Keira's POV
Tulala akong nakatingin sa ceiling ng guest room. Oo, dito ko balak matulog hangga't hindi ko pa kayang harapin si Neo.
Am I not worth of his trust?
Bakit hindi niya sinabi agad? Dahil ba gumaganti siya dahil ganoon rin ang ginawa ko nung manonood kami ng game ni Paris? Pero sasabihin ko naman dapat yun eh. Naunahan niya lang ako.
I sighed heavily. Hindi ko na pinansin ang mga tanong ng parents namin no'ng pukulin nila ako ng napakaraming tanong matapos nila akong makitang naglilipat ng tambak na papers mula sa kwarto namin ni Neo papunta rito.
Ilang araw na rin mula no'ng insidente sa company nila daddy. And that means that I haven't seen him for a while. Kung umuwi man siguro siya ay hating gabi na kaya hindi man lang niya kami maabutan na kumakain tuwing gabi. Siguro ay ganoon talaga siya ka-busy. Minsan ay gusto kong makunsensiya dahil hindi ko na nagagampanan ang pagiging asawa sa kaniya. Pero agad rin nawawala ang pag-aalala sa tuwing rumerehistro sa utak ko ang ilang scenes kung saan pinagsisilbihan siya ng sekretarya niyang humalik sa kaniya.
Tch. Magsama sila.
Ang totoo, wala akong maramdamang kahit na ano. Hindi ako naiinis, at wala rin akong pakialam sa mga nangyayari sa paligid ko. Kanina noong kumakain kami sa baba ay mabagal pati ang pagnguya ko. Hindi dahil sa gusto kong abutan ako ni Neo na kumakain pa at para masabayan niya ako. No, that's not it. Wala lang talaga akong enerhiya para intindihin man lang ang naging lasa ng kinakain ko.
Kaya niya akong tiisin. At wala nang nakakapagtaka doon. Dahil si Neo siya. Ganoon ang ugali niya.
Patuloy sa paglalayag ang isip ko ng may biglang kumatok sa pinto. Si Rinnel na nakasandal ang palad sa pinto at nakakunot ang noo.
"LQ?" nakakaloko ang ngiti nito.
"Go away. " mahina kong pakiusap.
"Bangasan ko na ba?"
"May alam ka ba para magsalita ka ng ganiyan?"
"Sayo na nga ako kumakampi, inaaway mo pa 'ko." lumabi pa ito.
"Sinabi ko bang kampihan mo 'ko?" inis na singhal ko.
"One sexy night a day keeps LQ away."
Nanglalaki ang mga mata akong napatingin sa kaniya. Proud na proud itong kumindat at saka lang tumawa ng malakas.
"So, routine niyo pala 'yan dati ni Yasumi?" I smirked. Agad naman siyang sumeryoso.
Bull's eye, Keira.
I smiled to myself evilly.
"Pakialam mo?" masungit na sagot nito pabalang.
Walang duda, may dugo ka nga ng Park.
Ang susungit ng lahi niyo. Tch.
"Gusto mo bang ibalik ko sa 'yo ang sinabi mo?" I sarcastically asked. "Hindi ba ikaw itong basta na lang pumasok at nakiusisa?"
"Susumbong kita kay insan." he even stuck his tongue out.
Like, what the hell?
"Para kang bata!" my eyebrows furrowed. "Si Ken na lang ang intindihin mo. Chismoso." dagdag ko pa bago ang umirap.
"Is he asleep?" biglang naging malamlam ang mata niya.
I nodded. "Binantayan ko siya hanggang sa makatulog siya."
Hindi ko maintindihan ang problema nila ni Yasumi. Pero sana naman wag nang madamay pati ang anak nila.
"Pwede na pala eh." Natigilan ako sa pag iisip at napabaling kay Rinnel.
BINABASA MO ANG
His Man Hater Wife
RomanceNOTE : You can actually understand the flow of the story even without reading the book 1. Thank you. ~*~ The story of Neo Kryzyl and Keira Deanne continues as husband and wife. They will encounter problems, but how would they face those? Sila pa rin...