Chapter 47: Cheat With Me
Chloe’s POV
“Railey.”
“We’re over. Happy?” He coldly said.
Ang alam ko lang sa kanya, halos lupaypay ko siyang nakita noong isang araw simula noong mag-usap sila ni Rebecca. Simula noong araw na ‘yun, hindi ko na ulit siya nakitang ngumiti. He’s not the Railey whom I used to know before. Para siyang patay na batang walang energy. I think he also skips his classes whenever he wanted to.
“Saan ka pupunta?” tanong ko sa kanya kahit alam kong naglalakad siya papunta sa faculty room namin.
“You don’t care,” sabi niya. Bitbit pa rin nito ‘yung libro niya sa Greek Mythology. Simpleng black t-shirt lang ang suot niya ngayon. Tinernuhan niya lang ito ng maong pants. Walang masasaksihan na kahit anong saya sa mukha niya. Ni ang pagiging suplado niya, hindi ko nakita.
Buong araw ko siyang sinundan kahit buong araw niya rin akong pinagtabuyan. Sige na, beyond the word desperada na talaga ang pwedeng i-describe sa akin. Wala eh, mahal ko eh. Siya lang yung pumulot sa akin nung panahong down na down ako eh. Siya lang yung nagpa-realize sa akin na hindi pala sapilitan ang pagmamahal.
Isang buong gabi ko lang siyang nakasama, pero alam kong sa isang gabi na iyon, may karapatan ako sa kanya. Responsibilidad ko ring ipaglaban siya. Kahit pa nandito lang ako sa malayo nakatingin sa kanya, masaya na ko. At least, I know na he is within my reach.
Naiinis ako kay Rebecca. Mahal niya lang si Railey dahil sa mabuting side neto. Hindi niya man lang naisip i-consider ‘yung imperfections ng tao.
Alas-sais na ng gabi pero nakasunod pa rin ako sa matamlay na si Railey. Hindi siya napapagod maglakad kahit feeling ko namang wala siyang pupuntahan. Basta, may ginawa pa siyang simula first floor, aakyat siya hanggang sixth floor bago umakyat papuntang Faculty Room.
Dumating na ang uwian ng mga instructors na gaya namin, pero siya, nagpaiwan pa rin. I remained with him kahit pa ilang beses niya akong ipagtabuyan.
“Hindi ka ba napapagod sumunod ng sumunod sa akin?” tanong niya. Syempre, nagulat ako, buong maghapon ko ba naman siyang sinundan nang hindi niya ako kinakausap tapos ngayon, bigla niya kong tatanungin ng gano’n.
Napansin kong huminga siya ng malalim bago magtanong ulit, palibhasa hindi ako nakasagot agad. “Si Rebecca…” buntong hininga niya, “nagsawa na kasi. Sayang nga eh. I’m such a dumb.” Ito naman ang dugtong niya. Ni hindi ko lubos maisip na nagbabahagi na talaga siya ng ganitong feellings niya eh. Si Chloe ako, I was supposed to be dumped, pero here he is again.
“Bakit mo pa hihintayin ‘yung taong nang-iwan sa’yo kung meron pa naman parating?”
“Syempre, tanga ko eh.”
Oops. It was my first time to hear Railey say the word tanga for himself. Actually, noong Teambuilding rin naman, kaya kami nagkasunod eh dahil sa cool off nila ni Rebecca. Ngayon, break na sila, kaya niya siguro ako kinakausap.
Magkaharap kami sa table ngayon. Kaya lang, iba talaga si Railey. Alam ko sa sarili kong hinahabol ko siya, pero dahil sa presensya niya sa harapan ko, hindi pa rin ako makatingin sa kanya. May ibang klase siyang ‘dating’ na siya lang ang meron. ‘Yung dating na kapag natamaan ka na, hindi ka na kakawala.
“Railey, parang ganito rin tayo nag-usap last Teambuilding,” sagot ko—which is totoo naman. We were not friends during that time pero he told me the story about him and Rebecca. Ngayon, ibang story na siguro ang sasabihin niya.
“Huh,” he smirked. “Naiinis na ko. Oo, cool off kami ni Bec that time, pero fvck. Why am I even saying this to you?” he added. He’s now cursing me.
“It’s because we’re the same. Railey,” I said. Ramdam kong hindi siya convinced kaya nagsalita pa ako.
“I know the feeling of being hopeless and helpless at the same time. That feeling when you have nothing to do but to wait because you’ve given up all your cards? I know those feelings. Everything sucks.”
“Let me guess, are you now waiting for me to fall for your lies and be with you tonight?” he asked. Nasasaktan na ko, tangina, pero hindi ko naman masabi dahil alam niyang matapang ako. Alam niyang si Chloe ako. Na-establish ko na ‘yung personality ko. Na kapag sinabing Chloe, matapang, palaban, at minsan malandi. Ang dami ko nang narinig na gano’n, pero binalewala ko.
I don’t care what other people think about me. Thinking about the things they think is just a waste of time. I have my own life. I don’t wanna be stacked thinking about their opinions.
“Railey. Ganito kasi ‘yan eh. Kung iniisip mong patay na patay ako sa’yo, oo. Tama ka. Sa sobrang katangahan ko, pinapabayaan kitang insultuhin ako. Sa sobrang katangahan ko, hinahayaan kong sabihan mo na lang ako ng kung anu-ano. Mahal kita eh. Even if you’ll ask me to cheat with you, I’m very much willing.
“Cheat with me, Chloe. Sandali lang. Gusto ko lang makalimot.”
“Alam mo naman ang sagot ko d’yan, Railey. Hindi ako tatanggi. Just say what I need to do. I swear, gagawin ko.”
“Kaya lang, ayoko nang makasakit ng babae. Ayoko nang may umiyak dahil sa akin. Ayoko nang—“
“Stop, Rye. I’m willing to cheat with you. Say it again, because I will be always yours.”
“Kaya lang, Chloe. Hindi ko ata kaya. Fvck. Gusto ko nang magbago, pero sa tuwing sinusubukan ko, mas lalo akong nagiging gago.”
“I don’t care. Pwede ka nang magbago. Start now. Kiss me, Railey. Kiss me.” I said.
***
GUYS. I swear. Magkakaroon ng dedication ang makakapag-marathong ng stories ko esp. Sir, You're Mine. Marathon ng stories ko? Tapos may dedic pa? Grabe. (Wala lang). Hehe. If ever, na may mag-marathon nga, bibigyan ko ng dedic. Promise. Ililista ko na this time. :'> How will I know if nag-marathon nga kayo? Votes plus comments. Hehe. #Famewhoringmuch. Pero, I just want you to read my stories. Huhuhu. :(((
Salamat guys!
BINABASA MO ANG
Sir, You're Mine. FINISHED
RomancePG13. Nagsimula ang RIOT nang may isang babae ang nagsabing, "Sir, You're Mine." | Sir, You're Hot Book 2 | Not your ordinary student-teacher affair :) AVAILABLE IN NBS :)