Sir, You're Mine 55: Isang Linggo

3.7K 59 10
                                    

Kahit nasaan ata ako pumunta, laging nakasunod si Railey. Papa'no naman kasi, pumayag ako sa one-week na tawad niyang liligawan niya raw ako. Nakakainis kasi 'yung tanong na "Do you still have feelings for me?" Ayoko nang ganoong klaseng tanong, nahihirapan ako magsinungaling.

Natapos na ako mamili ng gamit sa supermarket. Dumiretso naman ako sa bahay para magpahinga. Nakasunod pa rin siya. Hindi ko maisara ang pinto dahil tahimik lang siyang nakatayo roon. Nakatayo siya habang ang mga kamay ay nasa bulsa ng pantalon niya.

Nag-iba ba ang mukha ni Rye, o nag-iba dahil mas matagal ko siyang natitigan ngayon? Sobrang na-miss ko 'yung mukhang 'to. Na-miss ko lalo ang may-ari ng katawang nasa harap ng pinto.

"Papapasukin mo ba ako o hindi?" tanong niya na gumising naman sa akin.

"Pumasok ka kung gusto mo," matabang kong sagot.

Papapasara na ang pinto, pero pinigil niya ito at hinawakan ang door knob. Hinawakan niya ito kahit habang hawak ko pa yung door knob. Nakakawindang 'di ba? Parang nakuryente ako, Rye. Parang bumabalik na naman 'yung alaala ng una nating pagkikita.

Hinawakan niya nang mahigpit ang dalawa kong kamay.

"Bec, I miss you."

I miss him, pero hindi ko kayang sabihing "I miss you, too." Parang may kumakabog sa dibdib ko sa tuwing sasabihin ko 'yung I love you, at I miss you.

Parang laging may masamang mangyayari.

Hawak niya pa rin ang kamay ko, hinila niya ako papalapit sa kanya at niyakap.

"Bec, I want you to be mine again. If you'll only give me chance, I won't let you go."

Nangilid ang luha ko. Napahigpit rin ang yakap ko sa kanya.

"Railey, I can't answer you right now because I know something must heal first."

Niyakap niya lang ako nang mahigpit at sumagot, "It's okay, Bec, I am hoping for the best."

***

Sa totoo lang, hindi ko rin talaga maaasikaso masyado 'yung feelings ko ngayon. Parang pagkauwi ko galing sa Singapore, nabuksan 'yung mga mata ko sa reality. Reality na ang tanga-tanga ko pala ever since. Na simula pa lang ng ibinigasak ko 'yung mga subjects ko before, sinasayang ko ang buhay, oras, at resources ko.

Sobrang lutang ko lately. Napatingin na lang ako sa mga magulang na naghahatid ng mga anak nila. Papasok sila ng room at ako, tulala lang.

"Teacher, iwan ko na po si Dylan ha?" sabi ng isang Tita na palabas na sa room. Siya 'yung Tita na halos araw-araw atang nakasuot ng may color pink sa damit.

Mayamaya, dumating si Railey. Hatid niya 'yung pamangkin ni Chloe. Patakbong pumasok ang bata. Nakasunod naman si Railey.

"Hello, Teacher Rebecca," sabi ng bata.

"Hello, Teacher Love, este, Rebecca," baliw na singit ni Railey. "I mean, Teacher Rebecca. It's nice to see you again," sabi niya sabay kindat.

Nako. Napaka-book 1 ng ganyang gesture. Hindi na ako madadaan sa ganyan this time.

I said "Hi!" lang and goodbye, after. Dumating na halos lahat ng bata sa klase. Lumabas na ang mga guardian nang maihatid na nila ang kanya-kanyang bata. Lumabas si Railey. Pero dahil mababa lang ang bintana ng classroom namin, natatanaw ko pa rin na naghihintay siya sa labas.

Nakasuot siya ng pulang polo, at brown na pants. Ang lakas lang maka-JS prom. Well, nadadala niya naman.

Nasa harap ako nang lapitan ako ng pamangkin ni Chloe.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 13, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sir, You're Mine. FINISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon