Roxanne’s POV
Friday na ngayon. Klase na naming with Sir Jael. Naglalakad na ako papuntang room at sobrang excited na akong pumasok. Gumising ako ng isang oras na mas maaga para makapag-ayos ng maigi. Actually, may light make up ako today. 7:30am ang klase ko kay Sir Jael, kaya kailangan umaga pa lang, fresh na. Hindi ko maiwasang hindi magpaganda.
Nasa FX na ako ngayon. Nasa may upuang katabi lang ‘yung driver. May bakante pa sa tabi ko, pero umalis na sa pila si Manong. Umandar na kami. Ang aga ko siguro makakarating ng school dahil medyo madilim pa. Wala pa nga halos tao eh. Kaya siguro, konti pa lang kaming pasahero.
Maaga ako nagising, kaya hindi ko maiwasang hindi makatulog sa byahe.
*After 20 minutes*
Hindi ko alam kung panaginip ba ‘to. ‘Yung tipong, hala katabi ko na si Sir. Pero, siguro panaginip lang talaga ito. Kaya lang, nag-zoom in ang mga mata ko sa katabi ng maamoy ko pati pabango ni Sir. Ahumm… Sobrang ang swerte ko naman kung si Sir ito.
“S-Sir… Good morning,” sabi ko.
“Good morning,” nakatingin siya sa may side mirror nang sinabi niya ‘yon,”
Ang sarap pala ng pakiramdam kapag kasama mo ‘yung inspirasyon mo no? Sa sitwasyon ko ngayon, katabi ko siya. Hindi dahil uso ang cliché na scenes sa isang kwento kundi dahil uso ang salitang, destiny. Nakikiayon na talaga ang tadhana para sa amin ni Sir Jael. Ang lapit na lang naming sa isa’t isa. Literal nga na dikit eh dahil medyo maliit na rin ang space sa may harapan.
“May klase pala tayo, right?”
“O-Opo,”
Kung makapag-open naman ng topic si Sir, biglaan. Bumubungad tuloy sa akin ang napakakinis niyang mukha. Gusto kong kurutin ‘yun eh. Para bang, wow, he’s more than an angel. Ang bait pa ni Sir.
Pagkatapos ang ilang minute, narealize kong nasa school na pala kami. Iaabot ko n asana ‘yung bayad ko, kaya lang, nag-abot na si Sir ng 100php sa driver.
“Dalawa ‘yan,” at tsaka ko siya nakitang nagbukas ng pinto. “Bye,” senyas niya lang sakin.
Mabilis maglakad si Sir, kaya hindi ko na binalak na sumabay sa kanya papasok ng school. Pero, ayos lang ‘yun eh. Dahil hindi naman siya dahilan ng pagpasok ko sa school. Inspirasyon lang. :)
Pagpasok ko ng school, sinenyasan ako ng katabi ko, “Ayeee. Mukhang blooming ka ngayon ah.”
At napangiti lang ako sa sinabi niya.
***
/Rye’s POV/
“Our IGP for our Founding Anniversary would be CoED Got Talent w/ a Twist. (College of Education= CoED)" ” our Faculty Head Teacher said. Si Ma’am na masungit.
“Ma’am, what’s the requirement for this pageant? What’s the required age?” someone asked.
“Teachers less than 30 years old. So, hindi ako kasali,” joke niya ata ‘yun that’s why some teachers laughed.
“Ma’am, who will be the contestants for this fund raising activities?” another teacher asked.
“Good questions. The representatives would be Sir Rain, Sir Jael, Sir Rye---“ I forgot to listen to Ma’am after hearing my name.
“Sorry Ma’am, but I won’t be joining any contests,” I declared.
“Sir, sumali ka na, dahil we assume na marami kang supporters,” my co-teacher said.
“He’s right,” at nakita ko si Ma’am na nakangiti na parang namamlastic. “So, may pitong contestants for this show. Puro male teachers. All you have to do is to think for a talent, and prepare for some formal wear. There are already assigned sections who will help you. Good luck Sirs,” and after saying these, she went out.
“Look who would be fighting for the crown,” sabi ni Anna. We’re on the same table with my brother. Sir Jael, is on the other table.
“Hahahaha. Hon, for sure, ako na ang mananalo. Ako ang mas matanda kay Rayling, at mas gwapo na rin,” at tumingin siya sa akin.
“Stop that. Wala nga kong interest na sumali do’n. I might just mess up. In fact, I’m too busy. Ang dami ko pang dapat gawin,” I said.
“Sir Rye. Sali ka na, tutulungan na kita sa formal wear at kahit anong kailangan mo,” Chloe.
“Bakit pala si Sir Rye lang ang may supporters? Paano naman ako?” Pa-joke na sinabi ni Sir Jael. Actually, he’s smiling at us even though na si Chloe lang ang kasama niya ngayon sa table.
“Sir Jael, I think sinali ka lang dito para may panabla sa amin ni Rayling,” Kuya Rain said.
We all laughed.
Bakit ayaw kong sumali? Dahil may speech pa ako next Tuesday. Pangalawa, dahil may kailangan pa kong ayusin. At pangatlo, kailangan ko pang isipin kung papaano ko tutulungan si Chloe. Even though she seems to be strong, she still has an Achilles heel. Kailangan niya rin ng suporta.
I am now stressed. Next week na agad ang start ng contest.
***
Sorry for the late UD. Sorry maikli lang. Patawarin niyo na kasi ako. Huhuhu. Sali kayo ng group. :) Click the external link <3 <3
BINABASA MO ANG
Sir, You're Mine. FINISHED
RomansPG13. Nagsimula ang RIOT nang may isang babae ang nagsabing, "Sir, You're Mine." | Sir, You're Hot Book 2 | Not your ordinary student-teacher affair :) AVAILABLE IN NBS :)