20 : Melancholy

199 12 0
                                    

Keira's POV

"Come on, Keira." Sky ruffled my hair. "Smile, please."

I tried to smile to grant his wish but my smile turned out to be a faint one. Lumamlam ang mata niya ng makita ang pagsisikap kong magmukhang masaya. "I'm sorry." Kusang lumabas iyon sa bibig ko.

I didn't want this day to come. Well, it's my birthday today. To hell with that. Hindi man lang ako makaramdam ng saya. Mukhang naiintindihan naman ni Sky na hindi ko talaga kayang pilitin ang sarili kong kalimutan muna ang lahat ng kalungkutang nararamdaman ko.

Unang linggong wala si Neo ay tuloy ang pagpaparamdam niya sa pamamagitan ng pag-iwan ng ilang messages gamit ang Facebook. Ngunit pagpatak ng lunes ay doon nang nag-umpisang mawalan ng paramdam si Neo. Noong una ay binalewala ko lang dahil pinilit kong isaksak sa isip kong baka naman sobrang busy na niya. Inisip kong baka pag-uwi ko galing sa school ay may makikita na akong mensahe mula sa kaniya, pero wala. Kinabukasan ng araw na iyon, paggising ko ay phone ko agad ang hinanap ng kamay ko at nagmamadaling tingnan kung may mensahe na mula sa kaniya, pero wala pa rin. Inalis ko sa isip ko ang pag-aalala dahil gusto kong intindihin siya. Ganoon din ang nangyari sa mga sumunod na araw. Inisip ko na lang na baka may pakulo ang isang 'yon dahil alam niyang malapit na ang birthday ko.

Sana nga ganoon lang. Sana nga talaga may surprise ka lang...

"Happy birthday, sweetheart." Sabi ni Van na bigla na lang sumulpot sa harap ko nang iwan ako ni Sky. "Yung gift ko nandoon sa table. Yung kulay green ang wrapper." Proud na dagdag niya pa.

"Thank you." Sinikap kong ngumiti. "Enjoy the food." Iniwan ko na siya at hindi na hinintay pang makasagot.

I roamed my eyes around the place. Sa pool area napili nila mommy na ganapin ang handaan. Piling mga tao lang ang imbitado. Dahil hangga't maaari, gusto naming gawing simple lang ang celebration na 'to.

Si Sofie at Jace ay parehong nakalusong na sa tubig at naghaharutan. Bahagya akong napangiti ng makitang mukhang napipikon na naman si Sofie sa kaniyang boyfriend. Si Sky naman ay papunta sa kinauupuan ni Soul. Marahil ay nakita niyang interisado ang mga kaklase kong lalaki sa manager niya dahil sa natural na ganda nito. Naka-two piece na kulay pink si Soul pero nagsuot pa rin ng isang puting denim shorts para mabawasan ang pagiging revealing. Inakbayan ni Sky si Soul na tahimik na umiinom ng tequila, dahilan para mamula ang mukha nito. Napangiwi na lang ako dahil sa pagiging manhid ni Sky. Hindi man lang niya mapansin ang pamumula ng mukha ng kaniyang manager. Tch.

Pumasok na lang muna ako sa loob ng mansion pero hindi ko inaasahang maaabutan kong naghahalikan sa sofa si Rinnel at Yasumi. Halatang malalasing na si Yasumi sa mga halik sa kaniya ng gunggong na playboy na 'yon. Napaiwas lang ako ng tingin no'ng kagatin na ni Rinnel ang pang-ibabang labi ng sunud-sunurang si Yasumi.

What the hell.

Mukhang hindi naman nila naramdaman ang presensiya ko no'ng dumaan ako dahil tuloy lang sila sa kanilang ginagawa. Damn, makakaabot pa ba ang dalawang 'yon sa kwarto? I guess, not.

Dumeretso ako sa kusina para sabihan ang mga maid. "Manang, pakisabihan po ang lahat na hindi sila pwedeng pumasok sa living room."

Takot ko lang kung makakita sila ng live porn doon. Sa bagsik ni Rinnel ay baka hinuhubaran pa lang niya si Yasumi ay tumayo na ang bakal niyang alas. Jusko.

Itong mga nakaraang linggo kasi, mukhang magkakaayos na ang dalawa. Para na rin siguro sa kapakanan ng mga anak nila. Dapat naman kasing mag-settle na sila dahil mas matanda pa ang dalawang 'yon sa 'min ni Neo. Naunahan pa namin silang lumagay sa tahimik. Tch.

Simula no'ng umalis si Neo, napapadalas na ang pagtulog ni Yasumi dito sa bahay. Kapag kasi inaabutan siya ng gabi sa mansion sa kakaalaga kay Ken, hindi na siya pinapayagan pang magmaneho pauwi ni Rinnel. Dahilan niya'y baka mapaano daw ang bata sa loob ng sinapupunan nito.

His Man Hater Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon