33 : Real Master

300 20 20
                                    

Keira's POV

"What happened, tita? Is she really okay?" That's probably Sofie.

"She lost consciousness but she will be fine after taking a full rest." And that's mommy.

"I will apologize in behalf of my daughter, Sofie. Baka nagkagulo kayo habang nasa fitting ng gowns kanina." I'm certain that it's daddy. "Sabi ko naman sayong 'wag nang abalahin ang mga bata." Siguro'y si mommy ang sinabihan niya nito.

Ngayon nga pala dapat ako pupunta para magpasukat ng gown para sa kasal ni Sofie.

"Naku, tito. Tama lang po yung ginawa ni tita."

"I'm sure Sofie will still panic kahit na pagkauwi na ni Kei niyo sinabi ang nangyari, tito." Well, that's Jace.

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at agad na kumirot ang ulo ko dala ng liwanag ng LED lights sa kisame. And there I found them talking just beside the door. Hindi naman ako tanga para hindi ma-realize na nasa hospital ako ngayon. Obvious na 'yon dahil sa amoy ng kwarto at ng suot kong patient's gown.

"Oh!" Nanlaki agad ang mata ni Sofie nang makita niyang may malay na ako. "Siszy naman!" Matulin siyang lumapit sa 'kin at umupo sa silyang nasa gilid ng kama ko.

"Kung tatanungin mo ako, hindi ko naaalala kung kailan ako nag-collapse." Wala pa man ay pinangungunahan ko na siya sa mga posibleng tanong na mabuo sa isip niya. Because it's true, I'm clueless. "Ang huli kong naaalala ay nag-uusap kami ni Neo." Unti-unting humina ang boses ko nang maalala kung paano ang naging takbo ng usapan namin.

"Siya ang nagdala sayo dito." Sabat ni daddy. "He surely is scared seeing you lifeless. You're skin color is pale as a sheet of paper as he brought you here, said the nurses."

"We asked you for how many times kung maayos ang pakiramdam mo, but you insist. Ang tigas kasi ng ulo mo." nagpipigil man ay halatang gustong-gusto na akong pagalitan ni mommy.

"Nothing serious happened. Why bother to be hysterical?" inis kong tanong.

"The thing is, you're two weeks pregnant, Keira." tahimik na saad bigla ni Jace habang seryosong nakatitig sa 'kin na siyang nakasandal lang sa dingding sa tabi ng pinto.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig. "What?" I laugh with no humor.

"You heard me. You're pregnant." Hinila niya pa si Sofie nang makita ang mapapangasawa na hindi mapakali dahil sa mga nalalaman.

"That's impossible." kabado akong ngumiti at wala sa isip na napailing.

"Wala ba talaga?" tinitimbang nang mabuti ni mommy ang ekspresiyon ng mukha ko. I bet that she herself won't accept any of my excuses kahit na ipaglaban ko pa. Dahil ganoon niya ako kakilala.

Dahan-dahan akong bumangon para maupo. Maagap naman akong inalalayan ni Sofie at ipinaglagay pa ako ng unan para masandalan ko. "So spill it, alam na ba niya?" nakakunot ang noong tanong ko. There's no use to deny it. Hindi makakapagsinungaling ang lab tests.

"Ofcourse, he does. Siya ang kausap nang mga doktor matapos lumabas ang resulta ng lab tests." Jace answered calmly.

I'm out of words.

"Anak, it's not just all about you now. You are carrying Neo's baby." nagtitimping saad ni daddy. "At anong ginawa mo these past few weeks? Nagpapakagutom nang hindi mo alam na buntis ka na."

"I want to correct you, it's only my baby." I answered and stressed the word 'my'.

"Inaako ni Neo ang bata. He said that he's the father of the child." sabat naman ni mommy.

His Man Hater Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon