Dear Phantom_Love, dedicated 'yung chapter para sa'yo. I love your latest comment. Practical talaga. Hearts hearts! :)
Dear class, joke, readers, I love you all. Don't hate me for this chapter. <3
****
Rebecca's POV
'Yung 'allow-me-to-make-you-happy ni Jael, hindi ko rin tinanggap kagabi. Anuba. Alam ko naman kahit papaano sa sarili ko na tatanga-tanga pa rin ako sa mga ganyang bagay. Remember, nang iwan ako ni Stanley, I had (past tense talaga) Railey. Ngayong wala na kami ni Railey, do I need Jael for the sake of moving on? I cannot think and accept that concept.
Isang beses lang dapat maging tanga.
Isang beses lang kaya sa oras na 'to, titigil na ko sa paghabol sa kanya. Tutal, marami pa naman akong pwedeng gawin sa buhay, hindi ko sasayangin 'yung oras ko sa kanya.
Simula pa lang ng Linggo kaya nagpakitang-gilas na ako sa sarili ko. Iniwan ko na lahat ng sad thoughts sa bar last week. Ngayon, simula na ng tunay na bakbakan.
Last day na ng pag-file ng application para sa licensure examination namin. Ito rin ang araw na sa wakas, nakapag-decide na rin ako kung ano ang gagawin ko sa buhay. Na-realize kong, ang tanga-tanga ko pala, dahil all these years, (OA, days lang naman...) pwede na kong maghanap ng gagawing mas pasok sa akin.
Tae, Educ ang course ko, pero wala akong ibang ginagawa kundi ang magpasaway. Well. Sana lang 'wag bumalik sa akin lahat ng ginawa ko. Er.
"Miss Rebecca, I really thank you for helping us here in the office. Kung wala ka, hindi ko alam kung sino ang hahatakin ko to substitute my secretary," sabi ni Dean sa akin nang makapasok na ako ulit sa office niya at nang makapagpaalam na ng maayos.
Hindi halatang naging busy ako dito. Pa'no, kung anu-ano pa ang iniisip ko.
"Naku Dean, kung alam niyo lang, I owe my learning from you. Ang tiyaga niyo po sa akin e," sagot ko sa kanya. HIndi naman matigil si Ma'am sa pakikipag-shake hands sa akin. Ayaw niiya na ata akong paalisin.
"Why don't you work here, for good? Maybe you could teach minor subjects," sabi niya. Naku. Yoko na ngang makita si ano, tapos, dito pa ko magtatrabaho. Ang lagay eh, baka sa same department lang kami ni ano.
"Dean, naku, 'wag na po. Okay na 'yung pagiging alalay ninyo. Happy na po ako run. Happy to serve!" at pumalakpak pa ako na as if, taga-mall ako nagtatrabaho. Bilib ako sa kanila dahil sinasabi nila 'yon kahit pa hindi naman talaga sila masaya sa ginagawa nila. Nasabi ko lang dahil halata sa mata nila. Ramdam kong may sadness sa bawat pagsabi nila no'n.
Pero ba't ko nga ba naiisip 'yung mga ganitong bagay. Kainis, emotera na naman ako.
"Bisita ka pa dito 'pag may time ka pa ah. Baka maging busy ka na masyado eh," ngiti ulit si Dean. Tae, bisita pa raw, eh, ayoko na nga. Ayoko. Ayoko. Capital AYOKO.
Umalis na rin ako. Lumayo. Nag-inarte. Hahaha. De joke lang, hinanap ko na si Roxanne. Kanino pa ba ako magkukwento kundi sa kanya lang. Bakit ko papansinin si Jael kung alam kong dead na dead sa kanya ang bespren ko? Di bale na. Masaya naman ako kahit walang magsabi sa akin ng allow me to make you happy chenes. Oh basta.
Kulang na lang ay magkandirit ako sa tuwa habang papalakad papunta sa cafeteria. Hanap ko si Roxanne. Sabi ko dun kami kita. Alam kong umiinom na naman ng milk tea 'yung babaeng 'yon. Anyway, nang eksaktong nakaupo na ako sa may kainan, ay siya namang pagdating niya.
BINABASA MO ANG
Sir, You're Mine. FINISHED
Storie d'amorePG13. Nagsimula ang RIOT nang may isang babae ang nagsabing, "Sir, You're Mine." | Sir, You're Hot Book 2 | Not your ordinary student-teacher affair :) AVAILABLE IN NBS :)