[Author's Epal Note: Ito na 'yung mahaba. Sorry. Huhuhu. I'll try my best to make it longeerrrr. Errr. Enjoy reading po! <3]
Rebecca’s POV
“Ate Bec, wala raw pong klase ngayon.”
“Sige salamat,” sagot ko.
Minsan lang ako pumasok ng thirty minutes na mas maaga. Klase kasi ‘to ni Ma’am Chloe kaya kailangan kong higitan ang depinisyon ng isang mabuting estudyante para lang magmukhang maangas sa harapan niya. Actually, nakakainis pa rin na walang klase kahit gusto ko rin at the same time. (Ang gulo noh,) Ayokong may klase dahil ayokong makita si Ma’am Chloe. Gusto ko na may klase dahil sayang ang suot kong black dress ngayon. May collar pa naman kaya mukha talaga akong mabait. Hindi rin hapit sa katawan ‘yung suot ko, kaya mas mukhang mabait. Ang medyo weird (para sa iba) eh nagsuot ako ng black na converse ngayon. Nadala na ko sa sinuot kong heels last time.
Thirty minutes ago, gumawa ako ng pahabol na assignment. Thirty minutes ago, ako lang ang nasa loob ng room. Kaya lang, ngayon, wala na palang klase. Sayang, nakalabas na ang scratch paper ko para ibato kay Chloe mamaya, I mean, para pagsulatan ng ididiscuss ni Ma’am Chloe mamaya.
Maya-maya, pumunta ‘yung medyo mataba kong kaklase sa harapan. Siya rin yung kumakausap sa akin regarding sa mga nangyayari. Well.
“Classmates, kailangan raw nating pumunta sa St. Peter and Paul’s Hall para um-attend ng Opening Program ng Anniversary ng College at ng English Club. Dun din raw ako mag-attendance sabi sa text ni Ma’am Chloe. Hahanapin niya ‘raw tayo ‘ron,” at hawak niya ang cellphone niya while explaining.
“Excuse me, lahat ba ng estudyante, nando’n?” tanong ko.
“Hindi po… Education students lang po ang kasama,” sagot niya.
Pagkatapos ng mga paliwanag, isa-isa nang nagsilabasan ang mga kaklase ko. Nahuli akong lumabas dahil una, ayoko pang umalis. Kadalasan naman kasi sa mga program, thiry minutes ang late bago magsimula. Di ba? I’ve been there, kaya medyo alam ko na. (And now, I’m still here. Argh.)
Habang mag-isa pa rin ako sa classroom, may isang group ng mga estudyante na maingay na nagkukwentuhan. Nakita ko agad si Roxanne. Lalapit sana ako, kaya lang, kasama siya ng mga classmates niya. Nakakahiya namang lumapit. Mukha naman silang masaya, and the like. With matching tawanan pa ng malakas.
Ay. Napa-ub-ob na lang ulit ako sa desk ko. Naghihintay ng milagro na sana biglang mag-announce ang presidente ng school na maraming mangyayari kaya cancelled na lahat ng klase. Anyway, mukhang imposible naman din kaya hindi na ako umasa.
Kaya lang wala talaga.
Okay, Rebecca. I think kailangan ko na talagang tumayo upang pumunta sa Hall na sinasabi nila. Mukhang open pa naman ang registration and the like, so pupunta na rin ako. Kahit, sobrang tinatamad na ako at feeling ko ten years ang layo no’n mula sa classroom ko ngayon.
Enough with the talks.
Dinala ko na ang bagpack ko and pormal nang naglakad patungo sa pupuntahan. Actually, malaki kasi ang campus naming kaya medyo malayo-layo rin ang lalakarin ko. Bakit ba ako maraming dala? Secret.
BINABASA MO ANG
Sir, You're Mine. FINISHED
RomancePG13. Nagsimula ang RIOT nang may isang babae ang nagsabing, "Sir, You're Mine." | Sir, You're Hot Book 2 | Not your ordinary student-teacher affair :) AVAILABLE IN NBS :)