18: Revenge

17.9K 215 13
                                    

A.N. This chapter is dedicated to Lyn. Thank you for your sobrang bonggang suporta! :) :3

| For those who wants dedication, tweet me @imtheweirdapple. Tweet why you are deserving to be dedicated a chapter. Use the hashtag, #SirYoureHot or #SirYoureMine.  <3 Salamat! |

 JOIN OUR FB GROUP! Click the external link. <3

Sir Jael’s POV

Nasa labas kami ng multimedia room. Sa tapat lang rin naman ng pinto. Nakasandal kami pareho sa pader, at parehong nakaharap sa isa’t isa. His arms were folded.

“If you can leave my five students, there would be no problem, Sir Rye,” I said. “Kahapon mo pa sila sinusundo mula sa practice namin, hindi mo ba napapansin na baka nahihiya na sila sakin?” dugtong ko.

“Sir, I excused them. Hindi ko lang sila basta tinawag. You know that, naparito lang naman ako para sabihin sa kanilang lima na pwede silang sumali ng Glee Club as long as magiging responsible pa rin sila sa gagawin nila as officers ng English Club. May mali ba ro’n?” sagot niya sa akin.

Bago pa ako makasagot, may tatlong estudyanteng babae ang dumaan sa tabi namin, lahat sila bumati, “Hi Sir Jael. Good morning po...” lahat sila nakangiti. “Good morning rin,” sagot ko.

Actually, napansin naman siguro ni Sir Rye na hindi siya binati ng mga estudyante. Kaya siguro siya nagagalit sa akin. Hmmm. Kasalanan ko bang ako na ang napapansin ngayon? Tutal, birthday ko naman bukas. Baka pwedeng pagbigyan naman ako kahit sandali lang.

“As I was saying, walang problema ro’n, Sir. But, I just wanna let you know that I don’t like seeing people during our practice. Matatapos rin kami, maghintay ka lang,” sagot ko naman. He was really upset.

“Then, okay. That’s a deal. Just send them early so that they can still attend our meeting,” then he walked away after saying that. Pikon? Hmm... Umalis siya ng walang iniiwang words para sa akin. Ako nalang nga ang magsasabi sa limang estudyante na ‘yon na maging mabait pa rin sila kay Sir Rye.

Rebecca’s POV

“Roxanne. Anong problema ng jowa mo sa jowa ko?”

“Baka pag-aawayan ako. Joke. Hindi ko alam, Bec. Wala namang ganyanang biro. May tao oh.” mahina niyang sagot.

“Hoy kayong lima, bakit kahit picture hindi pwedeng kuhanan si Sir Rye. Anong ginawa niyo?” baling ko sa limang estudyanteng kapapasok lang.

Hindi sila umimik. All the time. Ganyan sila palagi. Pero, if I know, last practice naman naming hindi naman sila ganyan katahimik. In fact, palagi nga silang nakangisi at nagpipicture kay Sir Jael. Ngayon, talo pa nila ang binasa at pinatuyong sisiw sa tahimik.

Nilapitan ko sila. Tinignan mula ulo hanggang paa. Aba. Wala pa ring nagsasalita. Tinawag ko ang isang estudyante, “Psst. Ikaw, alam mo ba kung bakit ganon na lang ang itsura ni Sir Rye?”

“Uhm… Hindi po eh.” -Girl 1

“Uy sige na, sabihin mo na,” sabay siko ng isa niyang kasama na si Girl 2.

Sir, You're Mine. FINISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon