait, no." Bahagya akong nag-isip. "Wag mo na pala muna akong sunduin. I think I need to stay until I don't know how many hours more."

Rinig ko ang pagod niyang pagbuntong hininga. "Will you be fine?"

"Yup. I'm sorry, Paris." Nakita ko ang ballpen ko sa paanan ko kaya naman yumuko ako para kunin 'yon. "I'll make it up to you, o....kay?" Saglit akong natigilan dahil pag-angat ko ay natanaw ko si Neo na naglalakad kasama si Rain.

"Hello, babe? Is there something wrong?" He sounded worried.

"Ah...I'm fine." I touched my lip before roaming my eyes around the place. "I'll hang up now. Bye." Pinatay ko na ang linya para tumayo at tanawin kung saan pupunta ang dalawa. They entered Neo's office.

Wow. So may alam pala talaga si Rain?

Tangina, buti pa yung ibang tao may balita sa kaniya tapos ako ay wala? Hindi ko na naiwasang magmura ng ilan pang ulit sa isip ko. Mabuti na lang at umuwi na ang iba kong office mates dahil kung hindi ay nabuntong ko na sa kanila ang inis ko.

Nang pumatak ang kamay ng orasan sa 9 ay saka lang ako nakaramdam ng ngalay. Ang pwet ko ay halos mamanhid na rin dahil sa tagal na nakaupo.

"Ma'am, hindi pa po kayo uuwi?" Gulat na tanong ng janitor ng maabutan niya akong nakatutok pa rin ang atensiyon sa monitor ng gamit kong computer.

Tinapunan ko pa muna siya ng tingin bago muling itutok ang paningin sa monitor. "Saglit na lang."

"Naku, ang sipag niyo naman, Ma'am!" Ramdam ko ang paghanga mula sa kaniyang mga tingin

His Man Hater Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon