16: Challenge Accepted

18.3K 224 15
                                    

Author’s Note: Hindi ko alam maglagay ng dedication para sa maraming tao. Gusto ko lang sabihing dinededicate ko ang chapter na ito kina: @akoaymatapang, @AlexandriaPostrana, @akirara, @GirlWithYellowRibbon, @jho_ikara, @YoureGuardianAlien, @littlexibi @OuiSel, @Chanyeal, @iamelaine11 at kay @tgwcbm. Ito ay para sa limited offer na ginawa kong status dito sa wattpad. Ngayon ko  na dinedicate, baka magkalimutan.

Last AN. Pafollow sa instagram! XD First time. theweirdapple username ko. Di ko na ieexplain. Labyu! Ang groups po natin sa facebook ay matatagpuan pa rin sa External Link. 

Rye’s POV

On my way to school, iniisip ko pa rin ang nangyari last Friday. I wonder why Chloe is really clingy. As a guy, ramdam naman naming kung may gusto ang isang babae sa amin eh. Their actions are already proof for that. It’s just that, medyo awkward lang dahil si Chloe ang involved.

Last week, nagulat rin kami sa pagkahimatay ni Chloe. Buti na lang merong nakaantabay na Medics Team sa labas ng St. Peter and Paul’s Hall. Wala na rin masyadong tao kaya madali naming siyang naitakbo sa maliit na space na kinalalagyan ng mga volunteer medical team para sa event na ‘yon. Inexpect siguro ng admin na maraming tao talaga ang pupunta kaya naging handa talaga sila.

Wala siyang malay. Ako rin ang nagbuhat sa kanya papalabas ng hall. Good thing is prepared talaga ang mga tao that day. Nabigyan agad si Chloe ng paunang lunas para sa nangyari sa kanya. Nagkaroon rin siya ng malay matapos ang insidente. Pero I insisted na umuwi na siya that night upang makapagpahinga. However, she insisted na ihatid ko raw siya. I did. Naawa naman ako sa kanya. Ang dami niya nang iniisip at ayokong magkaroon rin siya ng sakit sa mga ganitong panahon.

Naalala ko pa ‘yung itsura ni Rebecca nang ipaalam kong ihahatid ko siya. Hindi siya sumagot ng payag siya o hindi. I just told her na ngayon lang naman ‘to dahil baka kung anong mangyari kay Chloe. Umalis akong hindi inaantay ang sagot niya. I know, it sucks pero sa mga panahong ‘yon I really need to help Chloe. Ayokong maging dahilan ng pagkakasakit niya.

Sumakay kami sa taxi para mas mabilis. Mabuti na lang nakatawag agad sila ng taxi papalabas naming mismo ng hall. That night, maraming tao sa labas no’n. Maraming nakiusisa. Inaalalayan ko kasing maglakad si Chloe. Hindi iyon sobrang emergency pero parang gano’n na rin. Ang gulo. Siya kasi. Kahit nasa loob na kami ng taxi, isinasandal niya pa rin ang ulo niya sa akin. Inintindi ko na lang ‘yung tao.

“Ayos ka lang?” I asked her.

Nakapikit siya at patuloy sa pag-iyak. Sobrang sakit raw kasi ng ulo niya. Hindi pa pala siya nagtatanghalian. Pinagalitan ko siya at pinaalalahanan na ‘wag magpapalipas ng gutom. She just nodded without saying any word.

“Baka magselos si Rebecca,” she said.

“Magseselos talaga siya pero later ko na lang ipapaliwanag. Nakakapag-alala ka kasi. Ano bang nangyari sa’yo? Ni hindi ka man lang nagsasabi ng nararamdaman mo. Don’t—“

“Tumigil ka nga Rye. Para kang ‘yung ex ko. Lagi niya kong pinapagalitan. Konti na lang gagawin niya na kong robot niya at nasa kanya ang remote. Bakit ba ganyan kayong mga lalaki? Ang concern niyo.. Konting kibot, ganyan.” sinabi niya.

Sir, You're Mine. FINISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon