11: Contestant #6

19.4K 240 19
                                    

Roxanne’s POV

“Classmates, I have an announcement,” sigaw ni Pamela, na presidente namin at ng English Club na rin.

Tumahimik ang lahat nang marinig siya. Lahat naman ng may ginagawa, huminto. Strikta kasi si Pamela kaya naman wala kang ibang magagawa kundi ang sumunod sa sasabihin niya. Ultimo kalat sa labas ng classroom naming eh ipapapulot niya pa. OC kasi siya masyado, gusto niya, lahat ng pinamamamahalaan niya sa classroom at sa school, ay nasa ayos. Miski ako, kinakabahan kapag nagsasalita siya.

“Classmates. Wala raw po tayong klase ngayon dahil preparation kasi ng mga teachers natin para sa darating na contest sa Friday. Ituloy na raw muna natin ang reporting at magkakaroon raw ng quiz pag bumalik na sa normal ‘yung schedule ng classes. Class officers, tutulungan rin nga pala natin si Sir para sa program,” sabi ng president ng classroom namin.  Nakatayo siya sa harapan.

Isang umagang wala si Sir Jael: napakalungkot.

Nang magiging assistant ni Sir Jael: napakasaya.

“Ako! Ako! Isama niyo ko d’yan! Promise, lahat-lahat na iko-contribute ko,” sigaw ko.

“Oo Roxanne, kasama ka talaga,” sagot niya sa akin. “How about our officers na guys?” dugtong niya.

Walang nagtaas ng kamay. 80% pa naman ng population ng classroom officers ay lalaki. Kung hindi sila sasama, malamang kaming dalawa lang ni Pamela ang tutulong kay Sir. Okay pa rin :3

“BAKIT WALANG NAGTATAAS NG KAMAY!” at sabay ang bagsak ng dalawa niyang mga palad sa teacher’s table sa harapan. Kung tahimik kanina, mas napatahimik pa ang klase namin ngayon.

Pagkatapos nang tanong niyang ‘yon, lahat na ng mga lalaki ay nagsitaasan na ng kani-kanilang kamay. Automatic na nagsitaasan. Nagtataka nga ako kung papaanong nagagawa ni Pam ‘yun sa mga kaklase namin. Wala talaga sa itsura niya ang pagiging maton niya.

“Good,” sabi niya pa. Sinenyasan niya na rin ang mga classmates naming na ihanda na ang gagamitin para sa reporting. Lahat nagmamadali dahil takot silang mapagalitan ni Pam. “Pst. Roxanne. Halika na,” tawag niya sa akin.

Lumabas na kaming mga officers ng section namin. Habang papalabas, hindi pa rin tumitigil sa pagsasalita si Pam. Kesyo, kami raw ang advisory class ni Sir Jael at kailangan talaga naming siyang suportahan dahil kailangan. O ‘di ba, ang gulo lang?

Habang papalakad kami, nakita rin naming ang supporters ni Sir Rye. Like, hello? Nauna kasing magturo rito si Sir Rye kaya for sure, established na talaga ‘yung mga supporters ni Sir.

Isang dosena sila. Puro babae, may isang gay. May dala-dala silang cartolina at ikinakalat sa buong floor ng college namin. May voting na magaganap sa may pinakamaraming supporters. Syempre, todo effort sila para ‘run. Napansin ko, lahat sila nakasuot ng damit na color pink.

“Pam, kasama ka ata nila,” sabi ng isang officer na kasama namin.

Hindi sumagot si Pam eh. Namula. Well. Mukhang member kasi siya ng club para kay Sir Rye. Hindi ko naman siya masisisi, dahil ang hot ni Sir. Going back, kailangang si Sir Jael ang suportahan niya.

Sir, You're Mine. FINISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon