Sir, You’re Mine – Chapter 3: Flashbacks
/ Rebecca’s POV /
Kinabukasan, pinuntahan ko talaga ‘yung schedule ng only Values Education class na meron sa mga sandaling ito. Nagmamakaawa na talaga ako sa lahat ng pwedeng makarinig sa akin na ‘wag sanang magkaroon ng kapahamakan. Knowing na si Chloe ang magiging professor ko, gusto ko nang magbigti ng buhay. Sino ba kasing nagpauso ng kamalasan? Gusto ko ring sisihin si Pandora at ang kanyang Box. (Me masisi lang).
Habang naglalakad ako sa corridor, napapaisip talaga ako eh. Bakit kailangang may back subject ako. Bakit kailangan kong balikan ‘yung subject na Values Education. Makakapagturo naman ako kahit hindi gano’n kaganda ang grade ko sa subject na ‘to ah.
“Miss, Sorry,” sabi ng isang batang mukhang freshmen na may salamin at naka-bag pack.
“P-Pu---“ bago ko pa masabi, “Wala ‘yun,” tapos napatingin ako sa babae. Teka, pamilyar. “Ikaw ba ‘yung secretary ng Debate Club?”
“R-Rebecca? Uy Ate. Ikaw pala ‘yan. Changed woman ka na ah! Hindi na itim ang aura mo,” :) siguro may sarcasm sa pananalita niye.
“Well. Ano nga ulit pangalan mo?” Siya kasi ‘yung babaeng hindi ko maalala yung pangalan. Kasamahan ‘to nina Arnold eh. Kwan… Hmmm…
“Denise! Denise na lang ang itawag mo sakin,” medyo singkit ang mata niya, May salamin at bangs? Nerd.
After ten years ngayon ko lang naalala ang pangalan nito. Jusme. Ilang buwan na talaga tsaka ko lang natanong. Oh siya. Denise. Denise. Hindi ko nakakalimutan ‘to. Uhmm…
Nagpaalam na siyang pupunta muna sa CR. Ako naman, naglakad papunta sa room na nakasulat sa index card na hawak ko. Habang naglalakad… Naalala ko ‘yung happy moments namin ni Rye. Kaso, gag* kasi ‘ung lalaking ‘yun. Hindi ko rin magets kung nagpapakateacher o nagpapakamalandi talaga.
October 15… Ito ‘yung araw na nagcool off kami for one month. Pang-30th day na kahapon. Eh. Kwan. Kasi naman, papanong hindi ka magseselos kung kahit pati sa apartment niya, hindi matapos-tapos ang pagpapadala ng libreng ulan, food delivery, at sandamakmak na chocolates at bulaklak? Sino bang hindi magseselos.
Flashbacks:
“Kelan ba kasi titigil yang pagdating ng mga pagkain, chocolate, at bulaklak na ‘yan!” sigaw ko.
“Bek. I’m telling you, it’s nothing. Galing lang talaga sa mga estudyante ko ‘yan after I gave them tutorial. Parang hindi naman Education ang course mo. Sana naman naiintindihan mo. Napaka-selfish mo kung gusto mong iyo lang ako,” nakatayo siya sa harapan ko. Ako nasa may tapat ng pintuan niya, sa tapat mismo ng mga packages para sa kanya.
“Yan. D’yan ka magaling, ang ipamigay lahat ng parte mo. Tutor ha! If I know, kasabay ng tutorial na ‘yan ang mga simpleng pagpapa-cute mo sa mga estudyante!”
“Sh*t Bek! How could you think of that? Ni minsan, hindi ko ginawa ‘yan. At sana ‘wag mong isiping niloloko kita. Kung hindi kita nasisipot sa date natin, it’s because of a valid reason. I hope you don’t mind,” he said.
“Nakakasawa. Ilang buwan pa lang tayo. You even ask me to marry you. Pero, tignan mo kung anong nangyayari. Hindi ka na nagkakaroon ng time para sa akin,” at tuluyan ng tumulo ang mga luha ko.
BINABASA MO ANG
Sir, You're Mine. FINISHED
RomancePG13. Nagsimula ang RIOT nang may isang babae ang nagsabing, "Sir, You're Mine." | Sir, You're Hot Book 2 | Not your ordinary student-teacher affair :) AVAILABLE IN NBS :)