Midseason Finale (Char). Kung ang American Series may ganito, syempre, SYM rin. Hanggang dito na lang muna as of now. Seryoso na ko. Kailangan ko na siyang i-edit para sa kinabukasan ko. Chos. Pero sana, 'wag niyong kalimutan si Sir Rye at Rebecca. Kasalukuyan lang namang malelate ang UD, pero hindi mawawala. Iwillalwaystrytofindtimetowriteanupdatehindikolangalamkungkelan.
Tweet me your feedbacks @imtheweirdapple and don't forget to use the hashtag #SYH. Pretty please? Kahit silent reader ka, or offline reader, please, sana pagbigyan niyo po wish ko. Pamasko niyo na po sa akin. :'>
Let's hope for the best! Ciao. <3
Chapter 30: Twist of Fate
Rebecca’s POV
December 21. Hindi pa rin nagtetext si Railey. Hindi pa rin siya nangungulit sa akin. Parang kahapon lang, nagpapaabot pa siya ng bulaklak. ‘Yung na ‘yung huli naming conversation. After no’n. Wala na siyang ginawang any move. Ibinalik ko na ang cellphone ko sa ibabaw ng lamesa ko. Nasa gilid lang ‘yon ng kama ko. Nag-unat ako ng kamay. Hayy. Umaga na naman. Bakit hindi pa rin siya nagpaparamdam?
Teka lang. Bakit ko ba siya hinahanap?
Umaga na. Ilang araw na lang, Pasko na. Ilang araw na lang, New Year na. Hindi naman sa nagka-count down ako, pero inaantay ko talagang magbagong taon na. Gusto ko na nagpagbabago.
Bumangon na ako mula sa kama ko. Naligo. Nagbihis. Nagdala ng mga gamit na pinapadala ng secretary sa college of Education. Magiging isa na kasi ako sa kanila. Ito ‘yung inoffer nila sa akin dahil nga mawawala pansamantala ‘yung manganganak na secretary.
Pumunta na ako ng school. I remember the days. 21. Pang-ilang monthsary na siguro naming ‘to. Wala eh. Hindi naman rin nag-work. Siguro. Kahit kailan, hindi na talaga magwowork ang love team namin. Sobra lang akong nag-expect noong una.
Pagkalabas ko ng bahay, nag-commute na ako papasok ng school. Sumakay na lang rin ako ng fx papunta ng school. Malamig sa loob. Palibhasa, magpapasko na kasi. 9:00am na pero malamig pa rin.
Pagkarating ko naman ng school. Konting estudyante na lang rin ang nasasalubong ko. Christmas Break na kasi. Puro empleyado na lang ng school ang papasok. May iilang estudyante naman ang nagkumpleto lang ng requirements, kaya siguro sila nag-stay. I asked Roxanne kung papasok siya. Hindi na raw.
“Good morning, Ma’am.” Ito ang bati ko pagpasok ko ng office ng College of Education. Bumungad naman si Denise. ‘Yung SA ni Dean. At tsaka ‘yung isa pang secretary ng office na si Ma’am Jen. Siya raw ang makakasama ko ayon run sa babaeng nakausap ko tungkol sa offer na ‘to.
“Good morning, Rebecca. Welcome nga pala rito. I’ve heard a lot from you. Mukhang magkakasundo tayo,” sagot sa akin ni Ma’am Jen. Kilala ko siya pero sa pangalan lang dahil sa kanya ako nagpapasa ng requirements noong estudyante pa lang ako. “Upo ka,” dugtong niya.
Umupo naman ako sa may tapat ng table niya. Inabot ko naman ‘yung brown envelope na dinala ko. Kasama na rin dito yung TOR ko. :’> Hindi naman porket recommended na akong tao, hindi na ako magdadala ng resume at ng ibang requirements. Kaya, nagpapakabait na akong tunay. Nagdala na ako ng mga kailangan. Oh well. People change.
BINABASA MO ANG
Sir, You're Mine. FINISHED
RomancePG13. Nagsimula ang RIOT nang may isang babae ang nagsabing, "Sir, You're Mine." | Sir, You're Hot Book 2 | Not your ordinary student-teacher affair :) AVAILABLE IN NBS :)