12: Ehem.

19.4K 247 26
                                    

Rebecca’s POV

Wala akong pasok ngayon. Dapat nga wala na talaga eh. Nakahilata na lang muna ako sa bahay. Kasama ko na nga pala si Mama sa bahay. Umuwi muna si Mama from Singapore dahil humingi siya ng one-month vacation sa amo niya. Ayos talaga. Laging masarap ang ulam ko, dahil nakakasawa na ang cup noodles na kinakain ko.

“Rebecca! Wala ka bang pasok ngayon?” sigaw ni Mama.

Nasa kwarto lang ako sa second floor. Si Mama naman, mukhang nagluluto sa baba. Nasabi ko na sa kanya ‘yung nangyari sa amin sa school kaya hindi ko pa makuha ‘yung TOR ko. Sabi niya no’n, sana naman daw maayos na kaagad. Mukhang excited si Mama na makahanap na ako ng first job. Naku.

“Ma. Wala! Huwebes pa lang po ngayon!” sigaw ko pabalik. Actually, pareho na nga kaming palasigaw ni Mama. May pinagmanahan.

Pagkatapos kong matulala sa cellphone ko kakaantay ng text ni Rye, nagpasya na akong tumayo. Ay nako. Nakakainis naman kasi hanggang ngayon. Naaalala ko pa nung last Tuesday na hinila niya ako sa backstage.

Flashback

 

Nagmamadali na ako no’ng lumabas nang Hall nang biglang hinatak ako ni Rye sa loob ng backstage. “Rebecca, sandali,” bulong niya.

May mangilang-ngilang estudyante ang nakapansin. Bagamat lahat sa kanila eh dedma na lang dahil last sem pa naman eh nagkakalat na ako ng lagim sa eskwelahang ito. Nakatingin pa rin sila samin. Siguro, 1/3 ng mga nasa loob kanina ang naiwan pa sa loob.

Hinarap ako ni Rye. Ngayon, nasa loob na kami ng backstage. May dalawang kwarto roon. Minsan kasi, nagiging dressing room ‘yung likurang bahagi sa tuwing may programa sa school. Nasa isa kami sa mga kwarto. Ang tanging nando’n lamang ay kaming dalawa ni Rye. Alam kong may iba pang tao noon—yung taga-ayos ng sound system.

“Rebecca. I barely have enough time to talk with you. I admit. Maraming beses ko namang sinubukan. Kaya lang, palaging may harang. I don’t know. Pero alam kong kailangan kong mag-sorry. Sorry kung pati ‘yung pag-uusap natin ngayon, patakas lang. Sorry. Sorry dahil—“ hindi na tinuloy  ni Rye ang pagsasalita niya. Marahil ay napansin niya nang hindi ako masyadong nakikinig.

“Alam mo Rye. D’yan ka magaling eh. Sa mga salita. Kulang kasi ‘yung words eh. Kailangan ko ng action. You keep on saying sorry. Ang kailangan ko, uulitin ko ha, ikaw mismo. Kung hindi ka makahanap ng oras man lang para sa akin. Fine. Hayaan mo muna ko,” ito ang mga salitang binitiwan ko. Tuluyan na kong umalis para iwanan siya. Mahirap nang magtagal sa backstage na siya lang ang kasama. Mahirap nang isipan na naman ng masama.

*End of flashback*

Wala naman akong pinagsisisihan sa ginawa ko kagabi. In fact, mas mabuti sa kanya ‘yon. Makikipagkita siya sa akin para mag-sorry? Napaka-selfish. Ayoko nang ginagano’n lang ako. Sasabihin niya pa na puro sorry. Sorry. Sorry!

Bakit nga ba hinihintay ko pa ang text niya? Eh mukhang mas malabo pa kami sa plastic labo ngayon. Tch.

Habang nakatingin ako sa kisame ng kwarto ko (actually, may stars rin palang nakadikit do’n na umiilaw tuwing gabi), naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko. Namaaan! Alam kong hindi si Rye ‘to.

Sir, You're Mine. FINISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon