29: Revenge?

14.7K 150 11
                                    

Author's Note: Please continue tweeting me @imtheweirdapple for your feedbacks. Don't forget to use the hashtag #SYH with love. <3 Walang pilitan mga kaibigan. <3 Merry Christmas!

Chapter 29: Revenge?

Chloe’s POV

 

After ng Christmas Program namin, in-approach ko kaagad si Railey sa backstage. Simula kahapon hanggang ngayon, hindi niya pa ako pinapansin. Siguro, asar na talaga siya sakin. Pero, ayos lang. Kaya nga ako nandito para bumawi.

“Rye! Congrats sa performance mo!” I said. Inabutan ko siya ng isang box. Christmas gift ko in advance. Pero hindi niya kinuha. Inismiran niya lang ako.

“Thanks. But I don’t need this. Alam mo kung anong gusto ko? Katahimikan. So will you please let go of me?” ito na ata ang pinaka-harsh na salitang narinig ko sa kanya. Umalis na siya.

Sinubukan ko siyang palihim na sundan. Unfortunately, si Roxanne at Rebecca ang nakasabay ko maglakad papalabas ng covered court. Binilisan ko ang lakad ko para habulin at paringgan si Rebecca.

“Oh… Dahan-dahan sa pagtanggi sa isang bagay na hindi naman talaga sa’yo,” I said as I walked beside her. “Siya nga pala. Merry Christmas!” I sarcastically said.

“Alam mo. Ma’am Chloe. At least, ako tumatanggi. Pero ikaw, pilit na itinatanggi. See? Nakakakaawa ka.” Tumigil siya sa isang tabi para sagutin ako. Aba. At nakuha niya pa akong tarayan?

“Well. Hindi mo ba alam kung bakit nagpapakabait sa’yo ang ‘Railey’ mo?” I asked. Sa puntong ito, umalis si Roxanne. Nauna na siya dahil sinenyasan ata siya ni Rebecca to go.

Her arms are folded. Her eyebrows are totally raised. And I? I don’t care. Hindi siya nakasagot sa tanong ko.

“Pagkatapos niyong kumain kagabi, alam mo ba kung saan siya nagpunta?”

“Noong nag-cool off kayo last break, alam mo ba kung na kanino siya?”

“Noong time na nalungkot siya dahil sa pagkahiwalay niyo, alam mo ba ang ginagawa niya?”

Sunud-sunod ang tanong ko sa kanya. Good thing is wala na masyadong tao sa lugar na ito dahil nauna na ang lahat umuwi. Hindi makasagot si Rebecca. Nakataas man ang kilay niya, halatang gusto niyang malaman ang sagot sa sunud-sunod na tanong ko. Hindi na siya makapalag. I love this. Sabi na nga ba, love makes a person weak.

“Dear Ma’am Chloe. I don’t care kung anong sagot sa lahat ng tanong mo. I don’t care kung sasabihin mo pang may nangyari sa inyo—“ pinutol ko siya bago pa siya makapagsalita.

“What if meron?” and I smiled.

“I-I s-still don’t care. Kung gusto mo siya, pwes, sa’yong sa’yo na siya! Hindi ako ipinanganak para lang patulan ang isang mababang uri na nilalang na katulad niyo. Katulad niyong dalawa ni Sir Rye. Wala akong pakialam. From now on, hindi ko na kayo pakikialaman. Wala akong pakialam sa inyong dalawa! And, kindly leave me alone!” nauutal si Rebecca sa mga sagot niya sa akin.

Sir, You're Mine. FINISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon