29 : Drunk

380 20 8
                                    

Keira's POV

Nag-walk out si Irene dahil siguro sa pagkapahiya. If I was her, I will also leave. That's the natural thing to do. She's disappointed and I can see it in her eyes. She may be strong but I know she's insulted and hurt at the same time. Fuck, why do I even have time to care for others?

Binawi ko ang kamay ko mula kay Neo at pinunasan ko ang sarili kong mukha gamit ang palad ko. I think I left my handkerchief sa table namin nila Paris.

"Are you hurt?" Hindi ko namalayang nakaharap na siya sa 'kin. Ang mga tao ay binalik na ang atensiyon sa kani-kaniyang pagkain.

"Why don't you just follow her?" Gusto kong mairita ng husto sa kaniya pero hindi ko magawa. Alright, kung hindi siya dumating ay baka nagmukha na akong kawawa dito dahil sa bitchy act ni Irene. That's so pathetic of her.

Binalewala niya ang suhestiyon ko. "Don't agree in meeting with her next time." He looked serious.

"Who says may next time pa?" Sarkastiko akong ngumisi bago muling sumeryoso. "Let's not meet again, Neo."

His face hardened. "Fine."

For some reason, nakaramdam ako ng disappointment. Damn it. "Good." Masakit man ay tinalikuran ko na siya.

"In one condition." He suddenly uttered that made me stop halfway. "Let me give it a shot." Mahinahon ang kaniyang boses.

I turned to face him again. He's frowning while staring at me. "What do you want?" I almost stutter.

"Let's meet tomorrow. Same time and place."

Nilabanan ko ang mga titig niya. "Okay, see you."

Bumalik ako sa hotel nang malalim ang iniisip. I am thinking kung paano ko siya haharapin bukas. Parang babaliktad ang sikmura ko dahil sa hindi malamang dahilan. It's like mahihirapan na naman akong huminga kapag nakita ko siya. Just the thought of it makes my heart beat eratically. Bullshit, who says I'm excited? It's not even a date! Damn, I need to pull my shit together. Inis akong bumangon at inalis ang kumot na nakataklob sa katawan ko. Nakakafrustrate! Maging ako ay naiinis dahil sa lagay ng isip ko.

My phone suddenly beeped. I opened my phone and saw that I received two text messages.

From : Paris

You didn't come back. Where are you?

God, I forgot about them! That Neo is really invading my damn mind. I immediately typed a reply.

To : Paris

I'm sorry. I went back to the hotel alone. Are you all on your way back?

Bumangon ako para hintayin sila sa living room out of guilt. Kailan pa ako nag-umpisang mag-space out? Shit.

Nang dumating sila ay inaasahan ko nang kakagalitan ako ng parents ko dahil sa bigla kong pag-alis ng walang pasabi. I understand na nag-aalala lang sila sa 'kin kaya naman tinanggap ko lang lahat ng sermon nila. Maging si Sofie nga ay masama ang tingin sa 'kin. Tch, she learned glaring from Young. That guy, kung ano-ano siguro ang tinuturo niya sa best friend ko!

"Saan ka ba talaga nagpunta?" Tinabihan ako bigla ni Sofie sa kama ko. Nang lingunin ko si Soul at Yasumi, pareho na silang natutulog sa kani-kanilang kama.

"Sabi ko naman masama yung pakiramdam ko, di ba?" 'Yon ang idinahilan ko kanina. That was the most plausible reason and so that's what I told them earlier.

"Masama ang pakiramdam my butt. I know kung kailan ka nagsisinungaling!" She even pushed me a bit.

"Wag kang maingay! Baka magising yung dalawang bata." Pabulong kong asik.

His Man Hater Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon