Rebecca’s POV
“Kilala mo ba si Sir Rye?”
Hindi ko alam kung papaano ko sasagutin ‘yung tanong ng kasama ko sa room ngayon. Siya si ateng nag-welcome sa akin noong mga panahong naliligaw at nag-aapply pa lang ako. Tsaka, bakit Rye ‘yung tawag niya kay Ate? Hindi ba parang ako lang tumatawag kay Railey noon? Bakit ngayon… Naging public domain na na ang private na tawag ko sa kanya?
“Friend. Malayong kaibigan lang po. Issue kayo ate,” biro ko sa kanya habang nagsusulat ako ng mga lesson at notes ko para bukas. Tapos na ang klase, so, nagpapanggap akong may ginagawa para matapos lang ‘yung oras ko.
“Iba na talaga ang henerasyon ngayon, hano? Malayong kaibigan pala ‘yung araw-araw hinihintay pauwi, at sinasabayan pang kumain. Mga bata talaga,” halos mapailing si ate nang sabihin niya ‘yon. Nakakahiya naman at concern siya ‘di ba? Parang gusto ko na nga siyang barahin. Paki niya ba? Hanap na lang siya ng sa kanya.
“Ayos lang ‘yan te. Hashtag hugot ka po ah,” joke ko ulit. Sana tumigil na siya kakausap sa akin about him.
“O siya. Lalabas na ako nang makapag-usap na kayo. Kilig much,” ang makulit na pagpapaalam niya sa akin. Bakit ba ang dami niyang alam? “Pero kung ako sa iyo Teacher, ‘wag mong paasahin ‘yung mga taong alam mong umaasa. Baka kasi sa huli, ikaw pala talaga ang umaasa.” Hinto. “Ang gulo ko no? Pabayaan mo na. Ingat sa pag-uwi Teacher.”
Sa pagsara ni ate ng pinto ay siya namang pagbukas muli nit gawa ni Railey. Kasama niya si Jian. ‘Yung kamag-anak ni Chloe. Naiinis na talaga ako. Tantanan niya nga ako ng kalokohan niya sa buhay. Hindi ako magseselos. Never. Manhid na ako. Manhid na manhid.
“Good afternoon teacher,” bati ni Jian. Syempre, wala akong ibang choice kundi ngitian ‘yung bata. Tsaka napansin ko, napangiti rin si Railey sa akin. “Kasama ko po si Tito Railey kasi Tita Chloe can’t meet me today.” He frowned. Pati ba bata kailangan inisin ako? Naiinis na ko. Promise.
Napailing na lang ako eh. Ipinamudmod ba talaga ni Chloe ‘yung idea na nakakainis siya? Yung tipong wala siya, naiinis pa rin ako sa concept ng existence niya? Sobra na ata to.
“Good afternoon beautiful teacher Rebecca.”
Wala ng effect ang pagpapakilig mo, Railey.
“Good afternoon, too.” Ang plain ng sagot ko.
“Pwede na bang magsimula ang isang linggong hinihingi ko?” tanong niya.
“Bahala ka,” sagot ko.
Nahintay ko nang umuwi ang lahat ng mga bata ko. Pero may isang bata pa pala sa tabi ang hindi umuuwi—si Railey. Nakaupo pa rin siya sa may waiting area at tila naghihintay ng something. Ewan, hindi ko naman direktang sinabi na hintayin niya ako, pero hinihintay niya pa rin ako. Ang gulo niya kaya, sobra. Pero, kung bibigyan ko man siya ng isang linggo… Hmm. Sige na nga, wala naman nang mawawala kung mabigyan siya ng isang linggo. Kainis.
“Sabayan na kita,” sabi niya.
“Dadaan pa akong supermarket. Bibili akong toiletries. Sigurado kang sasama ka?” tanong ko ulit.
BINABASA MO ANG
Sir, You're Mine. FINISHED
RomantizmPG13. Nagsimula ang RIOT nang may isang babae ang nagsabing, "Sir, You're Mine." | Sir, You're Hot Book 2 | Not your ordinary student-teacher affair :) AVAILABLE IN NBS :)